EDITORIAL: Wala nga bang lumabas na blacksand sa Pangasinan?

September 19, 2016 at 4:40 pm Leave a comment


Bago pa man lumabas ang ” preventive suspension order” mula sa Sandiganbayan ni dating Gobernador at ngayon ay kongresista ng ika-limang Distrito Amado T. Espino Jr. tungkol sa kinahaharap nitong kaso sa “illegal blacksand mining” ng Pangasinan, palagi na niyang pinabubulaanan sa mga pulong balitaan na wala ni isang butil ng “blacksand” ang lumabas sa Pangasinan papunta sa ibang bansa.
Ito ang pilit niyang pinapahayag sa sambayanang Pangasinan upang ipamalas na ang kanyang dalawang kaso sa paglabag ng Seksyon 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Republic Act No. 3019 ay walang katotohanan at ang mga ito ay may upang sirain ang kanyang pangalan. Marami ng mga balita at mga komentaryo ang naiulat tungkol sa “illegal blacksand mining” na isinagawa pa noong 2011 sa may apat na barangay ng Lingayen, subalit lahat ng mga ito ay pinasubalian ni Espino. Subalit ang nga pagsusubaling iyon ay hindi katanggaptangap sa Ombudsman kaya ang mga kaso ay tuluyang naisampa sa Sandiganbayan.
Totoo ba na walang lumabas na “blacksand” sa Pangasinan? Mayroon bang basehan ang Ombudsman sa pagsasabing mayroong lumabas sa lalawigan at ito ay naibenta sa isang kompanya at dinala sa bansang Tsina? Sa tagal ng pag-usad ng kaso, ang dokumento tungkol dito ay hindi natunghayan ng mga mamamahayag. Kamakailan lang, nailabas ang isang dokumentong ” mineral ore export permit” na inaprobahan mismo ni dating Gobernador Espino noong Disyembre 8, 2011 na pabor sa Xypher Builders Inc. upang ilabas sa Pangasinan ang 10,000 cubic meters ng “blacksand” na nagkakahalaga ng P10,750,000 papuntang Tsina. Ibinenta ng Xypher Builders Inc. ang nasabing “blacksand” na may mataas na uri na 52% sa kompanyang DH-Kingstone Holdings Co. Ltd. at ito ay nailabas sa pamamagitan ng Subic Port sa Zambales.

Sa paggiit ni Espino na walang nailabas na “blacksand”, maraming katanungan ang sumasagi sa kaisipan ng mga Pangasinenses. Bakit si naglabas si Espino ng “mineral ore export permit” na ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay wala siyang kapangyarihan na gawin ito? Bakit ang Xypher Builders Inc. ay nagbayad sa Provincial Treasurer’s Office ng kaukulang “extraction fee tax” noong Disyembre 7, 2011? May kaukulang resibo ito na galing sa Office of the Treasurer ng Pangasinan na may numerong 6323455A.
Hindi na dapat bigyan ng pansin ito dahil ang mga kaso ay didinggin na sa Sandiganbayan at ang mga nasabing dokumento ay gagamitin ng Ombudsman bilang ebidensiya sa pandinig. Subalit, sa paulit-ulit na pagsisinungaling ni Espino tungkol dito, nararapat lamang na ito ay mailabas para sa kaalaman ng mga Pangasinenses.
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Matobato’s antics and lies Church bells ring for those who died during past months 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 625,315 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

September 2016
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: