CORTEZ:Bakit hindi makukuha ang rice self-sufficiency sa panahon ni Pernia?

September 6, 2016 at 9:09 pm Leave a comment


brando-maso

 
“The imported rice is always cheaper than homegrown rice, it’s very expensive to grow rice in our country,” sabi ni National Economic and Development Authority Director-General Ernesto M. Pernia.
 
Sa latest statement ng NEDA, sure na walang balak na magkaroon ng rice self-sufficiency ang Pilipinas.
 
Dahil wala sila sa landas ng rice self-sufficiency…dapat mag-resign na habang maaga.
 
Itong  mind set ni Pernia at iba pang katulad niya sa gobyerno ang dahilan kung bakit hindi makukuha ng Pilipinas ang rice self-sufficiency sa loob ng six years.
 
“The imported rice is ALWAYS CHEAPER than home grown rice,” sabi ni Pernia.
 
Surrender agad si Pernia na cheaper ang imported rice. Para siyang adik na sumuko sa pulis.
 
Kung aasa ang Pilipino sa mas mura na imported rice parang sinimulan mo na rin patayin ng dahan dahan ang magsasakang Pilipino.
 
Para kang adik na sumuko. Tapos ipinahamak mo ang kapwa mo.
 
“it’s very expensive to grow rice in our country,” sabi ni Pernia.
 
Our country daw oh! We will be a country that does not produce its own rice.
 
Imagine isang agricultural country na Pilipinas na walang kapasidad na magproduce ng sariling bigas!
 
Imagine mo ang mga bukid na walang tanim na palay! Wow! Ano kaya ang hitsura ng mga bukid na dating may palay?
 
Imagine mo ang mga bukid na walang tanim na palay! Wow ha! Ano kaya ang feeling na yun dati mong nakikitang palayan ay wala nang tanim?
 
Imagine mo ang mga bukid na walang tanim na palay! Wow ha! Ano kaya ang simoy ng hangin sa dati mong nakikitang palayan na wala nang tanim?
 
Kung expensive mag-produce ng isang bagay… susuko ka na lang ba?
 
Kung expensive mag-produce ng bigas sa Pilipinas… susuko ka na lang ba?
 
Wala bang solusyon para bumaba ang production cost ng bigas sa Pilipinas?
 
Wala bang magagawa ang mga doctorate degree ng mga nasa NEDA para bumaba ang production cost ng bigas sa Pilipinas?
 
Dapat ang maging mind set ni Pernia ay kung paano mangyayari na Philippine rice is ALWAYS CHEAPER than imported rice.
 
Kapag nagawa ni Pernia na ang local na bigas ay mas mura sa imported rice mawawala na ang rice importation.
 
Kapag nagawa ni Pernia na ang local na bigas ay mas mura sa imported rice mawawala na ang rice smuggling.
 
Kung hindi niya kaya iyan… dapat mag-resign na siya.
 
Gaano ba katagal para makuha ang tinatawag na rice self sufficiency para sa Pilipinas?
 
One year? Two years? Three years? Six years? Twelve years?
 
Bago formal na naging Agriculture Secreatary si Manny Pinol, sabi niya hindi na bibigyan ang private sector ng import permit para sa bigas.
 
Inabuso ng mga private traders ang import permit sa mga nakaraang administrasyon.
 
Pero, kamakailan lang ay sinabi niya na papayagan na mag-import ng bigas ang private traders.
 
Pareho na sila ng kanta ni Pernia. Wala nang government importation ng bigas. Private traders na ang puedeng mag-import.
 
“Our collective decision — to be proposed to the President and I’m sure he will like it — is to remove the proprietary and commercial activity of NFA and focus on its core function of regulation,” sabi ni Pernia.
 
Nakakalito, hindi po ba?

Ano na ang  magiging meaning ng kantang Magtanim ay di biro?
 
Magtanim ay di biro, maghapong nakayuko,/ di naman makatayo, di naman makaupo, 
Magtanim di biro, maghapong nakayuko,/ di naman makaupo, di naman makatayo.
 
Ohaaa. E di napakanta ka! Hahaha.
 
Sana balikan ni Pernia ang ending ng kantang Magtanim ay di biro.
 
Halina, halina, manga kaliyag./ Tayo’y magsipag unat-unat. 
Magpanibago, Tayo ng lakas,/ Para sa araw ng bukas
 
Mag-unat unat na ng katawan at isipan para maging cheaper ang production cost ng bigas sa Pilipinas.
 
Gamitin ang lakas at isipan para buhayin ang sakahan.
 
DE LIMA ON PIPOL 2011. Noong November 2011 guest si Senator Leila Delima sa show na Pipol sa ABS CBN.
 
May nalalabag na human rights sa drug war ni PDuterte kaya nagpatawag ng senate inquiry si De Lima.
 
Minsan naging head ng Commission on Human Rights si De Lima sa panahon ni pangulong Gloria Arroyo.
 
Bakit ayaw sanang tanggapin ni De Lima ang maging head ng Commission on Human Rights o CHR? Narito po ang sagot.
 
“I don’t think I can accept that, I’m not sure if I can accept that. I think that’s not my area. What will I do there? I hardly know anything about human rights,” sabi ni De Lima kay Ces Drilon.
 
Paano nakumbinsi si De Lima na maging head ng CHR? Narito po ang kuwento niya nang magkaharap sila ni pangulong Arroyo.
 
“Until it was the former president who summoned me to a private meeting one on one. That was my first face to face encounter with the former president. And he was very nice, she was very motherly,” sabi ni De Lima.
 
“So the first question I asked madame president why me for CHR? You know that I am not a human rights lawyer? Sabi ni De Lima.
 
“I need someone with a strong personality and be the face of CHR,” ito daw po ang sagot ni pangulong Arroyo sa kanya.
 
Alam niyo ba na nagtanan si De Lima at yun una niyang asawa? As in nag-elope nang sila ay second year sa law school.
 
“We eloped, me and my former husband. Hahahaha My father did not talk to me for two years,” kuwento ni De Lima.
 
Iba talaga ang love. Magtatanan ka. Aawayan ka pa ng tatay mo.
 
“It’s a mixed feeling, here I am in love with someone else but my father disapproves of it” dagdag ni De Lima
 
Bago mag bar examination ay nagkabati na si De Lima at ang kanyang tatay…sixth placer siya sa Bar.
 
Dalawa ang naging anak ni De Lima at may apo na rin ang lolang senadora.
 
Marital status? Annuled therefore single again si De Lima and no intention to remarry.
 
“I am single by judicial decree. I committed to myself that I won’t remarry.
I feel that I would not be doing justice to my partner,” sabi ni De Lima.
 

 

Entry filed under: News. Tags: .

DENYING MATRIX INVOLVEMENT Help maintain the peace, says Phil Army commander

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,135 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

September 2016
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: