CORTEZ: Bakit need natin na sumali sa China Silk Road
October 6, 2016 at 7:20 am Leave a comment

CHINA SILK ROAD AGAIN. May isang panahon sa kasaysayan ng negosyo sa buong mundo kung saan nagkaroon ng tinatawag na SILK ROAD.
Ang silk ay isang major product na umiikot sa pamamagitan ng barter o palitan sa mga naghaharing kultura noon sa China, India, Arabia, Greece at Rome.
Tinawag itong Silk Road noong 1877 ni Ferdinand von Richthofen – isang tanyag na German geographer.
Ang Silk Road ay namayagpag noong second century BC hanggang sa katapusan ng fourteenth century AD.
Wala pang Christianismo ay may Silk Road na.
ONE BELT ONE ROAD. Ang China ay umunlad kahit hindi ito nasakop ng western countries. Hindi siya napasailalim sa USA o kahit na sa United Kingdom. Umunlad ang China sa sarili niyang diskarte.
Mula sa aral sa Silk Road…ipinatutupad ng China ang Silk Road new version sa pangalang OBOR o One Belt One Road.
Isang land at maritime route kung saan dadaan ang mga produkto ng mga bansa na ang sentro ay China.
Mas mabilis at mas malawak na market ang mararating ang produkto ng China.
Ipinaliwanag ni Kevin Sneader na ang One bel one road ay may dalawang dimension.
Ang unag dimension ay isang daan na magko-connect sa lahat ng mga bansa na nasa lupa.
Ang pangalawang dimension ay isang daan na magko-connect sa mga bansa sa pamamagitan ng nautical highway o maritime routes.
Ang dalawang dimension na ito ay naka-sentro sa China.
“There are two parts to this, the belt and the road, and it’s a little confusing. The belt is the physical road, which takes one from here all the way through Europe to somewhere up north in Scandinavia. That is the physical road. What they call the road is actually the maritime Silk Road, in other words, shipping lanes, essentially from here to Venice. Therefore it’s very ambitious—potentially ambitious—covering about 65 percent of the world’s population, about one-third of the world’s GDP, and about a quarter of all the goods and services the world moves,” sabi ni Sneader.
Sinabi ni Joe Ngai na nagkakaroon ng slow down sa economy ng China kaya inisip nito na palawakin ang puedeng marating ng kanilang mga produkto.
“China is seeing a bit of a slowing down in its growth. A lot of people are saying that that’s part of the next growth wave of Chinese exports, which is that it’s going to have its influence and its infrastructure build-out in many of these countries, most of them emerging markets, in lots of things that frankly have fueled the very high growth in China over the past decade,”sabi ni Ngai.
Huwag magtaka kung tumutulong ang China na magkaroon ng mas mahusay at maasahang transport system sa Pilipinas.
Mga highway na funded ng China. Mga tulay na funded ng China. Mga railways na funded ng China. Mga airport na funded ng China.
Lahat ng mga transport infrastructure ay para sa pagdaloy ng mga produkto at tao para mahawakan nila ang global economy.
“What remains to be seen is if that can be replicated in many of these countries in the next ten years. That is very significant. Because many of these countries are really lacking in this infrastructure. I remember when I take groups of delegates into China; they always marvel at the trains, the railway stations, the airports, and all that, which frankly is a bit of a miraculous creation in the past two decades,” sabi ni Ngai.
Maraming beses nang bumisita si Boss Rosendo sa China at siya mismo ang magkukuwento sa inyo sa mga high end na infrastructure at tourist facilities doon.
Ang pondo para sa binubuhay na Silk Road ay makukuha sa Silk Road Fund.
Itinayo na din ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) kung saan $100 billion ang nakalagak na pondo. Ang daming pera ano po?
Nandiyan din ang New Development Bank na pinondohan ng BRICS countries $100 billion.
Ang BRICS countries ay binubuo ng Brazil, Russia, India,China and South Africa.
Napansi niyo po ban a wala sa picture ang USA? Hahaha!
Ang Brazil ay isang malakaing economy na nasa south America.
Ang Russia ay isang malaking economy din sa isang panig ng Europe.
Ang India ay isang malaking economy sa Asia.
Ang South Africa ay isang malaking economy sa Africa.
Ang USA, kahit malaki ang economy ay hindi kasali.
Ano po ba ang implikasyon nitong pagbuhay sa Silk Road?
Inaalis na ang pagiging economic power ng USA sa buong mundo.
Ang World Bank na kotrolado ng USA ay hindi na major player at hindi kasali sa Silk Road Fund.
Ang pakikipag-usap ni PDuterte sa China, Russia, Vietnam at Laos ay more economic in nature.
Hindi ito usapin ng communism at USA. Ito ay usapin ng pagiging kasali sa Silk Road.
Ang Silk Road ang bagong economic order na tutulong sa developing economies tulad ng Pilipinas.
Flip Flop. Masanay na sana tayo bagong Presidente natin. Intindihin natin na iab ang personality ni PDuterte.
Ang personality niya ay iba sa personality ng iba pang nagging president ng Pilipinas. Tanggapin natin.
Lumabas na naman ang flip flop ni PDuterte nang mag-sorry siya kay Cong Espino sa pagkakadawit ng congressman sa drug matrix na four times niyang vinalidate personally.
“You know when you go in public and mention the name of a person because he’s involved in drugs, you practically destroy his life forever. That’s the reason why bakit ganon katagal. Hindi ako kasi pareho sa inyo, hangal, na pag may report nandiyan, bira nang bira.” Sabi ni PDuterte noong September 26 sa oath-taking of Malacanang Press Corps, Malacanang Cameramen Association and Presidential Photojournalist Association.
Next day, narito naman ang sinabi ni PDuterte.
“Insofar as the drugs, I think that somehow we were negligent in counter-checking during the first report. So kay Espino, and even to Sison at kay Baraan, yung kapatid, huwag yung Undersecretary, sabit talaga yun sa Bilibid. I would like to apologize to you publicly. I would say now, i am very sorry. Trabaho ko yan, part of my territory, I cannot be perfect, sometimes, you are correct when you say that life is never fair,” sabi ni PDuterte nitong September 27 sa inspection sa suspected shabu laboratory in Arayat, Pampanga.
Brighten your day.
Entry filed under: News.
CANTO ENDORSED TO BE HERMANO MAYOR OF THE 2016 CITY FIESTA EDITORIAL: Di pala kasama sa drug matrix
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed