CORTEZ: ‘Petty crime cases in Metro Manila decrease’… Is a lie

July 24, 2016 at 10:00 pm Leave a comment


brando-maso
 
“Manila Police District Station 11, which covers Binondo and Divisoria, recorded zero cases of petty crimes such as theft and holdup robbery since the Duterte administration started its all-out offensive against illegal drugs on July 1,” sabi ng report ng isang television station.
 
Parang ano ba ‘yan? Lokohan ba ito?
 
Ang mga snatcher, holdaper, mandurukot sa Metro Manila ay may mga pamilya na pinapakain.
 
Ang mga snatcher, holdaper, mandurukot sa Metro Manila ay may mga pamilya na binubuhay.
 
Ano nga ba ang nangyari? Bakit zero ba talaga?
 
Ibig ba nilang sabihin ay hindi na nagnakaw ang mga magnanakaw sa Manila?
 
Ibig ba nilang sabihin ay hindi na nang-isnatch ang mga snatcher sa Manila?
 
Ibig ba nilang sabihin ay hindi na nang-hold up ang mga holdaper sa Manila?
 
Paano binubuhay ng mga magnanakaw, snatcher at holdaper ang kanilang mga mahal sa buhay?
 
Bigla bang nagkaroon ng malinis na trabaho ang mga magnanakaw, snatcher at holdaper? Hahaha!
 
KUWENTO NI MAYOR DUTERTE. Sinabi ni PDuterte na tsamba ang panalo niya.Narito po ang kuwento ayon sa kanya.
 
Well, naka-tsamba tayo. Kung baga sa bisaya, ‘yung naka— sa sabong, naka-(inaudible). Well, actually, I’d like to tell you the odyssey of my presidency, sabi ni PDuterte.
 
Si Presidente Ramos pala ang nagsabi sa kanya na tumakbo na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
 
Si Paul Dominguez at Jess Dureza pala ang kasama ni Presidente Ramos na kumausap kay Mayor Duterte.

 
Napagsabihan pala si Mayor Duterte ng “Shut up. You listen to me.”
 
Alam mo, wala talaga akong balak maging presidente. But early on, President Ramos went to Davao and sought an audience with me, together with Paul Dominguez and Jesus Dureza. And it was there, he said that it is high time that Mindanao would have its first president ever. I was giving him excuses. Alam mo naman si Presidente and he would just say: “Shut up. You listen to me.” And another offering of apology: “Sir, hindi mo talaga ako pwede diyan… Small time na mayor lang tayo.” And he would just say: “I came here to Davao to talk to you, not (you) to talk to me. So you listen,” kuwento ni PDuterte.
 
Maranao pala ang lola ni PDuterte… at Chinese ang lolo ni PDuterte.
 
“…you might want to know— Ang lola ko Maranao e. But my grandfather, Chinese. Talagang galing Xiamen,” sabi ni PDuterte
 
Bakit urong-sulong ang sa candidacy si mayor Duterte?
 
Sabi ni PDuterte na hindi drugs ang pinakaproblema ng Pilipinas… gulo sa Mindanao ang problem.
 
Wala ang Mindanao sa platform ng ibang kandidato for president.
 
Eh, sabi ko ang pinaka-problema ng Pilipinas, hindi nga itong droga e. Eh ito, 24 oras patayin mo lahat, tapos na ‘yan. Eh ang Mindanao, because it has fierce territory. And you know, the president is the president. Alam niya, kaya pumunta siya sa akin. What’s going to happen to Mindanao? There’s a war going on. There might be a lull kasi huminto tayo. We’re talking to Murad and backchanneling kami ni Presidente kay Nur Misuari. We have the number of Nur. We can get to talk to him. Pero, walang… sa tatlo na may platform about Mindanao.
 
Hindi si Sen Grace Poe ang dahilan ng pagtakbo ni Mayor Duterte.
 
Problema sa Mindanao ang dahilang ng pagtakbo ni Mayor Duterte.
 
May lahing Moro, may mga apo na Moro si mayor Duterte kaya siya tumakbo bilang pangulo.
 
PDP Laban from the start si mayor Duterte kahit walang pera o walang backer ang partido.
 
Sabi ko: Ako, kung ako manalo ng presidente, mag-patayan tayo? It’s either I shoot you or you shoot me or saan ako pupunta? Isang linya ng pamilya ko puro Moro. Kasi ‘yung mga apo ko, marami akong apo na puro Moro. Ito pa. So if there is anybody as much as interested really sa Mindanao, ako. Kaya that prompted me to reconsider and you know ’yung baraha ko. But I did not have the money. But PDP rin talaga ako, ever since. I never changed parties, ever since. PDP lang ako. Ako, pang-local lang kami because alam mo, suffering from a financial hiatus itong PDP. Walang mga backer e, kuwento pa ni PDuterte.
 
Ang pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas at ang pagkamkam ng mga lupain ay isang historical injustice.
 
Ang patuloy na gulo sa Mindanao ay dapat mabigyan ng solusyon.
 
Federalismo ang gobyernong makakapagbigay ng katahimikan s Mindanao.
So it is historical that unless we address the historical injustice committed against the Moro people, there will never be peace in Mindanao. Ang last card diyan is pumayag na lang sila. Kung wala ng iba, federal,sabi ni PDuterte.
 
Federalismo ang centerpiece ng gobyernong Duterte. Isa iyon sa hiling ni Misuari.
 
That is why I ran, ang centerpiece ko talaga was federalism. ‘Yan ang hinihingi ni Misuari, parang pinaka-areglo na lang. Kung hindi pa ‘yan lulusot sa six years ko, believe me, mahirapan na kayo, sabi ni PDuterte.
 
Sa loob mismo ng National Bilibid Prisons niluluto ang shabu!

 
Ang National Bilibid Prisons ay nasa pangangalaga ng DOJ secretary. Kaya ba naglabas si Justice secretary Calida ng picture ng former DOJ secretary na kasama ang isang bilanggong drug lord?
 
And we are the only country — I think in the world, except South America — na doon ‘yung shabu niluluto mismo sa national penitentiary. Kaya ko nga hinuli. Binuhay ko itong putang inang ‘to …, sabi ni PDuterte.
 
Bakit nagresign bilang congressman si Duterte noong panahon ni Presidente Estrada?
 
Nasaktan ng isang anak ni Duterte ang isang security guard.
 
Ayaw magdemanda ng guwardiya kasi congressman ang tatay.
 
Nag-resign na lang si Duterte bilang congressman para sa security guard.
 
Sabi ni congressman Joker Arroyo na hindi nila matatanggap ang resignation ni Duterte.
 
Ang dahilan ni cong Joker? Basahin niyo na lang. hahaha.
 
Sabi ng security guard, “hindi ako magdemanda kasi ang tatay congressman.” So itong media tawag kaagad: “What can you say about the statement of the security guard?” Iyong nasaktan ayaw din niyang magdemanda. Sabi ko: “Madali ‘yan”. So right there and then, I tendered my resignation for Congress. It’s on record. I am the only Congressman nag-tender ng resignation. Sabi ko: Because of the incident involving my son, tapos ganon blah blah blah. Then I submitted it to Villar. Sabi ni Villar… He said: “You know the agenda, the resignation of Duterte?” Sabi naman ni Joker, the late Joker Arroyo: “No, we are not allowed to aspect any resignation from any. We are not the employer of Duterte. We are not from his district. It is only the people of his district who can accept his resignation,” kuwento pa ni PDuterte.
 
Kung gusto ng Diyos… mananalo. Kung ayaw ng Diyos…matatalo.
 
“If God wants me to be president, I will be president of this country. If God does not want me president, he will give me the sign or maybe defeat,” sabi ni mayor Duterte sa Luneta bago halalan.
 
Advertisements

Entry filed under: News.

    Asian markets need more fish – expert DOUBLE THE BDACs RECORDS:  6,000 drug personalities surrender

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 634,340 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

July 2016
S M T W T F S
« Jun   Aug »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,342 other followers


%d bloggers like this: