EDITORIAL: Tuloy ang halalan ng barangay at Sangguniang Kabataan

July 12, 2016 at 9:01 pm Leave a comment


Wala ng balakid at wala na ring dahilan upang ipagpaliban pa ang halalan ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa ating bansa. Sa inaprobahang en banc Resolution No. 10148 ng Commission of Election (Comelec), ang “Synchronized Barangay and SK Elections” ay itinakda sa Oktubre 31, 2016.
Maraming nakaupo ngayon na mga opisyal ng mga barangay na umaasa na mapalawig pa ang kanilang termino ngunit walang batas na nag-aatas ito. Ang pagpapatuloy ng halalan ay isang hudyat din ng malawakang pagbabago at naaayon ito sa mga adhikain ni Pangulong Rodrigo Duterte. Panahon na rin upang palitan ang mga kasalukuyang mga opisyal sa mga barangay dahil marami sa kanila ang hawak ng mga pulitiko bagamat sila dapat ay walang kinikilingan dahil sila ay “non-partisan.”
 Kasabay sa halalan ng barangay ay ang pagpili naman ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK). Ito ay naaayon naman sa Republic Act No. 10742 o ” SK Reforms Act of 2015″ na nilagdaan ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III noong Enero 15, 2016. Ang SK ay pansamantalang sinuspinde noong 2013 dahil nga ang katipunan ng mga kabataan ay nasa edad na 15 hanggang 17. Hindi sila masyadong aktibo sa pagsasagawa ng mga kinakailangang programa at proyekto para sa mga kabataan sa mga barangay. Karamihan din sa kanila ay mga anak ng mga pulitiko kaya ang mga dating opisyal ng SK ay umaayon sa kung anong gusto ng kanilang mga magulang.
 Pero mayroon ng pagbabago sa bagong batas ng SK. Ang edad na sakop ng Katipunan ng mga Kabataan ay mula sa edad na 15 hanggang 30. Mas malawak ang kalipunan ng mga kabataan. Bagamat tumaas ang edad ang sakop nito, ang mga maari lang na tumakbo sa posisyon na SK Chairman at pitong miembro ng SK ay nasa edad na 18 hanggang 24. Ibig sabihin nito ay nasa legal na edad na sila at maaari ng pumirma sa mga legal na kontrata taliwas sa mga nakaraang komposisyon ng SK.

Isa pang pagbabago sa SK ay ang pagbabawal sa mga anak, pamangkin apo, asawa, manugang at kapatid ng barangay kapitan, barangay kagawad, mayor, vice mayor, konsehal at iba pang mga pulitiko. Ito ang probisyon sa batas na sumisira sa tinatawag na “dynasty.” Ito rin ang hudyat na ang mga kabataan ay mayroon ng kalayaan na pamunuan ang kanilang antas na walang balakid at pwersa galing sa mga pulitiko.
Masarap pakinggan ang mga pagbabago. Nagsimula ito sa pag-upo ni Pangulong Duterte at magpapatuloy sa barangay. Magkakaroon ng bagong mandato ang mga opisyal sa barangay at SK na magbabadya ng malawakang pagbabago ay bagong uri ng mga lider sa ating bansang Filipinas.
Kaakibat sa utos ng Comelec, magkakaroon ng malawakang rehistrasyon sa mga SK at mga bagong botante sa Hulyo 15 hanggang 30. Makipag-ugnayan sa inyong malapit na opisina ng Comelec na bukas mula Lunes hanggang Linggo kasali ang mga araw ng pista opisyal o “holidays.”
Advertisements

Entry filed under: News.

Papal relics on display in San Fabian church  MAGANES: A wisp of change and reform

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 624,036 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

July 2016
S M T W T F S
« Jun   Aug »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: