CORTEZ: Abolish NIA

June 20, 2016 at 7:02 am Leave a comment


 brando-maso
RESIGNED. Comelec Commissioner Christian Robert Lim resigned na. Tama,  ang nabasa niyo. Kung bakit siya nagrsign. Read along na lang.
 
Ang Liberal Party, United Nationalist Alliance, Nacionalista Party, Nationalist Peoples Coalition, Pwersa ng Masa, at Aksyon Demokratiko ay nakatangap ng sulat mula sa Comelec.
 
Part ng sulat na iyon ay nagsabi na, “This deadline SHALL NOT BE EXTENDED… Failure to file the said Statement within the period provided shall subject your party to the penalties provided for under Section 14 of Republic Act No. 7166. The same law prohibits the winning candidates that you have nominated from entering upon the duties of their elective office should you fail to file your party’s SOCE.”
 
Nagrequest ng extension ang LP para magsubmit ng SOCE  dahil masyado daw marami silang resibo at papeles mula sa probinsiya kaya they failed to submit.
 
Naglabas ang Campaign Finance Office na headed by Commissioner Christian Robert Lim denying LP’s request for an extension.
 
Pero, ito ay binaligtad ng Comelec en banc at pinayagan ang extension.
  
Kung sumunod ang comelec en banc sa recommendation ng CFO ay HINDI makaupo ang mga nanalong LP candidates tulad nina Vice-President Maria Leonor G. Robredo, five senators, 115 congressmen and 40 governors.
 
Dahil hindi rin naka-submit ng SOCE ang Pwersa ng Masa… ay hindi rin makaka-assume ng office si Manila Mayor Joseph Estrada at iba pang nanalong candidaters ng partido.
 
Dahil hindi rin naka-submit ng SOCE ang Aksyon Demokratiko… ay hindi rin makaka-assume ng office si Governor Amado I Espino II, Rep. Amado T. Espino Jr at iba pang candidates ng partido.
 
Ang sinasabi ng UNA at PDP Laban ay ginagamit ng Comelec ang “Vox Populi, Vox Dei” bilang isang  principle na above the law.

“It is sad that the Comelec has become a Commission of men, and not of laws. Even the Supreme Court has abandoned the Vox Populi, Vox Dei doctrine simply because it is bereft of any legal basis and no one can overturn an unequivocal statement in the Constitution. If the Comelec wants to be taken seriously, it should stop contradicting itself and start strictly enforcing the laws without fear or favor,” sabi ng UNA.

“What seems to be clear by now is the wholesale abandonment of the rule of law. The ‘final and non-extendible deadline’ rule stated in Comelec Resolution No. 9991 was a solid en banc decision only to be abandoned by the en banc itself. The sweeping disregard of pertinent laws and rules only shows the Comelec’s biases in favor of the Liberal Party,” sabi ng UNA.
 
SANA KASAMA ANG PANGASINAN. P180 BILLION set aside for Megaworld’s provincial townships in next 10 years. Wow ha! Ang laking pera. Sana mapili ng Megaworld  na mag-invest ng mga township dito sa Pangasinan.
 
Sabi ni Mr KIngson Sia na Executive Director ng Megaworld na, “Township, this is what we call the live-work-play communities that we are developing. This is, in our mind, the highest form or the most superior product that we can offer in the property sector by combining the live, work and play components into one development.”
 
Ohaaa! Sounds familiar ang definition ng Megaworld ng township! Governor Espino, Vice Governor Calimlim… ligawan po natin ang Megaworld na dalhin ang pera sa Pangasinan.
 
“So, kung nandun ‘yung market [if there’s a market] then there’s right size of property, the right size in the right location at the right price, we have the ability to acquire it because we have the resources to do it,” dagdag ni Sia.
 
Nagsimula ang Megaword na magbukas ng commercial at retail areas sa seven provincial township projects sa the Iloilo Business Park sa Mandurriao, Iloilo City; The Mactan Newtown sa Lapu-Lapu City; Davao Park District sa Lanang, Davao City; Twin Lakes sa Alfonso, Batangas; Southwoods City sa boundaries ng Cavite at Laguna; Suntrust Ecotown sa Tanza, Cavite; Sta. Barbara Heights sa Iloilo; at Boracay Newcoast sa Boracay Island.

 
Iloilo, Cebu, Davao, Batangas, Cavite, Laguna at Aklan… Bakit hindi kasama ang Pangasinan?

Ang apat na iba pang townships na naka-schedule for development for the next three years ay Northill Gateway sa Talisay City, Negros Occidental; The Upper East sa Bacolod City; The Capital sa City of San Fernando, Pampanga; at Maple Grove sa General Trias, Cavite.
 
Dalawa sa Negros Occidental, Pampanga at Cavite na naman. Kahit tatlong townships lang sana sa Pangasinan.
 
Ang development ng townships ay isang paraan ng Megaworld para makatulong sa decongestion ng Metro Manila.
 
“We’re already in the provinces and there is a conscientious effort to do that since we have a substantial stake in Metro Manila. Part of making Metro Manila livable is to decongest it — the pollution, crowd control and everything.” Sabi ni Sia.
 
Sana ay magtulungan ang lahat ng nanalo sa election na mahikayat ang Megaworld na magtayo ng townships sa iba’t ibang lugar sa Pangasinan. Tapos na ang laban. Friends na uli kayo, for the sake of the people and development.

May pinagsamahan naman ang Espino-Cojuangco groups. Para sa bayan muna tayo.

Ten to fifteen years po bago ma-reach ang maturity ng isang township depende sa size at iba pang factors.
 
TULOY ANG PEACE PROCESS. Tuloy na ang peace process sa pagitan ng Gobyerno at ng National Democratic Front.
 
Tapos na ang signing ng dokumento para sa muling pagsisimula ng peace process. Ang signatories sa panig ng NDF ay sina Joma Sison, Juliet Sison, Connie Ledesma, Luis Jalandoni, Fidel Agcaoili at nandun din pala si Edre Olalia.
 
Ang signatories sa panig ng Government of the Philippines ay sina Jess Dureza, Bebot Bello at Nani Braganza.
 
Ang host ng peace talks na third party facilitator ay ang Royal Norwegian Government.
 
Si  Ambassador Elisabeth Slattum, special envoy to the Philippine peace process of the Norwegian government, ay pumirma bilang witness.
 
FREE IRRIGATION.Hindi na kailangan mag-resign ng mga empleyado ng NIA ayon sa hamon ni Secretary Manny Pinol.
 
Hindi natin masisisi ang NIA employees sa kanilang pananaw sa free irrigation dahil nakatali ang isipan nila sa charter ng agency.
 
Hingi naman kailangan banggain ang kagustuhan ni Presidente Duterte. Mag-suggest na lang sila kung paano magiging free ang irrigation na hindi nakatali sa charter ng NIA.
 
 Ang National Irrigation Administration ay isang government agency na may sariling charter. Ang pondo niya para sa kanyang operations at pasahod sa empleyado ay mula sa collection ng irrigation service fees.
 
Pag tinangal ang irrigation service fee na binabayaran ng farmers. Walang sasahurin ang empleyado. Walang pondo sa operations ng NIA.
 
Dahil non-negotiable ang free irrigation promise ni President Duterte, dapat gawan ng paraan kung paano magiging libre ang irrigation, paano patuloy na makakasahod ng  NIA, at paano patuloy mapopondohan ang operation ng NIA.
 
Puedeng review, amend or baguhin ang charter ng NIA.
 
Puedeng i-abolish ang NIA at magtayo ng bagong irrigation agency na hindi umaasa sa irrigation sevice fees mula sa farmers.

Entry filed under: News. Tags: .

Alaminos stregthens  disaster response and preparedness Ventenilla: Public school students in Dagupan to wear uniforms

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,135 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

June 2016
S M T W T F S
« May   Jul »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: