CORTEZ: Bakit dapat buhayin ang bahay kubo?

July 12, 2016 at 8:55 pm Leave a comment


brando-maso
 
Sa panahon ng brownout na magdamag…Nasubukan mo na ba na matulog sa isang concrete house? Hahaha! Napuyat ka ano?
 
Sa panahon ng brownout na magdamag…Nasubukan mo na ba na matulog sa isang bahay kubo? Sure ako na masarap ang tulog mo sa isang katre sa loob ng isang kulambo.
 
Blackout yata ang tawag nila kapag mahabang brownout at maraming lugar ang apektado ng kawalan ng kuryente.
 
Noong unang panahon, may amihan man o may habagat, bahay kubo pa rin.
 
Noong unang panahon, tag-araw man o tag-ulan, bahay kubo pa rin.
 
Ang mga batas na tulad ng National Building Code, kasama ng mga engineers at mga architects at media ang pumapatay sa sistema ng bayahihan sa bahay kubo ng sambayanang Pilipino.
 
Ang mga sitio na dinatnan ng mga Kastila, Hapon at Amerikano ay meron nang sariling sistema ng pabahay na low-cost at environment friendly.
 
Ang mga bahay kubo ay itinatayo sa pamamagitan ng bayanihan system.
 
Karaniwang nagpapatayo ng bahay ang isang pamilya sa tulong ng buong barrio. Bayanihan yata ang tawag nila doon.
 
Ang mga kawayan, kahoy, nipa at iba pang gamit sa pagtatayo ng bahay kubo at nakukuha lang sa paligid.
 
Madaling itanim. Madaling mabuhay. Madaling paramihin. Iyan ang kawayan.
 
Ang pagtatayo ng mga bahay sa barrio ay hindi katulad ng sa subdivision na nasa isang hanay lang.
 
Ang lugar na pinagtatayuan ang isang bahay kubo ay depende sa kaugalian ng barrio na may respeto sa puno, may respeto sa mga halaman, may respeto sa source ng tubig at may respeto sa neighbor.
 
Karaniwang ang mga bahay kubo na nakapalibot sa isang common area sa isang sitio. Pero hindi in a a circular fashion.
 
Kaya ng maririning mo sa mga matatanda na malapit lang ang kapitbahay nila kahit sa totoo lang ay malayo pala kung iahahambing sa sitwasyon ngayon.
Ang common area ay nagsisilbing playground ng mga bata at events area ng mga pamilya.
 
Puwede ka pa ngang makiraan sa bakuran ng isang pamilya para makarating sa gusto mong puntahan.
 
Walang large scale clearing na nangyayari. Large scale clearing as in puputulin lahat ng mga puno at halaman sa ilang ektarya ng lupa para lang lagyan ng mga concrete houses.
 
Ang mga bahay kubo ay tinatayo sa mga lugar na hindi isinasakripisyo ang mga puno o trees.
 
Walang large scale clearing na nangyayari. Large scale clearing as in tatapyasin ang isang lalawak na parte ng bundok o papatagin mismo ang bundok sabay na puputulin lahat ng mga puno at halaman  para lang lagyan ng mga concrete houses.
 
Ang sistema ng bahay kubo construction ay namamatay na dahil napapalitan na ito ng bato, bakal, semento, bakal at salamin.
 
Illegal ang  lahat ng itinayong bahay kubo mula noong maging batas ang National Building Code.
 
 Walang building permit na ibinibigay para sa bahay kubo dahil ‘substandard’ diumano ang mga ito kumpara sa bahay na bato.
 
Dahil bihira na ang bahay kubo… kaunti na lang ang nagpaparami ng kawayan.
 
Dahil bihira na ang bahay kubo…kaunti na lang ang mga marunong magdesign ng bahay kubo.
 
Dahil bihira na ang bahay kubo, nawalan ng trabaho ang mga marunong mag-design at mag-assemble ng ulo (roofing) ng bahay kubo.

 
Dahil bihira na ang bahay kubo, nawalan ng trabaho ang mga kalalakihan at kababaihan ng marunong gumawa ng mga dingding mula sa kawayan para sa bahay kubo.
 
Dahil bihira na ang bahay kubo, hindi ka makatulog ng mahimbing tuwing may blackout. Hahaha!
 
Hindi mo kailangan ang expensive na pirma ng isang architect para makapagpatayo ng bahay kubo. Bawas gastos!
 
Siyempre, iba din ang kalagayan ng sistema ng pagatatayo ng mga bahay sa Batanes, sa Cordillera, sa Mindanao.
 
Appointed na bilang head ng Housing and Urban Development Council si Vice President Leni Robredo.
 
Dati na ring naupo sa HUDCC sina VP Noli de Castro at VP Jejomar Binay.
 
Kasiguruhan sa disenteng pamamahay ang tunay na layunin ng pabahay program ng isang matinong gobyerno.
 
EID’L FIT’R. Nakiisa si PDuterte sa Muslim community sa tinaguriang first Mindanao Hariraya Eid’l Fit’r 2016 held in Davao City at nanawagan ng pagkakaisa.
 
Sabi ni PDuterte na “tatanggapin natin sa isa’t isa.Let us build a nation that will be founded on peace and understanding.”
 
Dagdag pa niya na “ang tingin ko with the grace of Allah, I might be able to do this within six years. It will not come overnight. Certainly, it will not come next year. Probably, it will be something about two to three years from now. But I assure you that something will change before I end my term.”
 
Ang gustong mangyari ni PDuterte ay kausapin ang lahat ng armadong puwersa ng mga moro (MILF at MNLF) para magkaroon ng katahimikan sa Mindanao.
 
 “I’m working overtime with Jun Evasco and the rest to constitute, ready na kami sa aming group sa gobyerno to talk to the MI, MN.
 
Sinabihan niya ang mga kaharap na mag-usap muna bago gumawa ng mga bagay kung saan ay maaaring magdulot ng kaguluhan.
 
Ang Eid’l Fit’r  ay “festival of breaking the fast” na nagpapahayag na tapos na ang Ramadan o ang isang buwn na fasting ng mga Muslim sa buong mundo.
 
DEVELOPMENT ISSUES? Nasaan ang balita tungkol sa development? Nasaan ang balita tungkol sa kabuhayan. Nasaan ang balita tungkol sa trabaho?
 
Drugs. Drugs. Drugs. Na lang ang lahat ng mainstream media.
 
Nangako din naman si PDuterte na uunlad ang buhay ng mga mahirap. Ano ang mino-monitor ng mainstream media? Drugs. Drugs. Drugs.
 

Entry filed under: News. Tags: .

Country loses P1 billion in 2015 Papal relics on display in San Fabian church 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

July 2016
S M T W T F S
« Jun   Aug »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: