EDITORIAL   Alin ang mas matimbang?

July 23, 2016 at 7:17 pm Leave a comment


Ang malawakang giyera laban sa iligal na droga sa ilalim ng administrasyong Duterte ay nararamdaman na ng bawat Filipino. Mahigit ng 61,000 ang sumukong tulak at gumagamit sa droga sa buong bansa at tiyak na ito ay dadami pa lalo na at maigting ang pagpapatupad nito ng Philippine National Police (PNP) sa pamamahala ni Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sa kabilang banda, umabot na sa mahigit na 600 ang mga namatay na mga tulak ng droga dahil sa diumano’y pakikipaglaban nila sa mga elemento ng pulisya sa mga isinagawang operasyon. Ayon kay Police General Dela Rosa, ang mga namamatay ay hindi lang kagagawan sa engkwentro ng mga pulisya sa mga nagtutulak ng droga kundi ang mga “drug lords” mismo ang nag-uutos upang patahimikin ang mga kasabwat nila sa palaganap ng iligal na droga sa buong bansa. Kung ang tinuran ni Dela Rosa ay totoo, di ba dapat lamang na ilathala ng PNP kung ano ang kanilang lehitimong operasyon upang maihiwalay ang mga insidenteng kagagawan ng nasa labas ng institusyong PNP?
Ang bilang ng mga napapaslang na personalidad sa droga ay hindi pa rin nakakabahala sa mga mamamayang Filipino. Sa katunayan, mas maraming mamamayan ang pabor sa mga nangyayaring operasyon ng PNP bilang pagsuporta kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Noong nakaraang halalan, si Duterte ay nangampanya na kanyang tutuldukan ang paglaganap ng droga sa buong bansa, mga katiwalian o kurapsyon ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan at iba pang anyo ng kriminalidad. Ang mga pangakong ito ang nagbigay halaga sa bawat Filipino dahil maliwanag na sawa na sila sa mga nangyayari sa ating lipunan.

Bagamat ang Pangulong Duterte ay sinusuportahan ng maraming Filipino dahil sa kanyang matigas na paninindigan upang masawata ang paglipana ng iligal na droga sa bansa, may mga ilan ding grupo ang hindi pabor dito at siya ay tinutuligsa. Ang grupo ng Human Rights o iyong mga nagsusulong ng karapatang pantao ay lubhang nababahala sa mga nangyayaring patayan ng mga suspetsadong tulak sa droga. Anila, ang karapatang pantao ay natatapakan at nayuyurakan dahil wala sa tamang proseso ng batas. Ang grupong ito ay nakakuha ng kaalyado sa Senado sa katauhan ni Senadora Leila De Lima. Kamakailan lang, si Senadora De Lima ay naghain ng resolusyon na paimbestigahan ang mga nangyayaring patayan dahil ayon sa kanya ay taliwas na sa batas.
Ano naman kaya ang kahihinatnan ng imbestigasyon? Marami ba ang nagrereklamo sa mga operasyon ng PNP? At anong batas ang maaring maipanukala ni Senadora De Lima pagkatapos ng imbestigasyon? Matagal na nanungkulan si De Lima bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ). Sa panahong iyon mayroon ba siyang nagawa upang matigil ang paglaganap ng iligal na droga? Sa katunayan, sa ilalim niya nagkaroon ng pagluluto ng “shabu” sa New Bilibid Prisons (NBP) na pinamahalaan pa ng mga nahuling “drug lords” na nabuhay ng marangya sa loob mismo ng nasabing piitan.
Kung ating hiramin ang tinuran ng dating Prime Minister Lee Kuan Yew ng Singapore na kung saan ang bansa ay isa sa pinakaunlad sa South East Asia,” In criminal law legislation, our priority is the security of the well-being of law-abiding citizens rather than the rights of the criminal to be protected from incriminating evidence.” Kung ating isalin sa Filipino, ” Sa pagsasabatas ng batas kriminal o “criminal law”, ang pangunahing layon ay ang pagbibigay ng seguridad at proteksyon sa kapakanan nga mga taong tumatalima sa batas kaysa bigyan ng proteksyon ang mga karapatan ng mga kriminal bagamat mayroong mga sapat na katibayan laban sa mga ito.

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: Where are the Anti-Drug Abuse Councils? Cartoon: NARCO WAR IN PH

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,135 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

July 2016
S M T W T F S
« Jun   Aug »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: