EDITORIAL:  Di pala kasama sa drug matrix

October 6, 2016 at 7:23 am Leave a comment


 
Noong Agosto 25, maraming Pangasinenses ang nabigla noong ihayag ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na sina dating Provincial Administrator Rafael Baraan, 2nd District Board Member Raul P. Sison at dating gobernador at ngayon ay ika-limang Distrito Rep. Amado T. Espino Jr. ay sangkot sa “illegal drug trade” sa loob ng New (National) Bilibid Prison (NBP). Sa matrix, kasama sina Senador Leila De Lima, dating Justice Undersecretary Francisco “Toti” Baraan III, driver ni De Lima na si Ronnie Palisoc Dayan at dating Heneral Franklin Bucayu.
 
Marami ang nagtaka at hindi makapaniwala sa naturang pahayag ni Pangulong Duterte. Sa araw ding iyon, nagsagawa si Espino ng “pulong ng mamamahayag” at nangakong lilinisin niya ang kanyang pangalan. Ganoon din ang ginawa ni Sison. Sinabi nila na hindi sila makapaniwala na isangkot ang kanilang mga pangalan sa isang gawain na kailanman ay hindi nila magagawa. Ayon naman kay Baraan, ang pahayag ng Pangulong Duterte ay parang isang bangungot.
 
Nagkaroon ng pagkakataon na nakausap ni Espino si Duterte na kung saan ay hiniling niya ang “revalidation” sa “matrix” na inihayag. Ayon kay Espino, siya ay pinagbigyan ng Pangulo. Noong Setyembre 27, habang ang Pangulong Duterte ay nasa Arayat, Pampanga para tingnan ang natagpuan ng Philippine National Police (PNP) na di umano ay napakalaking laboratoryo ng “shabu” ay ihinayag niya na hindi niya maikonekta sina Espino, Baraan at Sison sa “drug link matrix” pagkatapos ng mga isinagawang “revalidation.” Siya ay humingi ng paumanhin sa naturang mga personalidad sa kanyang pagkakamali sa pagsangkot ng kanilang mga pangalan.

 
Ang paghingi ng paumanhin ng Pangulo ay naghudyat ng pagkalinis ng kanilang pangalan . Ito’y isang bagay na ikinatuwa ng mga Pangasineses. Naibsan na rin ang agam-agam na ang mga opisyal ng lalawigan ay kasali sa “illegal drugs.” Bagamat marami ang natuwa dito, marami pa rin ang nagtanong. Bakit si Pangulong Duterte ang nagpahayag ng kanyang paumanhin? Hindi ba dapat na ang kanyang mga “intelligence officers” ang nagsagawa nito upang hindi mailagay sa alanganin ang pangalan at kredibilidad ng Pangulong Duterte?
 
Paano na rin iyong mga iba pang nakalagay na mga opisyal ng bansa sa unang ipinahayag na “narco-list? Hindi rin kaya nagkamali si Pangulong Duterte dito? Hindi kaya kaduda-duda na rin ang kanilang pagkakasangkot sa “illegal drugs”? Di ba ganoon din ang mangyayari sa mga susunod pang “narco-list” na kanyang isisiwalat?
 
Mahalaga ang malinis na pangalan. Ito ay isang kayamanan sa bawat tao. Kung ang hindi makatwiran at padalusdalos na pagpapahayag ng mga taong pinaghihinalaang kasangkot sa ilegal na droga ay ginagawa upang sila ay hiyain sa publiko, ito ay hindi makatwiran. Sino ang dapat maglinis sa kanilang pangalan? Hindi kaya dapat lang na ang Pangulong Duterte ay huwag ng magpahayag sa publiko ng “narco-list” kung sa kalaunan ay kanya ring babawiin dahil sa hindi tama ang mga impormasyon na naibigay sa kanya? Paano na ang pamilyang kanyang sinira? Paano na ang malawakang persepsyon ng taumbayan na ang mga pinangalanan ay talagang kasangkot sa operasyon ng ilegal na droga?
Ang pahayagang ito ay kasama sa mga nagagalak sa pagkakalinis ng mga pangalan nina Espino, Baraan at Sison na mga “anak” ng Pangasinan. Ito ay para sa reputasyon, hindi lang sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay, kundi pati na rin sa buong lalawigan ng Pangasinan.
 
 
Advertisements

Entry filed under: News.

CORTEZ: Bakit need natin na sumali sa China Silk Road

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 632,475 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2016
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,341 other followers


%d bloggers like this: