EDITORIAL ‘Ma-Dugong’ laban kontra sa ilegal na droga

June 18, 2016 at 10:25 am Leave a comment


Hindi pa man opisyal na nakaupo sa pamamahala ang bagong halal na Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, ang laban sa droga ay napa-igting na, na siyang nagbunsod ng paglabas ng mga “drug lords,” “drug pushers” at pati ng mga gumagamit nito. Ito ay pagkatapos ideklara ni Duterte na may kaukulang pabuya sa sinumang makapagtuturo ng mga drug lords na P5 milyon, at drug pushers na P50 libo.001 (2)
Ang laban sa ilegal na droga at ano mang uri ng kriminalidad at korapsyon ang naging sentro ng kampanya ni Duterte sa nakaraang halalan. Ito ang dahilan kung bakit karamihan sa mga botanteng Filipino ay sumuporta sa kanya para manalo siya sa pagka-pangulo.Naging hudyat din ito na ang mga tao ay sawa na sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa na naging talamak na ang ilegal na droga, korapsyon at kriminalidad.
Hindi biro itong gagawin ni Duterte sa pagsugpo ng kriminalidad at ilegal na droga. Ngayon pa lang, mayroon ng nagbabanta sa kanyang buhay pati ng kanyang bagong hirang na Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa. Ayon nga kay Dela Rosa, tig-P50 milyon sa kanila ni Duterte ang nakapatong na pabuya ng mga “drug lords” kung sino ang makakapagtumba sa kanila.Hindi rin biro na maraming masasagasaan sa gagawing ito ni Duterte na kinabibilangan ng mga pulitiko, matataas na opisyales ng kapulisan, mga piskal at mga husgado.

Ibinunyag ni Duterte na may tatlong heneral sa Philippine National Police (PNP) at 35 mga gobernador at mga mayor ang sangkot sa ilegal na droga. Sa ngayon ay hindi pa niya pinangalanan ang mga ito ngunit nagbigay na siya ng babala na magbitiw na sila sa kanilang mga posisyon sa pamahalaan. Ayon naman kay Dela Rosa, sa 18 na mga Regional Director ng PNP, baka tatlo lang ang maiiwan at yong 15 ay mababalasa sa kanilang mga tungkulin. Nakakabahala ang mga nagsusulputang impormasyon tungkol sa ilegal na droga. Yong mga inaakala nating magbibigay ng proteksyon sa atin ay sila pala ang salot sa ating lipunan.
Hindi lang si Duterte ang may laban dito. Lahat tayo na nagmamahal sa katinuan at kapayapaan ng ating lipunan at bansa ay kailangang makiisa sa kanya. Panahon na upang masugpo ang galamay ng mga salot na sumisira sa buhay ng mga kabataan, mga pamilya at moralidad ng ating lipunan.

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: Free and independent ? 3 ‘Colonels”’eyed as top cop of Dagupan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

June 2016
S M T W T F S
« May   Jul »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: