CORTEZ: Midnight resolutions sa DOJ at midnight IRR sa Customs!

June 18, 2016 at 10:17 am Leave a comment


brando-maso
Kung dati ay may mga midnight appointments bago matapos ang termino ng Presidente, ngayon naman ay mayroon tinatawag na midnight resolutions!
Hahaha! Of course, deny ang DOJ dito.
Wala daw silang binabaligtad na resolution for a fee.
Wala daw silang nirere-write na resolution for a fee.
Hindi daw po totoo iyan ayon sa DOJ.
Parang closing out sale yan ng mga resolutions ah.
PEACE PROCESS. Kung hinahanap niyo si Bok Nani Braganza. Baka makita niyo siya sa peace process team ng Duterte government na nakikipag-negotiate sa National Democratic Front.
Ito ay kung papayag si Bok Nani sa invitation ni Sec. Bebot Bello. Papayag kaya?
Ang NDF side ay pinangungunahan ni Fidel Agcaoili na isang  kaibigan ni Bok Nani.
Malaki ang tiwala ni Sec Bebot Bello kay Bok Nani at Efren Moncupa kaya ni inimbitahan ang dalawa na tumulong sa peace process.
Alam niyo po ba na ilang beses na nakipag-usap ang grupo ni Nani Braganza sa ilalim ng Aquino Administration sa NDF?
May pagkakataon pa na mismong sa loob ng kampo ng New Peoples Army natulog ang grupo ni Nani bilang guest sa celebration ng anniversary ng grupo?
Advocacy na ni Nani ang peace process. Nasa puso na ni Nani yan. Tingnan natin kung papayag si Nani na maging part ng peace process.
Tatlo ang unang pagkakasunduan officially ng Gobyerno at ng NDF. Parang may nakapagsabi na may unofficial na kasunduan na dito.
Isa. Palalayain ang lahat ng detenidong pulitikal.
Dalawa. Magkakaroon ng interim ceasefire.
Tatlo. Pabibilisin ang peace negotitations.
BITAY NA LANG. Sabi ni Duterte na may 35 local chief executives ang sangkot sa illegal na droga.
Ito ay matapos pagsabihan ni Duterte na mag-resign na ang tatlong general sa PNP na diumano ay corrupt.
Meron din kaya sa Ilocos Region? O dito mismo sa Pangasinan na local chief executive na sangkot sa illegal na droga?
Bitay ang gusto ni Duterte na parusa sa mga sangkot sa illegal na droga.
Ayaw niya ng lethal injection dahil hindi daw nakakatakot panoorin.

Mas nakakatakot panoorin ang bitay kasi makikita mo na nangingisay ang katawan ng binibitay!
MASTERFUL CAMPAIGN. Ohaa! Si Presidente Aquino mismo ang nagsabi ipinatupad noong halalan nila Duterte ay isang very masterful way of campaigning.
“Well again, the differentiation. ‘I am different.’ Very masterful way of campaigning. Am I running? Am I not running? And all the attendant [things]. We really have to hand it to him; them,”  sabi ni PNoy.
Iba nga naman ang style ng campaign ni duterte. Flip flop ng flip flop. Tatakbo. Tapos hindi tatakbo. Tapos nag-substitute para maging official candidate ng PDP Laban para president.
Sa salita ay… Binira ni Duterte ang Simbahang Katoliko. Binira ang Congress. Binira ang Amerika… ang Australia ang United Nations. Binira ang media. Binira ang Corruption. Binira ang illegal na droga.
“They really mounted that better campaigning – that was the right tone, right messaging, right time,” sabi ni PNoy.
HUWAG ITALI ANG KAMAY. Kung may midnight resolutions sa DOJ, sana huwag daw magkaroon ng midnight IRR sa Customs.
Alam niyo po ba na kinausap ni incoming Finance Secretary Sonny Dominguez si outgoing Customs commissioner Bert Lina?
“I called Bert Lina [and] I told him, Bert, I heard you’re putting out the IRR for that new law. I said don’t tie my hands. I said you know, obviously I cannot tell you what to do, or what not to do, but I’ll tell you, I’ll look at it very badly if you tie my hands,” sabi ni Dominguez.
“I told him [Lina] not to tie my hands. He can put it [IRR] out, but if he ties my hands, our hands, or Faeldon’s hands, that he [Faeldon] cannot do certain things, there’s going to be hell to pay,” sabi  ni Dominguez.
Huwag daw maglabas si Lina ng Implementing Rules and Regulations na tatali sa kamay ng incoming administration sa pangangasiwa ng Customs bureau.
Matatandaan ninyo na isa sa mga batas na pinirmahan ni PNoy ay ang Customs Modernization and Tariff Act.
Ang isang batas na tulad ng Customs Modernization and Tariff Act ay dapat mayroong IRR para magkaroon ng laman.
Si Nicanor Faeldon ang incoming Customs chief. Sana huwag siyang masilaw sa color of money sa bulok na sistema sa Customs.
Baka kasi maglagay ng mga provisions sa IRR na magpapahirap kina Dominguez at Faeldon na burahin ang corruption sa Customs.
OLD POLITICIANS FADE AWAY.  Nagpaalam na si Senator Juan Ponce Enrile as in JPE sa Senado.
Ang iba pa na nagpaalam sa Senado ay sina Pia Cayetano, Miriam Defensor Santiago, Jose “Jinggoy” Estrada, Teofisto Guingona 3rd, Ferdinand Marcos Jr., Sergio Osmeña 3rd, Ramon Revilla Jr. at Lito Lapid.
May mga panahon na may nasiyahan sa mga nagawa ni JPE.
May mga panahon na may ayaw sa mga nagawa ni JPE.
“I would like to thank all of my colleagues and all those people that worked with me and beg their forbearance and understanding if in the heat of debate, I somehow helped them unwittingly or displeased them,” sabi ni JPE.
Proud si JPE sa mga nagawa niya kahit duguan na siya.
“Like what McArthur said, old soldiers never die, they just fade away. I would say today, my last appearance in this chamber, old politicians never die, they will just fade away. My head was bloodied but never bowed,” sabi ni JPE.
Ang public service ni JPE ay 24 years sa Senate, 3 years sa House of Representtives, at mahigit 20 years sa executive department.
“All those years, I tried my best to serve the people because I felt that my call to service was something that I never intended in the first place but I was impressed into the service of the people and, as a consequence, I thought was a mission for me to do,” sabi ni JPE.

Entry filed under: News. Tags: .

118th INDEPENDENCE DAY CELEBRATION Pangasinan DPWH joins 2016 Oplan Balik Eskwela

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

June 2016
S M T W T F S
« May   Jul »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: