EDITORIAL: Sangkot ba si Espino, magkapatid na Baraan at Sison sa ilegal na droga?

August 28, 2016 at 8:39 pm Leave a comment


Nabigla at nagulantang ang buong sambayanan lalo na ang mga Pangasinenses noong madaling araw ng  Huwebes, Agosto 25 ng isiwalat ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Davao City ang ” illegal drug trade matrix” sa New Bilibid Prison (NBP).
Ang nakakagulat dito ay ang pagkakasangkot ng limang personalidad sa Pangasinan na kinabibilangan nina dating Undersecretary Francisco “Toti” Baraan III ng Department of Justice (DOJ), dating Provincial Administrator Rafael “Raffy” Baraan, Board Member ng ikalawang Distrito Raul Sison, driver ni Senator Leila De Lima na si Ronnie Palisoc Dayan at ang dating gobernador at ngayon ay kinatawan ng ikalimang Distrito Rep. Amado T. Espino Jr. Maliban sa kanila, nasa “matrix” din sina Senator De Lima, dating heneral at hepe ng NBP Franklin Jesus Bucayu, isang SPO1 Palisoc ng Police Regional Office ng Rehiyon 1 at Ms. Cardenosa na diumano ay dummy ni Dayan.
Mabigat ang paratang. Ang ugnayan ng bawat isa ay maliwanag sa nasabing “drug matrix.” Nagsimula kay Senator De Lima papunta kay USEC Baraan, dating Provincial Administrator Baraan at kay Rep. Espino. Sinasabi sa “matrix” na “trusted man” ni De Lima si USEC Baraan na itinalaga niyang namuno o tagamasid ng Bureau of Corrections (BuCor), na iniugnay kay Heneral Bucayu. Si USEC Baraan ay kapatid ni dating Provincial Administrator Baraan na pinagkakatiwalan ni Rep. Espino noong siya pa ang gobernador ng Pangasinan. Si Baraan diumano ang nagtatakip sa mga ilegal na gawain ni Espino na kinabibilangan ng ilegal na pagmimina ng “black sand”, quarrying at jueteng.
Sa kabilang banda, ang driver na si Dayan na may tawag ding “Boss De Lima” ay “case fixer” diumano sa DOJ, karelasyon ni De Lima at siya ang tumatanggap ng buwanang payola mula kay Heneral Bucayu. Tiyuhin ni Dayan si Board Member Sison na malapit na kaalyado ni Rep. Espino. Sa ” matrix,” si Sison diumano ang nagsabing si Espino ang pinakamayamang pulitiko sa Northern Luzon. Si Espino naman sa ngayon ay humaharap sa dalawang kaso sa Sandiganbayan sa paglabag ng Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay ng “illegal black sand mining” sa Lingayen. May nakabinbin pang “complaint” ng “plunder” sa Office of the Ombudsman tungkol naman sa operasyon ng “jueteng”.

Ang akusasyon ni Pangulong Duterte ay pinabulaanan ni Espino at mga kasamahan nito. Wala raw malawakang imbestigasyon at “validation” sa mga naturang impormasyon. Subalit ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, bago inilabas ito ng Pangulong Duterte, matagal na pagsusuri ang isinagawa ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at inteligence officers ng Philippine National Police( PNP). Sabi pa ni Andanar, may mga ebidensiya na nag-uugnay sa mga pinangalanan ni Pangulong Duterte.
Nasa “limelight” ngayon ang Pangasinan sa buong bansa o di kaya sa buong mundo. Usap-usapan din ang “matrix” sa bawat sulok sa Pangasinan. Maraming Pangasinenses ang namamangha at di makapaniwala na sangkot si Espino sa ilegal na droga. Marami rin ang mga nagagalit dahil diumano sa tiwalang ibinigay nila sa kanya.
Mayroon nga bang mga mabigat na ebidensiya si Pangulong Duterte? Kung mayroon, dapat sa ngayon pa lang ay isiwalat na ang mga ito upang mawala ang agam-agam ng mga Pangasinense na ang kanilang mga iniluklok sa puwesto ay may mga gawaing ilegal. Kung wala naman, sabihin na rin upang malinisan ang karangalan at pangalan ng mga nabanggit na mga personalidad ng Pangasinan.

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: Pangasinan No.1! DRUG LINK MATRIX: THE ACCUSED AND THE ACCUSER

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

August 2016
S M T W T F S
« Jul   Sep »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: