CORTEZ: Ayusin niyo muna ang kuwento para believable

June 6, 2016 at 11:55 am Leave a comment


 brando-maso
Hindi kapani-paniwala ang kuwentong dagdag-bawas ng di umano’y political operator sa probinsiya ng Quezon na nagpresscon sa Senado.
Sinabi niya na binawasan daw nila ng 300,000 votes si Duterte tapos binawasan naman ng 200,000 votes si Binay at binawasan din ng 200,000 votes si Poe. For a total of 700,000 votes… wow ha! Ang nakinabanag daw dito sa bawas ay si Roxas!
Ayon sa Certificate of Canvass ng probinsiya ng Quezon si Roxas ay nakakuha lang ng 205, 7921 votes. Nasaan iyong mga botong ibinawas sa tatlong kandidato?
Kung dinagdagan nila si Roxas ng 700,000 votes… ibig sabihin nasa negative 500,000 votes si Roxas bago magbilangan. Puede ba yun?
Ano iyan lokohan. Dapat minimum na nadagdagan si Roxas ng 700,000 votes kung pagsasamahin mo ang ibinawas kay Duterte, Binay at Poe.
Hindi rin kakagatin ng grade one student ang sabi ng operator na nandaya sila para kay Robredo.
Kung binawasan nila si Bongbong Marcos ng 500,000 votes at idinagdag ito kay Robredo…bakit ang boto ni Robredo sa Quezon ay385,164 votes lang!
 
Negative din ba ang boto ni Robredo bago magbilangan? Hahaha.
 
Kung si Bongbong Marcos ay nabawasan ng 500,00 votes… ang ibig ba nilang sabihin ay nakakuha siya ng 673,394 votes out of 936,359 votes cast?
Ang laki naman ng percentage… 72 percent ang nakuhang boto ni Marcos sa Quezon! Hahaha.
Nakalimutan ba nila na hindi mananalo si Marcos sa Quezon dahil maraming nasaktan at inabuso ng Martial Law sa probinsiya?
Isa ang probinsiya ng Quezon na may pinakamaraming kampo ng NPA?
Kung binawasan si Marcos ng 500,000 votes ibig sabihin na ang bumoto sa Quezon ay hindi 936,359 kungdi 1,362,402 voters.
Ang 1,362,402 votes ay total po ng boto nina Cayetano na may 54,702votes, Escudero na may 191,444 votes, Honasan na may 27,946 votes, Marcos na may 173,394 plus yung 500,000 na binawas daw sa kanya, Robredo na may 385,164 votes at Trillanes na may 29,752 votes.
Kaya lang ang total registered voters ng buong probinsiya ng Quezon ay 1,124,090 lang! Papaano nakaboto ang 1,362,402 voters?
Sosobra ng bumoto kumpara sa registered na botante kung paniniwalaan ang nagpresscon…hahaha! Sobra ng 238,312 votes sa registered voters.
 
Sana sa susunod na gagawa sila ng kuwento eh ayusin nila ang mga numero nila. Simpleng minus at plus lang naman ang operation.

 
LADIES IN THE SIXTH. Sa 6th District pala ay tatlo ang lady mayors. Si Mayor Heidee Chua sa Asingan, Mayor Rebecca Saldivar sa San Nicolas at si Mayor Susan Casareno sa Rosales.
 
Third term na ni Mayor Chua itong 2016-2019… una siya naging mayor noong 2010….. ano naman kaya ang sunod na step?
 
Second term naman ni Mayor Saldivar. Tinalo niya isang retired general  ng PSG.
 
Paano yan Mayor Jangget? Kapitan ka muna.
 
Second term din ni Mayor Susan. Tinalo niya ulit si former mayor Revita.
 
Sa District 6 eh sa San Manuel, Balungao at Rosales lang nanalo si Cong  Mark.
 
Bago din ang mayor ng Umingan na si Mike Cruz. Tinalo niya si Vice Mayor Alain Rabang.
 
Panalo naman na Vice Mayor si Emil Trinidad sa Umingan.
 
Siyempe panalo din si konsehala Liza Onia, ang lady’s choice ng mga botante ng Umingan.
 
Si Mayor Teddy Ramos pa rin sa Santa Maria, Mayor Cococy Rafael sa Natividad at Mayor Jerico Perez sa San Manuel.
 
Si Mayor  Clark Tiu sa San Quintin, Mayor Philipp Peralta sa Balungao at Mayor Tyrone Agabas sa Tayug.
 
IRA NG PANGASINAN. Ang total Internal Revenue Allotment ng probinsiya ng Pangasinan para sa 2016 ay 9 billion.
 
Ang provincial capitol ay may 2 billion pesos or 2,665,563,431 pesos po na allocation mua sa DBM.
 
Ang 44 municipalities ay may allotment na 4 billion or 4,661,178,667 pesos,
 
Ang bayan ng Malasiqui ang may pinakamalaking IRA na umaabot sa 204,400,258  pesos sa lahat ng 44 municipalities.
 
Si Mayor Noel Geslani ang bagong mayor ng Malasiqui.
 
Second ang bayan ng Bayambang na may appropriation na 190,228,462 pesos at third naman ang bayan ng Lingayen na may apropriation na 163,643,175 pesos.
 
Si Mayor Iday Castaneda pa rin ang mayor ng Lingayen habang si Mayor Cesar Quiambao ang bagong mayor ng Bayambang.
 
Idagadag niyo pa diyan ang allotment para sa 4 cities na umaabot sa 1,694,247,088 pesos.
 
Ang Alaminos City ay may appropriation na 382,856,576 pesos habang ang Dagupan City ay may appropriation na 408,531,980 pesos.
 
Ang San Carlos City ay may appropriation na 506,401,483  pesos at ang Urdaneta City naman ay may appropriation na 396,457,049 pesos.
 
Kung ikaw ay city mayor… paano mo gagstusin ang 400 million pesos to 500 million pesos yearly?
 
Of course, may dagdag pa iyan na internally generated na pondo ng local government unit.
 
Reelected ang mga city mayors ng Alaminos na si Mayor Art Celeste, Dagupan na si Mayor Belen Fernandez, Urdaneta na si Mayor Bobom Perez.
 
Si Mayor-elect Bogs Resuello ang papalit sa kanyang kuyang si Ayoy Resuello sa San Carlos City.
 
IRA ng probinsiya plus IRA ng 44 municipalities plus IRA ng 4 cities ay nagkakahalaga ng 9 billion pesos or 9,020,989,186 pesos.
 
Maliit. Kailangan madagdagan ang investors para magkaroon ng trabaho dito sa Pangasinan. Kapag may trabaho, may sahod. Sa payday, gagastos. Iikot ang pera.
 
DAR Secretary na si Ka Paeng Mariano ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Genuine Agrarian Reform ang inaasahan sa kanya.
DSWD Secretary naman si Prof Judy Taguiwalo ng University of the Philippines. Alalahanin natin na dalawa ang component ng DSWD. Hindi lang Social Welfare iyan, may kasamang Development!
Sa Senate minority sasama si Senator-elect Leila De Lima. Kahit na sumama sa coalition ang LP sa PDP-Laban ni President-elect Rody Duterte or PRody.
Ang mga mapupunta sa minority ay sina Senator Sonny Trillanes at De Lima na mukhang ang magiging role ay anti-Duterte.
Saan kaya sasama ang mga UNA senators na sina Nancy Binay, Gringo Honasan at JV Ejercito ? sa Majority or sa Minority? eh si Sen. Lacson?
Advertisements

Entry filed under: News.

ORTIGOZA: Sec. Panelo’s tattered jeans, shiny boots Senior high students flock to technical courses

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 632,985 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

June 2016
S M T W T F S
« May   Jul »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,341 other followers


%d bloggers like this: