MASO: Smuggled bawang iniluwal ng Matuwid na Daan!

June 26, 2016 at 10:44 pm Leave a comment


 brando-maso
PANTAWID LANG. “It is a pantawid program. Why would you institutionalize a stop-gap measure?” Taguiwalo said in a television interview.
 
Sinabi ng susunod na Social Welfare and Development secretary Judy Taguiwalo na hindi siya agree sa plano ng iba na i-institutionalize ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
 
Sabi ni Sec. Judy ang 4Ps ay stop-gap measure lang.
 
Hindi na kailangan gawing batas ang 4Ps. Sa totoo lang ang dami ng beneficiaries ng 4Ps ay dapat nababawasan kung naging effective ang pagpapatupad ng program. Bakit dumadami?
 
Ang dapat na gawing batas ay iyong mga makakatulong sa pag-angat ng mahihirap para mas madali silang magkaroon ng hanapbuhay at trabaho.
 
Yung trabaho na hindi pang 5-months lang. Ayaw natin sa contractualization practices ngayon na 5-months lang.
 
“We should legislate long-term economic initiatives that will create more sustainable jobs and livelihood,” sabi ni Sec Judy.
 
Sabi ni Sec Judy  na tuloy pa rin ang 4Ps sa administrasyon ni Duterte, pero hindi ito ang tunay solusyon sa kahirapan.
 
May problema sa pagpapatupad sa 4Ps.
 
 “What we want to look at is the implementation. There are reports of selectivity. Not everyone who really needs the program are being reached. There is still an element of patronage there. We also want to check if it is being used to campaign as well as used for anti-insurgency,” sabi si Sec Judy.
 
Sabi ni Sec Judy na mas makakatulong ang gobyerno kung patatalasin ang “social protection initiatives through skills development, cash for work, livelihood projects, among others.”

 
Ang isang isyu na lumabas sa isang business forum sa Davao ay ang 4Ps ay hindi nakakatulong sa mga mahihirap dahil ito ay “promoting dependency on government.”
 
Kumusta daw po kayo Sec. Judy?  Ito ay mula sa isang kasama niyo sa Old P na nasa Panay Island.isang Lady  Judge na po ang inyong Kasama at ito daw po ang chance ng Kilusan para patunayan na kaya ng Kilusan na magsilbi sa bayan sa loob ng burukrasya ng gobyerno.
 
BAWAS TRAFFIC. Sinabi ni incoming Customs chief Nick Faeldon na itutulak niya ang mas malawak na paggamit ng ports of Batangas at Subic para sa commodities na hindi kailangang mag-landing sa Manila.
 
May mga import commodities kasi na dadalhin sa North of Manila na puede naman idiretso na sa Port of Subic. O di ba nakabawas ka ng mga trailer truck na dumadaan sa loob ng Metro Manila?
 
May mga import commodities kasi na dadalhin sa South of Manila na puede naman idiretso na sa Port of Batangas. O di ba nakabawas ka ng mga trailer truck na dumadaan sa loob ng Metro Manila?
 
Meron internet para sa business transaction ng mga exporters, importers at mga traders. So, kahit nasa Manila pa ang mga offices halimbawa ng mga traders ay matutuloy pa rin ang deliveries kahit hindi na dumating ng Port of Manila ang commodities.
 
 “I consider this a low-lying fruit that can be easily done as long as the traders will agree because they are the ones who will be affected,” sabi ni Nick Faeldon.
 
Si Faeldon po ang isa sa mga Magdalo officers na naglabas sa mga isyu sa loob ng military. Lumabas sila sa lansangan. Naganap ang Oakwood Mutiny. Nakulong sila at iba pang sibilyan na sumusporta ng pagbabago sa loob ng military.
 
Nakatakas si Faeldon. As in naging Wanted! Habang nagtatago sa mga humahanap sa kanya ay panay naman ang post niya sa internet ng mga pictures niya sa loob iba’t ibang kampo ng military sa iba’t ibang isla ng Pilipinas.
 
Makita din kaya si Customs chief Faeldon sa iba’t ibang ports ng Customs na un-announced? Hahaha! Sure na sure ako na maraming mabubulaga lalo na iyong may mga ginagawang wrong.
 
SMUGGLED BAWANG . Tumaas na naman ang level smuggling ayon sa ginawang comparison ng datos mula sa gobyerno at datos mula sa United Nations Commission on Trade or UN ComTrade ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG.
 
Tuloy tuloy pa rin ang smuggling hanggang ngayon, kahit na pumalit na si Customs chief Alberto Lina.
 
Sinabi ni SINAG president Rosendo So na, “Our data showed that Customs Commissioner Lina has not made a dent on smuggling. Rampant smuggling in five staple commodities—rice, pork meat, poultry, onions, garlic—has continued to this day.”
 
Under validation na ang mga datos sa panahon ni Lina at ilalabas ito ng SINAG kapag valdidated.

“We are still trying to verify the raw data that we have obtained from government and UN ComTrade but on its face, the data show rampant smuggling went unabated under Lina’s stint,” he said.
 
Sabi ni So na, “As of June 2015 under Lina’s watch, a total of P36.34 billion worth of rice, pork, chicken, sugar, onion, garlic, carrots and buffalo meat was smuggled into the country.”
 
“In the first half of 2015, some P10.9 billion worth of these agricultural products had been dumped into the country’s ports,” dagadg ni So.
 
Sa larangan ng smuggling sa agrikultura, sabi ni So na sobra-sobra ang nawalang kita ng gobyerno sa panahon ng Matuwid na Daan kumpara sa panahon ni president Gloria.
 
Ang gobyerno ay nawalan ng kita dahil sa smuggling ng agricultural commodities mula 2005 hanggang 2009 sa halagang P94.87 billion. Panahon ni president Gloria iyan.
 
Ang gobyerno ay nawalan ng kita dahil sa smuggling ng agricultural commodities mula 2010 hanggang 2014 sa halagang P198.05 billion. Panahon ng gobyernong Matuwid na Daan iyan.
 
P198.05 billion ay mahigit pa sa doble sa P94.87 billion. Very bad na nawalan ang gobyerno ng almost P200 billion dahil sa smuggling ng agricultural products sa panahon nga Matuwid na Daan. Of course, bad pa rin ang almost P95 billion na nawala sa gobyerno sa panahon ni presidente Gloria.
 
Eto pa po…lalo na sa mga taga-Ilocos. Alam niyo po ba na walang smuggling ng bawang or garlic noong panahon ni presidente Gloria?
 
Sabi ni So na nagsimula ang smuggled na bawang noong 2010 sa volume na 36,784 metric tons hanggang umabot sa volume na 255,393 metric tons noong 2014. Remind lang na noong 2010 naupo ang Matuwid na Daan.
 
 Ang halagang nawala sa gobyerno dahil sa smuggling ng bawang ay P25.54 billion!
 
Ang laking amount hindi po ba? Ang P25.54 billion ay puede na sanang pantulong sa naghihingalong industriya ng bawang sa Ilocos region.
 
Paano po naapektuhan ng smuggling ang magsasaka ng bawang?
 
Kung sa loob ng isang taon ay may nakapasok na 40 million kilos ng bawang at ikinalat ito sa mga palengke… eh ano?
 
Kung ang 40 million kilos na bawang ay ibinenta sa halagang P100 pesos per kilo, ibig sabihin ay nawalan ng benta ang mga magsasaka ng bawang sa halagang P40 billion…e di wow!
 
Iyong 40 million kilos na bawang ng dayuhan ang binila ng mga Pilipino. Ang P40 billion pesos ng ibinayad ng mga Pilipino ay dapat napunta sa magsasakang Pilipino. Pero hindi…Ngek!

TAMA NA. Tapos na ang election. Bati-bati na muna ang mga nagbanggan sa election dito sa Pangasinan.

Entry filed under: News. Tags: .

Dagupan’s potentials bared in 69th year of cityhood BFAR holds national fishery summit in Dagupan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,135 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

June 2016
S M T W T F S
« May   Jul »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: