CORTEZ: Suspension order by Sandiganbayan not implemented by House

September 19, 2016 at 4:53 pm Leave a comment


 brando-maso
“We follow what’s strictly provided for in the Constitution that a member of Congress can be suspended only for disorderly conduct or behavior upon a vote of two-thirds of all the members. ‘Yan ang palagi naming sinusunod,” sabi Cong Nepatali Gonzales II nung inutos ng Sandiganbayan ang suspension ni Cong Gloria Arroyo noong 2014.
Naglunsad at nagtataguyod ng giyera kontra iligal na droga si PDuterte sa Pilipinas.
May isang Filipina na nahatulan ng kamatayan sa ilalim ng legal na proseso sa Indonesia sa kasong iligal na droga.
Ano ang gagawin ni PDuterte? Aarborin niya ba yung Filipina na nagkasala at nahatulan sa batas ng Indonesia?
Ang bansang Indonesia ay may mga sariling batas at korte na hindi puedeng panghimasukan ni PDuterte.
“Well, President Duterte said to go ahead, process it in accordance with Indonesian law, well that’s it …,” sabi Indonesian President Widodo.
Admire ni PWidodo ang consistency ni PDuterte sa giyera kontra iligal na droga.
Admire ni PWidodo ang respeto ni PDuterte sa legal processes ng Indonesia.
“So I see that Duterte has very high consistency in regards to the eradication of narcotics. There is no tolerance, so he said that he respected the legal process in Indonesia. The meaning of that is clear,”dagdag ni PWidodo.
Baligtarin naman natin ang sitwasyon
Halimbawa at may isang Indonesian na nahuling nagpasok, nahuli at nahataulan ng kamatayan sa Pilipinas sa kasong iligal na droga, ano ang dapat mangyari?
Papayag ba ang Pilipinas na manghimasok ang Presidente ng Indonesia sa desisyon ng korte ng Pilipinas?
Papayag ba ang Pilipinas na baligtarin ang desisyon ng korte para mapalaya ang Indonesian na nagpasok ng iligal na droga sa Pilipinas?
Consistent lang daw si PDuterte sa laban kontra droga.
Malapit na ang katapusan ng drug lord na si Kerwin Espinosa.
Dito kasi sa Pilipinas, kapag may Amerikanong nagkasala sa isang Pilipino o sa maraming Pilipino ay hinahayaan ng bansa na makialam ang Amerika.
Ayun… naiuuwi nila sa Amerika ang mga Amerikanong nagkasala sa Pilipinas.
TULOY NA. Tuloy na ang postponement ng barangay at SK elections matapos maaprub sa House of Representatives at Senate ang bill.
Sa October 23, 2017 na gaganapin ang Barangay at SK elections.

Bakit nga ba na-postpone?
Isa daw dahilan ay para hindi ma-pondohan ng drug lords ang mga kandidato nilang kapitan.
Ang isa pang dahilan ay para makargahan na ni PDuterte ang mga vacancy sa gobyerno bago mag-Pasko para tuloy-tuloy na ang makinarya ng gobyerno.
Kung natuloy kasi ang Barangay at SK election may ban on appointments. Hindi makakapaglagay si PDuterte ng mga taong trusted niya na magdadala ng program of government na ipinangako niya sa bansa.
Bawal mag-appoint si PDuterte sa gobyerno 45 days before an election.
Bawal din mag-appoint si PDuterte sa gobyerno 30 days after an election.
Dahil walang election, tuloy ang mga appointments ng mga tao para sa administration ni PDuterte.
HINDI NATULOY. Magkaiba talaga ang Lower House at Upper House.
Ang Lower House ay mga congressman ang laman.
Ang Upper House ay mga senador ang laman.
Pati sa implementation ng orders ng Sandiganbayan o ng Ombudsman ay magkaiba sila ng sinusunod.
Hindi ipatutupad ng House of Representatives ang suspension order ng Sandiganbayan kay Cong Espino o kahit sino pa man na member ng House of Representatives.
“We follow what’s strictly provided for in the Constitution that a member of Congress can be suspended only for disorderly conduct or behavior upon a vote of two-thirds of all the members. ‘Yan ang palagi naming sinusunod,” sabi Cong Nepatali Gonzales II nung inutos ng Sandiganbayan ang suspension ni Cong Gloria Arroyo noong 2014.
Kahit na gusto ni Cong Espino na sumunod sa utos ng Sandiganbayan kung ayaw ng House i-implement wala siyang magagawa.
Ang 90-day suspension order ng Sandiganbayan kay Cong  Amado Espino ay dahil may hinaharap siyang kaso, hindi dahil guilty siya.
Innocent until proven guilty ang principle ng batas sa Pilipinas.
Ang 90-day suspension order ng Sandiganbayan kay Cong  Amado Espino ay hindi penalty dahil sa korapsyon.
Hinaharap ni Cong Espino ang kaso sa Sandigabayan. Hindi niya ito inaatrasan.
Kapag napawalangsala si Cong Espino ay makukuha pa rin niya ang sahod niya bilang congressman sa panahon ng 90-day suspension niya.
Mahaba pa ang proseso ng batas. Marami pang mangyayari.
“Ito naman ay hindi penalty, suspension ‘to. Ito naman ay ginagawa sa lahat ng akusado whether members of Congress o opisyal ng ibang ahensiya ng gobyerno. So we should be able to enforce the judicial process equally to all,” sabi ni Cong Edcel Lagman.
Noon pa man ay hindi naman sumusunod ang House of Representatives sa order ng Sandiganbayan.
Noong inutos ng Sandiganbayan ang suspension ni Cong Gloria Arroyo…hindi inimplement ng House ang suspension.
Noong inutos ng Sandiganbayan ang suspension ni Cong Pedro Acharon…hindi inimplement ng House ang suspension.
Noong inutos ng Sandiganbayan ang suspension ni Cong Rodolfo Valencia …hindi inimplement ng House ang suspension.
Noong inutos ng Sandiganbayan ang suspension ni Cong  Paulino Salvador Leachon…hindi inimplement ng House ang suspension.
Puede rin naman na kunin ng congressman ang voluntary acceptance of suspension order ng Sandiganbayan… kung gusto niya.
PERO IBA SA SENATE O UPPER HOUSE. Sa Senate noong si Senate President Frank Drilon ang senate president inimplement niya ang suspension order ng mga senador.
Inimplement ni senate president Drilon ang suspension ni senator Juan Ponce Enrile.
Inimplement ni senate president Drilon ang suspension ni senator Jinggoy Estrada.
Inimplement ni senate president Drilon ang suspension ni senator Bong Revilla.
RAMON MAGSAYSAY AWARDEED. Taumbayan ang biktima ng korapsyon ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
“The Filipino People are the real victims whenever corrupt public officials steal money. Stop giving the public the impression that you are being politically persecuted it is the other way around,” sagot ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa mga pulitiko na may hinaharap na kaso sa Ombudsman at Sandiganbayan.
Maraming kasong inihahain sa Ombudsman ay harassment cases ng mga pulitiko sa kanilang mga kalaban.
Isang pulitiko ay maghahain ng graft case sa kalabang pulitiko.
Iyung kalabang pulitiko ay gaganti din ng graft case sa kalabang pulitiko.
O di ba? Parehong politically motivated.
Pero may mga kaso na genuine. May mga kaso na hindi pulitko ang nagsampa.
May mga kaso na ordinaryong tao ang nagsampa dahil may nakita silang mali tulad ng nangyari diumano sa Camarines Sur.
Mahirap naman paratangan na nagpapagamit sa pulitko ang isang Ramon Magsaysay Awardee tulad ni Ombudsman Carpio.
Mahirap naman paratangan na napalusutan ng pulitko ang isang Ramon Magsaysay Awardee tulad ni Ombudsman Carpio.

Entry filed under: News. Tags: .

COTTON CANDY Rea to Espino: Blame yourself, not others

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,302 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

September 2016
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: