EDITORIAL: Kapayapaan sa gitna ng mga karahasan

September 5, 2016 at 5:40 pm Leave a comment


 
Sa pakikidigma sa ilegal na droga, ang Pangulong Rodrigo “Digong’ Duterte ay may iiisa lang na layunin. Ito ay ang sugpuin ang malawakang salot na dulot ng droga na sa ating pag-aakala ay hindi ganito katindi. Sa loob ng dalawang buwan na panunungkulan bilang pangulo, malayo na ang pakikidigmang ito na nagdudulot ng katiwasayan at kapayapaan sa mga Filipino bagamat may mga mangilan-ilan na tumutuligsa nito dahil sa karapatang pantao.
 
Sa isinasagawang “Operation Double Barrel” na kinabibilangan ng “Operation Tokhang”, mahigit ng 700,000 na gumagamit at nagtutulak ng droga ang sumurender. May kabuuang mahigit na 1,700 naman ang namamatay, 700 dito ay galing sa lehitimong operasyon ng Philippine National Police (PNP) at ang 1,000 ay kagagawan diumano ng mga “vigilantes.” Sa mga nakalipas na mga linggo, madugo ang pakikidigma ng pamahalaan sa ilegal na droga. May mga pinangalanan na ring mga pulitiko na sangkot dito kabilang ang mga heneral ng PNP at mga hukom.
 
Ang kapayapaan sa ngayon ay tila mailap bagamat ginagawa ni Pangulong Duterte ang mga nararapat na hakbangin patungo dito. Mayroon ng “peace talks” na isinagawa sa Oslo, Norway sa Communist Party of the Philippines (CPP), Natonal Democratic Front (NDF) at New Peoples’ Army (NPA). May mga konkretong pinag-usapan tungo sa kapayapaan ng ating bansa gaya ng tigil putukan sa pagitan ng ating Hukbong Sandatahan at NPA.
 
Sa kabilang dako naman, ang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ay idiniin ni Pangulong Duterte na tuwirang buwagin. Inutusan niya ang Hukbong Sandatahan na lipulin ang mga kasapi nito sa Basilan at Sulu. Naging madugo ang bakbakan ng magkabilang panig. Labing limang sundalo ang nalagas sa hanay ng pamahalaan na nagpaigting ng desisyon ni Pangulong Duterte na ibayuhin ang pakikidigma dito.
 
Ang ASG ay mga bandidong nagsasagawa ng ” kidnap for ransom” at ang kanilang mga biktima ay pinupugutan ng mga ulo kung hindi makapagbigay ng “ransom” na hinihingi. Sa maikling salita, ang ASG ay isang grupong terorista. Walang mga prinsipiyong ipinaglalaban ang ASG na di gaya ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF). Magkakaroon din ng usaping pangkapayapaan ang pamahalaan sa MILF at MNLF.

 
Noong Setyembre 2, binomba ng ASG ang isang palengke sa Davao City na kung saan may mga nasawing 16 na katao at 67 ang naiulat na nasugatan. Dahil dito, iprinoklama ni Pangulong Duterte ang buong Pilipinas sa ilalim ng ” State of Lawlessness” o “State of Lawless Violence” upang mapigilan ang mga susunod pang mga insidente gaya ng nangyari sa Davao City at ang patuloy na pagpatay ng mga vigilantes sa mga suspek sa ilegal na droga na iniuugnay sa mga kapulisan. Nilinaw ng pangulo na ang kanyang direktiba ay hindi Martial Law at ang “writ of habeas corpus” ay hindi sinuspende.
 
Sa aksyon na ito ni Pangulong Duterte, ano ang mga inaasahan? Magkakaroon ng mga itatalagang “check points” sa mga daan at ang mga sundalo at mga kapulisan ay may mga karapatang mangapkap pero di lalabag sa karapatang pantao. Dito ay makikita natin kung gaano binibigyan ng importansiya ang kapayaan kontra sa karahasan. Madugo ang sinimulang pagbabago. Para itong isang ina na nanganganak na bagamat mahapdi sa simula, paglabas ng sanggol ay nagdudulot ng kaginhawaan at kapayapaan.
 
Kailangan lang tayong mapagmatyag.

Entry filed under: News. Tags: .

Villasis police gain headway in ‘Operation Tokhang’ CARTOON: DRUGS WAR

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,837 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

September 2016
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: