EDITORIAL: Pakitang gilas, o may pinagtatakpan?

July 1, 2016 at 7:14 pm Leave a comment


Ayon sa ulat ng mga diyario, telebisyon at radyo, nakapatay na ang kapulisan ng mahigit ng 80 sa mga pinaghihinalaang tulak sa droga, at mahigit na 2,000 ang nahuli na gumagamit sa mga ito. Ayon sa ulat ito ay nagsimula noong Mayo 10, isang araw pagkalipas ng halalan, hanggang Hunyo 20.northernwatch 6-26
 Maraming tao ang nagtataka sa ganitong operasyon ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP) dahil bakit ngayon lang sila kumikilos. Maraming nagtatanong na kung bakit kaya naman daw nila na sugpuin ang operasyon ng malawakang paglipana ng ilegal na droga sa bansa ay hindi nila ginawa sa ilalim ng Administrasyong Aquino..
 Ito ba ay dahil sa ang uupong bagong pangulo na si Rodrigo “Digong” Duterte ay hayagang nagpahayag na lilipulin niya ang mga ” drug lords” at “drug pushers” sa buong bansa? Nagpapakitang gilas ba ang mga kapulisan o sadyang ginagawa ito dahil gusto nilang patahimikin ang mga sangkot sa ilegal na droga na baka ang mga ito ay kumanta at ituro kung sino sa mga kasapi sa kapulisan ang nagproprotekta sa mga ito?
 Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na mayroon sa hanay ng ating kapulisan ang sangkot sa ilegal na droga. Si Pangulong Duterte mismo ang nagpahayag na may tatlong Heneral ng PNP ang sangkot sa ilegal na droga at ang mga ito ay kanyang pinagbibitiw sa kanilang tungkulin bago pa man siya ay manumpa bilang pangulo.

 Sa naturang panahon, si PNoy pa rin ang ating pangulo ngunit parang wala siyang kimi at aksyon man lamang sa mga nangyaring pagpatay sa mga hinihinalang tulak sa droga. Ito ba ay nagpapakita talaga sa kanyang kahinaan bilang isang pangulo ng ating bansang Pilipinas? Bakit pinababayaan niya ang mga ganitong operasyon ng kapulisan ngayong hindi pa nakakaupo si Duterte sa kanyang tungkulin bilang isang pangulo? Nasaan ang Commission on Human Rights (CHR) at ang Simbahang Katoliko na tumutuligsa sa mga “summary executions?” Hindi ba mananagot si PNoy sa mga pangyayaring ito?
Sa kabilang dako, mayroon ding kabutihan ang naidulot ang mga pagpaslang sa mga hinihinalang “drug pushers” dahil lumalantad at sumusuko ng kusa iyong iba. Nagbabala naman si Duterte at ag bagong hirang na Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ng PNP na kung ang mga nangyaring pagpapatahimik sa mga “drug pushers” ay upang pagtakpan ang pagkasangkot ng mga kapulisan sa ilegal na droga, sila ay mananagot at di rin silang mangingiming patatahimikin sila habang buhay.

Kailan naman kaya na ang mga tunay na “drug lords” ang patatahimikin ng ating mga kapulisan? Sila dapat ang pagtuonan ng pansin ng hanay ng kapulisan dahil sila ang ugat ng paglipana ng sagot na ito sa ating lipunan. Sa pagpasok ng administrasyong Duterte, inaasahan ng bawat Filipino ang tuwirang pagbabago. Sana ang laban ay hindi lang sa ilegal na droga kundi pati ang malawakang “jueteng” at iba pang anyo ng ilegal na sugal lalong-lalo na ang kurapsyon sa lahat ng antas ng ating pamahalaan.

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES:   Espino and the illegal black sand mining in Lingayen   Mangaldan police can – do war against drugs

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

July 2016
S M T W T F S
« Jun   Aug »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: