CORTEZ: Bakit hindi pa itinatayo ang National Pantheon for Presidents?

August 14, 2016 at 10:12 pm Leave a comment


brando-maso
 
AUGUST 20. Ito po ang formal na simulang muli ng Peace Process sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front.
 
Noong SONA, nag-declare ng unilateral ceasefire si PDuterte para sa side ng gobyerno.
 
Unilateral… as in one side lang ang nagdeclare. Siyempre hindi naman kayang utusan ni PDuterte ang mga nasa kabilang panig.
 
Binawi na ni PDuterte ang ceasefire order.
 
Hindi nagdeclare ng ceasefire ang NDF. Sa August 20 pa daw nila balak i-declare ang ceasefire sa kanilang hanay.
 
Ibabalik kaya ni PDuterte ang ceasefire order?
 
Ang gobyerno ng Norway ay masigasig na sumusuporta sa peace process sa Pilipinas. Bakit kaya hindi China? O Japan? O US?
 
Masipag na tumutulong sa usapang pangkapayapaan ang Norway sa pagitan ng gobyerno at ng mga rebeldeng komunista.
 
Sabi ni secretary Bebot Bello na ngayon lang pinag-usapan ang isyu ng ceasefire mula noong panahon ni Presidente Cory Aquino noong 1986.
 
Ngayong 2016, nagbago ang ihip ng hangin pinag-uusapan na at ipapatupad pa ang ceasefire.
 
“Never na pumayag na pag-usapan namin yung issue ng ceasefire. Ayaw nila yan (They never agreed to talk about a ceasefire. They don’t like that)…. But for the first time … after so many years pumayag sila na pag-usapan ang (they agreed to talk about) bilateral ceasefire,” sabi ni sec Bello.
 
Masipag na tumutulong sa usapang pangkapayapaan ng Norway sa pagitan ng gobyerno at ng mga rebeldeng MILF.
 
‘Lasting peace is fundamental in bringing development and stability in Mindanao, for the benefit of the entire population of the Philippines. The alternative to peace is continued conflict. Armed conflicts not only takes lives; it also creates and intensifies poverty. It is our wish that the Philippines overcomes the Mamasapano tragedy and unite to support the peaceful resolution of the armed conflict in Mindanao,’ sabi ni Norway Ambassador Erik Førner.
 
Yup, peace sa buong Pilipinas ang sinusuportahan ng Norway.
 
 
EO NO.1. Ang laman nito ang pagsasaayos ng Office of the President kung saan dalawang tao na malapit kay PDuterte ay binigyan ng mahalagang Gawain.
 
Ang Executive Order No. 1 ay may pamagat na “Reengineering The Office Of The President Towards Greater Responsiveness To The Attainment Of Development Goals.”
 
Si Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. ang may supervision sa Cooperative Development Authority, Housing and Urban Development Coordinating Council, National Anti-Poverty Commission, National Commission on Indigenous Peoples, at National Commission on Muslim Filipinos.

 
Kasama din sa supervision ni |CabSec Evasco ang National Food Authority, National Youth Commission, Office of the President – Presidential Action Center, Philippine Commission on Women, Philippine Coconut Authority, Presidential Commission on the Urban Poor, at Technical Education Skills Development Authority.
 
Ang pangunahing gagawin ay evaluate and mga nakalatag na poverty reduction programs.
 
Kasama din sa gagawin ang pag-develop ng specific programs at projects na naglalayong makabawas sa kahirapan.
 
Laman din ng EO No. 1 pagtatayo ng Office of the President- Events Management Cluster na pamumunuan ni Secretary Bong Go.
 
Ang OP-EMC ay pinagsamang Office of the Special Assistant to the President, Presidential Management Staff at Office of the Appointments Secretary.
 
EO NO. 2. Ang laman nito ay tungkol sa Freedom of Information na naka-ugat sa Section 28 Article II ng constitution na nagsasabi na The State adopts and implements a policy of full public disclosure of all its transactions involving public interest, subject to reasonable conditions prescribed by law.
 
Ang Executive Order No. 2 ay may pamagat na “Operationalizing In The Executive Branch The People’s Constitutional Right To Information And The State Policies To Full Public Disclosure And Transparency In The Public Service And Providing Guidelines Therefor.”
 
Kung babasahain ay para sa Executive Branch lang ang utos na ito dahil may separation of powers.
 
Maglalabas din ba ng Order ang Legislative Branch at ang Judicial Branch?
 
Siyempre, baka hindi. Kaya naman… dapat may batas para sa Freedom of Information para mas matibay ang access ng tao sa mga public at official documents mula sa lahat ng branches ng gobyerno na ang laman ay nakakaapekto sa kanila.
HOSPITAL ARREST. Alam niyo ba na noong April 2010, bago matapos ang termino niya, ay nagbigay ng speech si  President Gloria Arroyo sa Philippine College of Hospital Administrators? Isang samahan ng mga namamahala ng mga ospital sa buong Pilipinas ito.
 
Binigyan niya ng diin ang kahalagahan ng pagtatayo at pamamahala ng mga ospital sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
 
Ang title ng kongreso ng hospital administrators noon ay “Looking Forward to a Healthier Tomorrow.” Malay ba ni PGloria na magkakasakit siya pagkatapos ng termino niya!
 
Malay ba niya na sa ospital ang punta niya after ng term niya? As in under hospital arrest.
 
Pinalaya na siya ng Korte Suprema. Nasa congress na uli siya at isa sa mga deputy speakers.
 
LIBING. Merong lupa ang Armed Forces of the Philippines kung saan nila inililibing ang mga sundalong namatay habang nasa serbisyo.
 
Sa totoo lang libingan ng mga patay na sundalo yung nasabing lupa.
 
Republic Memorial Cemetery po ang unag tawag dito sa libingang ito noong 1947.
 
Dahil namatay sa serbisyo… bayani ang tawag sa mga sundalo. Dahil bayani… tinaguriang libingan ng mga bayani ang lupa kung saan sila inihuhuhukay.
 
Kriminal nga ba ang matagal ng patay na si Ferdinand Marcos? Opo, sabi ng kanyang mga kritiko. Opo, sabi ng mga nagdusa nang siya ang presidente ng Pilipinas.
 
Alam niyo po na may Republic Act 289 na naisabatas noong 1948?
 
Ang title ng RA 289 ay An Act Providing For The Construction Of A National Pantheon For Presidents Of The Philippines, National Heroes And Patriots Of The Country.
 
“To perpetuate the memory of all the Presidents of the Philippines, national heroes and patriots for the inspiration and emulation of this generation and of generations still unborn, there shall be constructed a National Pantheon which shall be the burial place of their mortal remains,” ang sabi sa Section 1 ng RA 289.
 
“This Act shall take effect upon its approval,” sabi ng Section 6 ng RA 289. 
 
Pero hindi pa naiimplement ang batas na ito.
 
Marami na ang nakalibing na sundalo sa libingan na ito, kukulangin na. panahon na para ipatupad nag RA 289.
 
Sino kaya ang president ng Pilipinas ang magpapatupad ng batas na ito? 1948 pa itong batas, pero not implemented! 

Entry filed under: News. Tags: .

ORTIGOZA: Embalmer talks about a dead hunchback Drug raps ‘old issue, black propaganda’ – Celeste

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,135 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

August 2016
S M T W T F S
« Jul   Sep »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: