EDITORIAL: Tuloy ang smuggling  ng produktong agrikultura

August 7, 2016 at 10:36 pm Leave a comment


Nabigla ang mga opisyal ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) sa kanilang isinagawang inspeksyon sa Bureau of Customs (BoC) kamakailan dahil lumantad sa kanila ang tone-toneladang ibuyas at bawang sa mga “container vans.”. Ang masaklap dito, tumutubo na ang mga sibuyas na para bang wala ng interes ang nagmamay-ari nito na ilabas sa BoC.
Ang mga sibuyas, ayon kay Engr. Rosendo So, presidente ng Sinag at Chair ng Abono Partylist, ay may kasamang mga bawang na galing sa bansang Tsina at pumasok sa Pilipinas sa buwan ng Hunyo, panahon ni dating BoC Commissioner Alberto Lina at dating Pangulong Benigno S. Aquino III. Kung paano nakapasok ang mga produktong ito ay kahinahinala dahil kalalabas pa lang ang batas na Republic Act No. 10845 na naglalayon na ang mga smugglers ng produktong agrikultura ay maaaring sampahan ng kasong “economic sabotage” kung ang halaga ng mga ito ay P10 milyon para sa bigas at isang milyon  sa iba pang produkto gaya ng asukal, karne ng baboy, karne ng manok, itlog, bawang at sibuyas. Ang mga lalabag sa batas na naturan ay papatawan ng panghabang-buhay na pagkabilanggo at pina na 200% sa halaga ng produkto maliban sa buwis, bayarin sa taripa  at iba pa.
Ang nasabing tone-toneladang sibuyas sa loob ng 87  “containers”  sa “warehouse” ng BoC ay tinatayang may halagang P130 milyon na nakapangalan sa  Sanfred Trading at Great Light Trading. Ang mga ito ay idineklarang bawang pero sa pagsisiyasat  itong buwan ng Hulyo ang laman ng mga “containers” ay mga sibuyas. May pagkilos sa mga nagmamay-ari sa mga ito na ilabas mula sa BoC, subalit hindi sila nagtagumpay dahil bago na ang pamunuan ng BoC na si Commissioner Nicanor Faeldon at bago umalis sa kanyang pagkapangulo, pinirmahan ni Pangulong Aquino ang Republic Act No. 10845.

Nananawagan ang Sinag kay Commissioner Faeldon na arestuhin ang mga nagmamay-ari ng mga smuggled na sibuyas at bawang at sampahan din ang mga ito ng “economic sabotage” para ipakita ng Administrasyong Duterte na bibigyang tuldok at tatapusin ng tuluyan ang smuggling ng produktong agrikultura sa bansa. Mayroon bang maaasahan ang mga magsasaka sa usaping ito sa ilalim ni Pangulong Rodrido “Digong” Duterte? Alam natin na nanalo si Pangulong Duterte dahil sa plano niyan  wakasan ang lahat ng uri ng kriminalidad, kurapsyon at ilegal na droga sa bansa. Ang ismagling ng produktong agrikultura ay isang krimen at nakapaloob dito ang malawakang kurapsyon.
Naniniwala ang Sinag na sa ilalim ng administrasyong Duterte, tuluyan ng mawala ang lahat ng uri ng smuggling lalong lalo na sa mga produktong agrikultura na mahigit na P240 bilyon ang nawawala sa kita ng bansa. Sa kabilang panig, ang mga magsasaka sa bansa ay magkakaroon din ng bagong pag-sa na lalaki ang kanilang kita at uunlad ng kanilang sakahan.
 Di hamak na magagawa ito ni Pangulong Duterte, BoC Commissioner Faeldon at Kalihim ng Agrikultura Emmanuel “Manny” Piñol. Sana maisagawa ito sa madaling panahon.
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Bravo Governor Pogi for convening PADAC! CARTOON: DFA Secretary Perfecto Yasay’s flip-flop

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 634,340 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

August 2016
S M T W T F S
« Jul   Sep »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,342 other followers


%d bloggers like this: