EDITORIAL: Simula na ng pagbabago!

July 4, 2016 at 8:00 am Leave a comment


 
Nanumpa ang ika-16 na halal na pangulo sa ating bansa noong Hunyo 30 sa Rizal Hall ng Palasyo Malacañang. Taliwas sa mga naunang nanumpang pangulo ng bansa, minarapat ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ang pagtalaga sa kanya ay simple lamang,  kasama ang mga 600 na piling bisita.Image (9)
 
Ang mga sumaksi sa kayang panunumpa ay kinabibilangan nina dating Pangulong Fidel Valdez Ramos, dating Pangulong Joseph Estrada ( na ngayon ay mayor ng Manila City), Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereño at iba pang mahistrado, Pangulo ng Senado Franklin Drilon,Tagapagsalita ng Kamara Feliciano “Sonny” Belmonte, miembro ng “diplomatic corps”, mga bagong hirang na miyembro ng kanyang gabinete, kanyang pamilya at mga malapit na kaibigan.
 
Bago ang kanyang panunumpa, nag-usap si Pangulong Duterte at ang papaalis na Pangulong Benigno S. Aquino III bilang pamamaalam. Binigyan si Aquino ng “full military honors” ng Hukbong Sandatahan.

 
Simple rin ang inihandang pagkain: ginisang mungo, lumpia, pritong saging, kending durian,mango at dalandan juice. Ang kasimplehan ng mga handa ay naglalarawan ng simpleng panlasa ng bagong pangulo- hindi magarbo at magastos.
 
Sa eksaktong alas-dose ng tanghaling tapat, si Pangulong Duterte ay nanumpa at inihayag ang kanyang mensahe sa mga Filipino. Maiksi ang kanyang talumpati na umabot lamang sa 17 minuto at 12 segundo na umani ng papuri at palakpak sa mga sumaksi. Pagbabago ang tema ng mensahe ni Pangulong Duterte. Inihayag niya muli ang laban ng kanyang administrasyon sa ilegal na droga, korapsyon at iba pang anyo ng kriminalidad sa bansa. Ayon sa kanya, ang mga ito ang sumisira sa hibla ng kaayusan ng ating lipunan.
 
Bagamat ang mga tatlong naturang problema ng bansa ay nangunguna sa mga dapat bigyan ng pansin, sabi ni Pangulong Duterte na ang tunay na problema ay ang pagkawalan ng tiwala ng mamamayang Filipino sa kanilang mga lider sa pagbibigay ng serbisyo sa mga tao.
 
Binigyan diin ni Pangulong Duterte ang mga pagbabago. Inatasan niya ang kanyang gabinete na ayusin ang “red tape” ng pamahalaan at iksian ang mga proseso at mga kailangang papeles para sa mga mamamayan. Sinabi rin niya sa kanyang gabinete na magtrabaho sila ayon sa kanyang mga itinakdang pamantayan kung gusto nilang mahaba ang kanilang pagsasama sa kanyang pamahalaan. Ang pagbabago ayon sa kanya ay magsisimula sa bawat isang Filipino.
 
Handa na ang ating Pangulong Duterte sa pagbabago ng ating bansa. Ikaw, kayo, handa na rin ba sa isang malawakang pagbabago?

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: Erosion of faith and trust in the government  San Carlos Mayor, Veem deny illegal drug raps

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,558 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

July 2016
S M T W T F S
« Jun   Aug »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: