EDITORIAL:   Halalan ng PCL -Pangasinan Chapter

August 15, 2016 at 10:34 pm Leave a comment


Maayos ang isinagawang halalan ng Philippine Councilors League (PCL)- Pangasinan Chapter sa CSI Stadia, Dagupan City noong Agosto 10. Dalawang kampo ang nagtunggali- Team 1 Pangasinan na pinangungunahan ni Lingayen Councilor Juday De Leon Vargas at Team Unity na pinamumunuan naman ng kasalukuyang Pangulo ng PCL-Pangasinan Chapter na si San Manuel Councilor Sheila Marie S. Perez-Galicia.
Umaga pa lang, nagdagsaan na ang mga mahigit na 400 na councilors at presidente ng mga liga ng barangay ng 44 na bayan at tatlong siyudad ng Pangasinan sa nasabing stadia. Bawat isa ay may dalang ngiti ng panibagong pag-asa sa pamunuan ng PCL. Ang mga magkakatunggali sa mga posisyon ay abala naman sa pangangampanya sa mga nagsidatingan na mga councilor.
Isang ehersisyong pampulitikal ang halalan sa PCL. May mga nagbibigay ng “give-aways”- mugs, boneless bangus, t-shirts atbp. May mga nakasabit ding naglalakihang tarpaulin na nakasaad ang mga larawan at pangalan ng mga kakandidato. Sa loob ng stadia ay may mga alingasngas na may bigayan din daw ng pera na palihim ang abutan.
Bukas naman ang pangangampanya ni 5th District Rep. Amado T. Espino Jr., Gobernador Amado “Pogi” Espino III at 2nd District Rep. Leopoldo Bataoil para sa kandidatura ng Team 1 Pangasinan. Bago pa man ang naitakdang halalan, naglibot na sila sa ibat-ibang Distrito para kunin ang suporta ng mga councilor para sa kanilang sinusuportahang grupo. Sa panig naman ng Team Unity, todo suporta naman sina San Manuel Mayor Alain Jerico Perez, Vice Mayor Salvador Perez Sr. at 6th District Board Member Salvador “Dong” Perez Jr. Ang kulay pulitika ay napapansin. Halata ang mga pumapanig sa magkabilang grupo.

Bakit nga ba mahalaga ang halalan sa PCL? Ang pangulo nito ay magiging ex-oficio na kinatawan sa Sangguniang Panlalawigan. Siya ang magiging tinig ng mga mambabatas ng mga ibat-ibang bayan at lungsod. Sa usaping pulitikal, bilang lider mas malawak ang kanyang impluwensiya sa mga councilor sa lalawigan. Dahil dito, pati ang mga matataas na opisyal sa lalawigan ay lantaran ang kanilang pagsuporta sa kanilang napupusuang  mga kandidato.
Natapos ang halalan. Tapos na rin ang tensyon na bumabalot sa magkabilang grupo. Nanaig pa rin ang lakas ni San Manuel Councilor Perez-Galicia.Nakuha niya muli ang pagka-Pangulo ng PCL-Pangasinan Chapter sa ikalawang termino. Hindi umubra ang suporta ng mga Espino sa Team 1 Pangasinan. Lima lang ang nakapasok na mga kandidato nito samantalang sampu naman sa Team Unity.
Tapos na ang halalan. Kailangan na rin ang pagkakaisa upang maisulong ang mga adhikaing pagpapaunlad ng ating Lalawigang Pangasinan. Ang patnugutan ng pahayagang ito ay bumabati sa lahat ng mga nanalo sa halalan ng PCL-Pangasinan Chapter.

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: Let Marcos’ remains be buried at the “Libingan ng mga Bayani” CARTOON: ZAMBO CUSTOM’S BOSS, 2 GENERALS LINKED TO SMUGGLED SUGAR

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

August 2016
S M T W T F S
« Jul   Sep »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: