EDITORIAL : Pagbabago!

June 9, 2016 at 6:33 am Leave a comment


Pagbabago. Ito ang pinaka-popular na salita sa pagpasok ng bagong pamahalaan ng naihalal na Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Ang salitang ito rin naka-sentro ng kanyang kampanya- “Change is Coming” ( Darating na ang Pagbabago) na pumukaw sa kaisipan ng mga Filipino. Hindi inalintana ng ating mga kababayan ang kanyang pagmumura, bagkus pinagtatawanan at parang ang kanyang istilo ay katanggap-tanggap ng ating lipunan.001 (1)
Bakit nga ba ang lakas ng dating ni Duterte sa masa? Bakit nga ba parang nahiptomismo ang kamalayan ng mga Filipino? Ito ba ay senyales na ang mga Filipino ay sawa na sa mga nangyayari sa ating bansa?
Talamak ang droga. Talamak ang kurapsyon. Talamak ang katiwalian ng mga humahawak sa ating pamahalaan mula nasyonal hanggang sa mga barangay. Ang mga ito marahil ang dahilan kung bakit itong si Duterte ay naging usap-usapan noong halalan. Nanaig siya sa kanyang mga pagmumura, na walang sinuman kahit na ang Simbahang Katoliko ang pumigil sa kanya upang makuha niya ang pagka-Pangulo.
Mula sa kanyang pahayag na sa loob ng tatlo hanggang sa anim na buwan ay masusugpo na ang krimen sa bansa lalo na sa pagsugpo ng droga, kumuha pa si Duterte ng mga makakaliwa upang maging kasapi ng kanyang gabinete. Ang pinagtuonan niya ng pansin ay ang pagsasagawa ng pagtitiwala o “confidence building” upang ang mga makakaliwa ay sumanib na sa pamahalaan. Bigyan din natin ng pansin ang iba pang miyembro sa kanyang gabinete. Karamihan sa mga ito ay kanyang mga kaklase, kaibigan at tumulong sa kanyang kampanya. Wala naman tayong karapatan na salungatin ang pagpili niya ng kanyang gabinete. Ito ay nakaatang sa kanya bilang halal na pangulo.

Maraming pagbabago ang nakikita natin sa pagpasok ng administrasyong Duterte. Ang mga pagbabagong ito ba ay mararamdaman din sa mga lokal na pamahalaan? Lubos bang mawala ang palakasan dahil ang mga nakaluklok sa kapangyarihan ay kanyang kaibigan o kaalyado sa partidong pampulitikal? Ang mga ganitong sistema ang sumisira sa ating pag-usad sa tunay na progreso ng ating bansa.
Iba ang istilong pang-liderato itong si Duterte. Wala siyang paki-alam sa mga nakagisnang inaasahan sa isang pangulo. Sinasabi niya ang kanyang saloobin at prangka sa pagsagot sa mga isyu na kung minsan ay hindi naiintindihan ng karamihan. Kamakailan, ang hanay ng mga mamamahayag ay nadismaya rin sa kanya dahil sinabi ni Duterte na maraming mamamahayag ang namamatay dahil din sa kurapsyon.
Bagamat maraming mga pahayag ni Duterte ang hindi katanggap-tanggap sa publiko, bigyan natin siya ng pagkakataon na simulan niya ang ating inaasahang pagbabago. Hindi kaya siya na ang ating lider na may tunay na malasakit sa bawat Filipino?

Entry filed under: News. Tags: .

Pangasinan Dairy Farm in Laoac, Cojuangcos’ Legacy in 5th District  DENR determines legality of fish pens – Fernandez

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

June 2016
S M T W T F S
« May   Jul »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: