Mangaldan mayor dinepensa ang ‘colonel’ vs kritiko

August 15, 2016 at 10:16 pm Leave a comment


By Mortz C. Ortigoza
MANGALDAN – Sinagot ng mayor dito ang paratang ng mga kritiko niya na kaya hindi nagpa drug test ang dalawang konsehal  dahil dala ni  Police Superintendent Jackie Candelario ang Scene of the Crime Operatives (SOCO).
“First of all wala namang reasons why they would be (afraid of) Colonel Candelario because Colonel Candelario was not the one who was doing the drug testing. It is the PNP Crime. Second, prerogative nilana hinde mag drug test) ; Pangatlo, sometime pag ikaw ay isang leader ng town you would like to make an example,” ani Mayor Bona D. Parayno.
Nong Hulyo si Konsehal  Joseph Emmanuel Cera at Konsehal Jojo Quinto ay hinde sumang ayon sa isang drug test na pinangangasiwaan ng SOCO noong sila ay pumunta dito sa Sangguniang Bayan matapos maglabas ng executive order  si Parayno na lahat ng kawani ng local government ay dapat mag pa drug test.
Si Parayno, na nauna sa pila sa drug test, ay nakitaan ng SOCO na negative sa residue ng narcotic sa katawan niya.
Katwiran ni Cera, na isang abugado, ayaw niya at ni Quinto ang drug testing dahil si Candelario, na dating Chief of Police dito, ay siyang nag utos na ipakulong ng mga kapulisan niya si Quinto, kliyente noon ni Cera, noong December 3, 2014.

Si Quinto, dating Barangay Chairman ng Poblacion, ay kinasuhan noon ni Mayor Parayno at ni Candelario ng criminal cases na usurpation of authority or official functions, assault against persons in authority, at resistance and disobedience to a person in authority.
Bago ikulong si Quinto at si Kagawad Melinda Morillo police sa detention cell dito, ay nagkasagutan si Cera at si Candelario sa tamang proceso sa pag aresto sa loob ng barangay hall sa dalawa.
Sinabi ni Cera sa Northern Watch na violation ng human rights niya ang pag drug test sa kanya ng personnel ng crime laboratory na nanggaling pa sa Police Provincial Office sa Lingayen, Pangasinan.
Ipinakita niya ang medical record na galing sa isang ospital sa Dagupan City na siya ay may magandang health record at negative sa illegal drugs sa kanyang katawan
 Sinabi ni Mayor Parayno na bahala na ang taong bayan na humusga sa asal nila Cera at Quinto.
 “It’s the people who would say only bakit hinde sila kaagad nag pa submit.  As public official your right to privacy you lost kasi public property ka na,” sabi niya.
Ani Parayno ang karapatan sa right of privacy ng dalawa ay nawala noong maging miyembro sila ng Sangguniang Bayan dito.

Entry filed under: News. Tags: .

LADY CHESS CHAMP MAGANES: Let Marcos’ remains be buried at the “Libingan ng mga Bayani”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

August 2016
S M T W T F S
« Jul   Sep »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: