EDITORIAL: May bagong sigla ang programang pang-agrikultura

July 27, 2016 at 5:21 pm Leave a comment


Wala pang isang buwan mula ng umupo si Pangulong Rodrigo ” Digong” Duterte pero mayroon na tayong nararamdamang pagbabago sa ating bansa. Ang pagbabagong ito ay hindi lang sa pakikipaglaban sa mga ilegal na droga, kurapsyon at iba pang anyo ng kriminalidad, kundi sa larangan din ng agrikultura.
Hindi nagkamali si Pangulong Duterte sa pagtalaga kay Emmanuel “Manny”  Piñol, bilang kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura. Si Pinol ay dating gobernador ng North Cotabato at dating pinagpipitagang mamamahayag.
Dahil sa kanyang karanasan sa pamamahala ng pamahalaang lokal, alam ni Piñol ang pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa. Ang una niyang ginawa pagkaupo pa lang niya sa puwesto ay ang ” Lakbay Bukid” upang makipag-ugnayan sa mga magsasaka at mangingisda upang malaman ang kanilang problema at hinaing.
Sa paglalakbay niya sa mga lalawigan, nakita rin niya ang katiwalian ng nakaraang administrasyong Aquino na kung saan bilyong halaga ng mga aparatong pambukid ay hindi naibigay sa mga magsasaka. Ito ay sa South Cotabato na kung saan ang mga traktora, bombang patubig at iba pa ay kinakalawang na. Ayon sa mga kawani ng Kagawaran ng Agrikultura, kaya hindi naibigay ang mga ito sa magsasakang benepisaryo ay dahil wala silang maiambag na 15% bilang “counterpart” sa halaga ng mga aparatong pambukid. Agad na nag-utos si Piñol na ipamahagi na ang mga ito upang magamit ng mga magsasaka. Ang sitwasyon na ito ay nakita niya sa buong bansa.

Nabuksan din ang pag-asa ng mga magsasaka ng abaka sa Leyte, Biliran at Bicol ng kanyang binigyang pansin na buhayin muli ang industriya nito. Naglaan siya ng P100 milyon para sa pagsasaayos ng industriyang abaka at upang mapabuti ang produksyon nito na sa kasalukuyan ay nasa balag ng kamatayan. Sa pagbibigay sigla sa industriyang abaka, mabubuhay ulit ang “Manila hemp” na naging tanyag sa buong mundo. Mataas ang “demand” ng produktong abaka sa merkadong pandaigdigan.
Sa larangan ng pangingisda, naglaan din ng pondo si Piñol para sa mga bagong kagamitan ng mga mangingisda. Magkakaroon din ang malawakang pananaliksik sa merkadong pandaigdigan para sa produksyon ng bansa ng mga tilapia at bangus. Ayon kay Kalihim Piñol, hindi napagtuonan ng pansin ng nakaraang administrasyon ang industriya ng tilapia at bangus kaya ito ay naging matamlay, bagamat mataas ang “demand” sa mga ibang bansa.
Maaliwalas ang tinatahak ng programang pang-agrikultura sa ating bansa. May bagong sibol na sigla lalo pa kung tunay na pagtuonan ng pansin ng Administasyong Duterte. Ang nakikita na lang na balakid ay ang malawakang smuggling sa mga produktong agrikultura gaya ng mga bawang, sibuyas, karne ng baboy at iba pa. Ito ang sisira sa magandang simulain ng Kagawaran ng Agrikultura sa ilalim ni Kalihim Piñol.Kailangan dito ang malawakang ugnayan ng mga organisasyon ng mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa.
Advertisements

Entry filed under: News.

HARVEST MAGANES:Don’t take the Duterte’s ‘changes’ lightly

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 666,666 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

July 2016
S M T W T F S
« Jun   Aug »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,353 other followers


%d bloggers like this: