EDITORIAL:  Karangalan o kahihiyan ng mga Pangasinenses?

September 26, 2016 at 1:47 am Leave a comment


Sa mga nakaraang buwan, ang Lalawigan ng Pangasinan ay namayagpag sa mga balita ng mga pahayagan, telebisyon at radyo hindi dahil sa mga magagandang balita kundi mga balitang nakakasira sa imahe nito.
Ang pangunahing balita ay mga kasong katiwalian na isinampa ng Ombudsman kay dating gobernador at ngayon ay representante ng ikalimang Distrito Amado T. Espino Jr. tungkol sa pagmimina ng ilegal na “black sand o magnetite” sa tabi ng Lingayen Gulf na kinabibilangan ng apat na barangay ng Lingayen- Estanza, Capandanan, Sabangan at Malimpuec.
Matagal ang pag-usad ng usaping ito na nagsimula pa noong 2011 at ang dalawang kaso ni Espino pati ng mga dawit na kasamahan nito ay sumasailalim na ng pandinig sa ika-anim na Dibisyon ng Sandiganbayan. Pinabulaanan at pinasinungalingan ng kampo ni Espino ang nasabing kaso ngunit nanaig pa rin ang resulta ng Ombudsman sa isinagawang imbestigasyon.
 Noong Agosto 25 sa taong ito, muli na namang nagulantang ang mga Pangasinense ng ipahayag ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang  ‘drug link matrix’ sa ilegal na operasyon ng droga sa New Bilibid Prison (NBP). Sangkot ang mga limang Pangasinenses sa pagbubunyag ni Pangulong Duterte- dating Justice UndersecretaryFrancisco “Toti” Baraan III, dating Provincial Administrator Rafael Baraan, driver ni dating Justice Secretary Leila De Lima na si Ronnie Palisoc Dayan, kinatawan ng ikalawang Distrito Raul P. Sison at si dating Gobernador Espino. Sila diumano ay mga tulay sa malawakang bentahan ng ilegal na droga mula sa NBP na pinamumunuan ng mga konbiktadong “drug lords”.

 Maraming Pangasinense ang nainis sa mga balitang ito. Ang tanong nila: “Bakit umabot sa ganitong sitwasyon ang Lalawigang Pangasinan? Bakit ang mga lider na inaakala nilang magdadala ng magandang imahen ng lalawigan ang magdadala ng kahihiyan sa lalawigan? Ano at sino ang mga nasa likuran nito na tila bang wala ng katapusan ang mga paratang kay Espino?”
Malalim na usapin ang pagkakasangkot ng nasabing mga personalidad sa ilegal na droga. Nakababahala naman ang pahayag ni Pangulong Duterte na ang Pangasinan ang pinagmumulan nito. Bagamat sinasabi ni Espino na hiniling niya kay Pangulong Duterte ang malawakang imbestigasyon sa kanyang pagkakasangkot sa “drug link matrix,” ang persepsyon ng mga Pangasinense ay nakatuon sa kung siya nga ay dawit dito. Madaling pabulaanan ang lahat ng mga akusasyon. Madaling pagtakpan ang mga katiwalian. Subalit kung sa isipan ng bawat Pangasinense na ang lahat nito ay totoo, wala ng iba pang masusulingan ang mga lider natin kundi tanggapin ang mapait na katotohanan.
Dito, naniniwala kami na ang ebidensiya ang mas nananaig kaysa lahat ng usaping kasinungalingan.
Advertisements

Entry filed under: News.

Baraan calls  Colangco’s statements ‘nonsense’ FREE BREAKFAST

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 665,132 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

September 2016
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,352 other followers


%d bloggers like this: