EDITORIAL:  Gaano kahanda ang mga lokal na pamahalaan sa kalamidad?

August 22, 2016 at 7:29 am Leave a comment


Nitong nakaraang linggo, naranasan ng buong Luzon, kasali na ang Pangasinan, ang hagupit ng habagat. Nagdulot ito ng malawakang baha sa mga ibat-ibang lalawigan, siyudad at bayan na nagbunsod sa mga lokal na pamahalaan na nagsagawa ng paglikas ng mga mamamayan sa mga lugar na ligtas o mga “evacuation centers.”
Ang pagsapit ng mga kalamidad ay hindi na bago dito sa ating bansa. Maraming bagyo ang dumarating na nagdudulot ng kapinsalaan hindi lang sa buhay ng tao at mga hayup kundi pati mga produktong agrikultura. Bagamat ang mga sitwasyon na ganito ay parang pangkaraniwan na, tila ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan ay kulang sa paghahanda. Tila kuntento na sila sa mga nakasanayang operasyon sa pagsapit ng mga kalamidad- pagbibigay ng ” relief goods” sa mga naapektuhang mga tao.
Hindi pangkaraniwan ang pagsalanta ng habagat. Sa loob ng anim na araw na patuloy na pag-ulan, ang tubig ay dumagsa sa mga ilog at mga sapa na sa pagtaas nito ay nagdulot ng baha. Ang preparasyon ng mga lokal na pamahalaan sa mga ganitong sitwasyon ay kailangang balikan.
Alam natin na ang mga ilog at sapa ay puno na ng siltasyon na nagiging mababaw na ang mga ito na pumipigil sa pagdaloy ng tubig patungo sa mga dagat. Bakit hindi nagsasagawa ng malawakang “dredging” para maging malalim sila at mapigilan ang pag-apaw ng tubig? Hindi ito isinasagawa bagamat may kakayahan ang mga lokal na pamahalaan na gawin ito. Isa pang reyalidad ay ang kakulangan ng mga “drainage canals” na kung mayroon man ang mga ito ay natabunan na rin ng mga basura at siltasyon. Bakit hindi kinukumpuni nito bago dumating ang mga bagyo at habagat?

Ang mga lokal na pamahalaan ay may kanya-kanyang ” risk reduction and disaster management councils” subalit parang nakatoon sila sa pagsagawa ng malawakang operasyon pagkalipas ng mga kalamidad. Tatlong bahagi ang nakapaloob sa “disaster management” – operasyon bago pa man may kalamidad gaya ng nabanggit sa itaas,  pagsagawa ng paglikas ng mga tao tungo sa mga “evacuation centers” ay pagbibigay ng “relief operations”, at pagtingin sa tindi ng pinsala na dulot ng kalamidad.  Ang mga tatlong ito ang dapat bigyan ng pansin pero yong paghahanda ang pinakamahalaga.
Hanggang hindi maisaayos ang mga ilog at sapa- pailalimin at palawakin, ang mga ganitong sitwasyon pagdating ng kalamidad ay palaging nararanasan. Di kaya panahon na upang repasuhin ang mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga proyoridad na programa at proyekto? Magagawa ito sa malawakang pakikipag-ugnayan ng mg lalawigan, bayan o siyudad at mga barangay.
Marami pang kalamidad ang inaasahan na darating sa ating bansa. Gaano nga ba tayo kahanda?
Advertisements

Entry filed under: News.

2 Pangasinan mayors see more employment at $25B ICT-BPM MAGANES: Duterte versus De Lima

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 603,136 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

August 2016
S M T W T F S
« Jul   Sep »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: