CORTEZ: Paano magkaroon ng damit at pagkain forever

August 22, 2016 at 7:10 am Leave a comment


brando-maso
 
The first office of the government in this regard is, of course, instruction; and it is interesting to find the most modern of governmental inventions, an agricultural department and its stations, thus forestalled by Mencius: “Let mulberry trees be planted about the homesteads with their five mow and persons of fifty years may be clothed with silk. In keeping fowls, pigs, dogs, and swine, let not their breeding time be neglected and persons of seventy years may eat flesh.” (Bk. i., pt. i., c. iii., v. 4.)
 
Ayon sa Analects ni Confucius, ipag-utos lang ng gobyerno ang pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ay forever na may damit at pagkain ang sinasakupan.
 
Matagal nang practice ng mga ninuno natin ang pagtatanim at pag-alaga ng hayop.
 
Dati, ang mga nasa barrio ay nagdadala ng gulay,  prutas at mga alagang hayop sa bayan para maging pera.
 
Ang perang ito ang ibibili ng mga nasa barrio ng iba pa nilang pangangailangan.
 
Nagayon, ang mga nasa barrio ay pumupunta sa bayan upang bumili ng gulay, prutas at karne.
 
Maraming lupain na walang tanim. Walang bunga. Hindi productive.
 
 “When a country is well governed, poverty and a mean condition are things to be ashamed of. When a country is ill governed, riches and honours are things to be ashamed of.” (Analects, bk. viii., c. xiii., v. 3.)
 
Sa isang bansang maaayos ang gobyerno, nakakahiya ang kahirapan.
 
Ang gobyerno ay naimbento para maayos ang makatarungang hatian sa biyaya mula sa lupa.
 
Ang gobyerno ay naimbento, para sa equitable distribution of wealth.
 
Sa isang bansang palpak ang gobyerno, nakakahiya ang kayamanan at titulo tulad ng ‘honorable.’
 
Ang gobyerno ay naimbento, hindi para maging malawak ang pagitan ng mahirap at mayaman.
 
Ang gobyerno ay naimbento, hindi para magkaroon ng mga tinatawag na ‘honorable.”
 
CUBAN RIDDLE. Bakit sinasabi ni PDuterte na socialist siya? Socialism po ba ang kanyang isusulong sa isang Federal Republic of the Philippines?
 
May tanong: What is the definition of Socialism?
May sumagot na: Socialism is the economic system between capitalism and capitalism.
 
Naranasan po ng bansang Cuba ang hagupit ng economic embargo ng United States at mga kapanalig nito.
 
Ang economic embargo ay isang paraan ng US para pahirapan ang Cuba. Walang ibebentang goods mula sa US papuntang Cuba. Yun ang embargo.
 
Walang gasoline. Walang pagkain. Walang made in the USA na ibebenta sa Cuba. Yun ang embargo.
 
Kapag nahirapan ang Cuba…magiging maamo ito sa US. Yun ang kala nila.
 
May isang inteligence operative ng US na nagfile ng report tungkol sa kanyang experience sa bansang Cuba.
 
“An  American undercover agent returns from Cuba to report on his findings. “There’s no gasoline in Cuba, but the cars keep running,” he babbles. “There’s no food on the grocery shelves, but everybody cooks dinner. The Cubans have no money, have nothing. Yet every night they drink rum and go dancing. I just don’t get it. I just don’t get it.”
 
Halimbawa at nagalit ang America sa Pilipinas… at nagkaroon din ng economic embargo, kaya ba ng Pilipinas na tularan ang Cuba?
 
Kaya ba ng Pilipino na patakbuhin ang mga automobile na walang gasoline mula sa America at mga kaalyado nito?
 
Kaya ba ng Pilipino na magluto ng dinner na walang groceries mula sa America at mga kaalyado nito?
 
Sa Pilipinas… Maraming walang trabaho pero, araw araw lasing.
 
Maraming walang trabaho, pero nakakapusta sa sabungan.
 
Maraming walang trabahao pero, parating may pedicure, manicure at iba pa.
 
Maraming walang trabaho pero, may cellular telephone at may load pa!
 
Maraming walang trabaho parating may bagong damit.
 
Sa bansang Cuba, maraming plantation ng sugarcane as in unas, tubo.
 
Ang isang by-product mula sa sugar cane ay ang alak na tinatawag nilang rum.
 
Masarap daw po ang Cuban rum.
Dahil nakainom na ng rum ang mga Cubans, mainit na ang kanilang katawan para magsayaw ng rumba.
 
Ang rumba ay sayaw ng mga mga sugar plantation workers hanggang sa maging sayaw na ito sa mga siyudad.
 
 
Konting katuwaan lang, konting inom sabay sayawan na ng rumba ang mga taga-Cuba.
 
Ang rumba ay isang exotic dance. Sabi ng iba ang rumba ay isang erotic dance. Sabi nga nila Rumba is Cuba.

 
Dito kaya sa Pilipinas, ano naman ang sayaw natin na puwedeng isayaw ng kahit sinong Pilipino?
 
Isang sayaw na puwedeng umindak ang Pilipinong may pinag-aralan at walang pinag-aralan.
 
Isang sayaw na puwedeng umindak ang Pilipinong may trabaho at walang trabaho.
 
Isang sayaw na puwedeng umindak ang Pilipinong may pero at walang pera.
 
Isang sayaw na puwedeng umindak ang Pilipinong masaya at nang may pinagdadanan.
 
Of course, pag Cuba nag usapan. Eh number one sila sa health care system sa buong mundo.
 
Ang Cuban health care system ay nakatuon sa prevention muna bago sa cure.
 
“Cuban-trained doctors know their patients by knowing their patients’communities.”
 
Parang doctor to the barrios ano po?  Kaya nga 79 years old ang life expectancy ng taga-Cuba. Sa Pilipinas ay 68 years old.
 
Ang infant mortality rate ng Cuba ay 5 for every 1,000 births habang ang sa Pilipinas ay 20.5 for every 1,000 at  ang Aemrika nga eh 6.2 for every 1,000.
 
Kilalanin ang barrio at makikilala ang tunay na kalagayan ng kalusugan ng bawat tao.
 
 “The US squanders perhaps 10 to 20 times what is needed for a good, affordable medical system. The waste is far more than 30% overhead by private insurance companies. It includes an enormous amount of over-treatment, making the poor sicker by refusing them treatment, creation of illnesses, exposure to contagion through over-hospitalization, and disease-focused instead of prevention-focused research,” sabi ng isang report.
 
Grabe ang gastos nila ha! May over treatment pa! at sitempre, parang sa Pilipinas, may hindi ginagamot dahil sa kahirapan.
 
Disease-focused ang American health system, tulad ng sa Pilipinas.
 
Prevention-focused ang Cuban health care system.
 

Entry filed under: News. Tags: .

Mayor Celeste launches chicken and egg production program Asingan Mayor calls for unity and sobriety

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,302 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

August 2016
S M T W T F S
« Jul   Sep »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: