EDITORIAL: Pagsuspendi kay Espino, hustisya sa mga Pangasinenses

September 11, 2016 at 8:25 pm Leave a comment


Inilabas na ng 6th Division ng Sandiganbayan noong Setyembre 7 ang resolusyon na naglalayon na suspendehin ng 90 na araw si 5th District Rep. Amado T. Espino Jr. hinggil sa kinahaharap nitong dalawang kaso sa paglabag ng Seksyon 3(e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ang naturang kaso ay dahil sa  pagsagawa ni Espino ng ilegal na pagmimina ng black sand o magnetite noong 2011 sa dalampasigan ng Lingayen Gulf na sumasakop sa apat na barangay -Estanza, Malimpuec, Capandanan at Sabangan. Sangkot sa mga kaso ang mga kasamahan ni Espino na sina dating Provincial Administrator Rafael Baraan, hepe ng Housing and Urban Development Office Alvin Bigay at 11 pa na personalidad na nagmamay-ari ng Alexandria Mining and Oil Ventures at Xypher Builders Inc.
Sina Baraan at Bigay ay tinanggal na sa serbisyo ng Office of the Ombudsman noong Disyembre 2014.
 Mainit na isyu ang usaping ito noong nakaraang halalan. Pilit na pinabulaanan ng kampo ni Espino, na noon ay gobernador pa ng Pangasinan, na walang ilegal na pagmimina na isinagawa sa mga naturang barangay. Sabi nila ito ay bahagi lamang ng paninira kay Espino at gawa-gawa lamang dahil sa pulitika. Subalit pagkalipas ng halalan noong Mayo, isinampa ng Office of the Ombudsman ang mga kaso sa Sandiganbayan na kung saan binigyan si Espino ng “hold departure order” para hindi makalabas sa bansa at ganoon din ng paglagak nito at ang kanyang mga kasamahan ng kaukulang piyansa sa dalawang kaso.

Dahil ang mga kaso ay nasa pandinig na ng Sandiganbayan bilang espesyal na Korte na lilitis sa katiwalian ng mga opisyal ng pamahaalan, nag-mosyon ang Office of the Ombudsman noong Agosto 3 na bigyan ng 90 na araw na suspensyon si Espino. Noong Agosto 18, sinagot ni Espino ang mosyon at iginiit na hindi na siya maaaring suspendehin dahil nasa iilalim na siya ng hurisdiksyon ng Mababang Kapulungan o House of Representatives. Sinagot ng Ombudsman noong Agosto 30 ang katwiran ni Espino na sinabing ang mga kaso ay nangyari o naisagawa noong siya ay nanungkulan pa bilang gobernador at mayroon pa rin siyang kapangyarihan na impluwensiyaan ang mga titestigo dito. Kinatigan ng Sandiganbayan ang argumento ng Ombudsman.
Matagal ang pag-usad ng kaso. Matagal na naghintay ang mga residente ng apat na barangay ng Lingayen para maisulong ang hinahanap nilang hustisya sa panghahalay sa dalampasigan ng Lingayen Gulf. Sa pagsususpendi kay Espino, parang nababanaag na nila ang pagsulong ng hustisya na tila ba naging mailap sa kanila ng maraming taon.
Magpapatuloy na ang pandinig sa kaso ng ilegal na pagmimina ng black sand o magnetite sa Sandiganbayan. Ang mga ebidensiya at mga testigo ay ilalatag na ng Ombudsman sa mga susunod na araw. Ang mga ito ay pasusubalian ng kampo ni Espino. Hindi na ito usapin ng pulitika. Ang pagsulong ng mga kaso sa Sandiganbayan ay ang pagbibigay ng sapat na hustisya sa mga Pangasinense sa tuwirang pagbalahura at pang-abuso sa kalikasan ng mga opisyales ng pamahalaan.
Kami sa pahayagang ito ay naniniwala na ang hustisya ay malapit ng igawad ng Sandiganbayan.

Entry filed under: News. Tags: .

CORTEZ: Meiring Affair, may ring ang affair…  paki explain nga ang Davao bombing Quiambao to Chua: Return to us the old Bayambang Central School

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,547 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

September 2016
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: