MASO: Ito lang ang fight na hindi namin inatrasang lahat

August 29, 2016 at 8:26 pm Leave a comment


brando-maso
BOODLE FIGHT FOR PEACE.“Ito lang ang fight na hindi namin inatrasang lahat, hahahaha!” sagot ni Bok Nani Braganza nang kumustahin siya ni Raffy Tima ng GMA News sa Norway habang nagaganap ang boodle fight.
Magandang laban ang boodle fight kasi, ano? Fight for food. Kanin. Ulam, lahat nasa isang mahabang la mesa.
“Nagfa-fight nakangisi, nakatawa at higit sa lahat busog ka pa di ba? Hahahaha!” dagdag ni Braganza.
Ang paghaharap sa isang boodle fight ng mga komunista, at gobyerno kasama ang third party facilitators mula sa Norway ay makahulugan.
Salo-salo ang lahat, magkasalo ang magkabilang panig. Walang armas na kutsara at tinidor… wala din pinggan. Kamay lang ang gamit.
“Malalim ang symbolism in the sense na ito tradition ng military natin sa Pilipinas. Sa PMA. In the same manner na… pero ang pinakamagandang simbolo nito magkakaharap kayo, kumakain. Walang pinggan, di ba?” sabi ni Braganza.
May mali daw sabi ni bok Nani kasi sobra ang pagkain, dapat mas konti ang pagkain para may agawan sa food. As in may fight for food. Kaya nga boodle fight.
“Kaya lang mali, e. sobrang dami ng pagkain e, hindi nag-aagawan e. di ba? Sobra kasi. By tradition ata, usually, kung sinkuwenta kayo good for thirty lang e. para agawan,” dagdag ni Bok Nani.
Ang pagkain ay mula sa Filipino community sa Norway. Suportado ng mga kapatid nating Filipino sa Norway ang peace process… ang kapayapaan sa Pilipinas.
“Kami ay nagpapasalamat sa Filipino community, mula kagabi hanggang bukas ata. Sila po ay hindi lang tumutulong sa pagkain kungdi nagbibigay ng suporta sa usaping pangkapayapaan dito po sa bayan ng Norway Lungsod ng Oslo,” sabi ni Bok Nani.
Nandoon din ang mga pinalayang NDF consultants at nandoon din sina Quezon City mayor Herbert Bautista at Angeles City mayor Ed Pamintuan.
Ang boodle fight ay isang pagkakaisa para sa kapayapaan ayon naman kay Ka Fidel Agcaoili.
Pinasalamatan ni Ka Luis Jalandoni ang mahusay na pagdadala ng peace process ng third party facilitators napinangungunahan ng ambassador Norway sa Pilipinas.
Pinuri din ni Ka Luis Jalandoni ang mga binitiwang salita ni PDuterte para sa just and lasting peace sa Pilipinas.
INDEFINITE PEACE. Nagkasundo na ang mga komunista at ang gobyerno ng Pilipinas na magkaroon ng ceasefire.
Siyempre indefinite. Maraming mangyayari sa one year na usapan.
Magkakagitgitan sa pag-uusap. Ang mahalaga eh habang nag-uusap ay mayroong peace.
As a country, okay na tayo. ‘Wag kayong mag-alala. Meron lang. If I can hack this– just be patient and be understanding, you know violence is not really is sign of [inaudible]” sabi ni PDuterte sa harap ng mga bagong general ng militar.
Peace talaga ang hanap ni PDuterte. Ayaw niya sa giyera. Kahit sinong sundalo…peace ang gusto.
Nasa komunismo ka man, o sa MNLF. O sa MILF lahat gusto peace. Lalo na sa mga nasa militar…peace din ang gusto.
I am a President, my duty is to seek peace, not to wage war, that is not my primary duty, that is not the duty of a president. If you can have peace in this… If I can have a working arrangement with the Left, Communist Party of the Philippines, and itong si Misuari pati si Murad would agree, I think we would have a good chance of your, the future of your children are really brighter than what it is now.
SIX POINT PEACE PROCESS. Anim na bagay ang pagkakaabalahan sa peace process na nagsimula na sa Norway.
Itong anim na punto ay magandang produkto na ng pag-uusapAt mahusay ang atmosphere very friendly at cordial,” sabi ni Luis Jalandoni.

Ang anim na points ay: affirmation of previously signed agreements; reconstitution of NDFP’s list of Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees-protected personnel; at acceleration of the peace negotiations
Kasama dina diyan ang: the mode of interim ceasefire; general amnesty of NDFP-listed political detainees; and the convening of the Joint Monitoring Committee of the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.
O haaaa! Puede naman daanin sa usapan eh. Bakit pinaabot pa ng 45 years? Matanda na rin pala ang rebolusyon.
DRUG MATRIX. “De Lima, you are finished. Tapos ka na. Sunod election… By the way, you look nice. Fighter talaga. Fighter talaga,”sabi ni PDuterte.
Sa pamamagitan ng isang matrix ipinakita ni PDuterte ang relasyon ng isang grupo ng mga tao sa diumano ay involved sa iligal na droga.

Lumabas ng pangalan nila senator Leila De Lima, fromer DOJ Sec. Toti Baraan, former provincial administrator Raffy Baraan, Ronnie Dayan, at Cong. Amado Espino Jr.
Of course, nabigla ang mga napangalanan sa matrix. Deny lahat.
“It appears that this announcement was made without the benefit of a credible validation, to establish the truth,” ang sabi ni Cong Espino sa isang statement.
“Meron pong matibay na ebidensya ang Presidente kaya nabanggit po ang mga ito. Alam naman po natin na si Senator Leila de Lima ay hindi po ordinaryong tao. Siya po ay isang senadora so ang Presidente po ay hindi magbabanggit nang ganyan-ganyan lang na walang matibay na ebidensya,”  sabi ni Secretary Andanar kay Kara David ng GMA News.
“Tulad po ng nakaraang matrix na inilahad ng ating Pangulo sa publiko, ito ay nanggaling sa PDEA at Philippine National Police [PNP] through the same vetting process noong mga nakaraan,” dagdag ni Andanar.
“Matagal nang hawak kasi iyan kasi alam mo, Kara, isang matrix lang naman iyan. Kumbaga nagiging piecemeal paglabas ng matrix dahil sa vetting process, revalidation ng data kasi alam natin noong nakaraang linggo, nagkaroon tayo ng problema sa huwes na patay na,” sabi ni Andanar.
Meron nalilito. Meron joke only ang tingin sa lahat ng ito. Meron nalulungkot. Meron masaya.
“Of course we have to look into that,” sabi ni House Speaker Bebot Alvarez sa pagkakasangkot ni Cong Espino.
 “It doesn’t mean that when your name is mentioned, we in Congress will automatically do something drastic. We have proper committees that will look into that complaint,” dagdag ni Alvarez.
Ano kaya ang ibig niyang sa sabihin sa “we in Congress will automatically do something drastic.” Gaano ka drastic?
Si Presidente Erap ay author ng Plunder Law noong senador siya… siya ang unang nasampolan ng batas na ginawa niya.
Limited lang daw ang role ni USec Toti Baraan sa pangangalaga ng BuCor. Ang ipinapaliwanang ni Baraan ay ang talagang may power sa BuCor sy si Justice Secretary de Lima? Tama po ba iyon?
“The BuCor is just one of several DOJ agencies under my limited administrative supervision… I never did oversee, either on the ground or from a distance, the prison operations in the seven penal colonies, more so the NBP,” sabi ni Baraan.
COMMITTEE CHAIRS. Ang mg members na House of Representatives mula sa Pangasinan na may commitee chairmanships ay sina Conrado Estrella III, Abono sa Youth and Sports Development; Leopoldo Bataoil, Pangasinan 2nd District sa Youth and Sports Development; at Marlyn Primicias-Agabas, Pangasinan 6th District sa Revision of Laws.
May chairmanship din sina ;Amado Espino Jr, Pangasinan 5th District sa National Defense and Security; at Rosamarie Arenas, Pangasinan 3rd District sa Inter-parliamentary Relations Diplomacy.
Sina Toff De Venecia ng 4th district at Boying Celeste ng 1st district ay members naman ng iba pang mga committee sa House of Representatives 2016-2019.
Advertisements

Entry filed under: News.

DRUG LINK MATRIX: THE ACCUSED AND THE ACCUSER Q and A: ‘Toff’ De Venecia on War on Drugs

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 654,942 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

August 2016
S M T W T F S
« Jul   Sep »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,348 other followers


%d bloggers like this: