EDITORIAL:   Kontra ‘smuggling’ ng produktong agrikultura, batas na

June 1, 2016 at 10:22 pm Leave a comment


Pinirmahan na ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang batas na nagbibigay ngipin kontra sa pag-smuggle ng mga produktong agrikultura. Noong Mayo 23, ang Republic Act No. 10845 o ” An Act Defining Large-Scale Agricultural Smuggling  as Economic Sabotage, Prescribing Penalties Therefor and for Other Purposes” ay ganap ng batas. Lubos itong ikinatuwa ng mga magsasaka at mga grupong naglalayon na ang ” smuggling” ay matigil na. Natuwa ang Abono Partylist at ang Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) na pinamumunuan ni Engr. Rosendo O. So.001
Matagal na isinulong ang naturang batas. Sa Senado, ang bersyon ng batas ay isinulong ni Senador Cynthia Villar bilang chair ng Committee on Agriculture at tinulungan siya ni Senador JV Ejercito. Ang bersyon na ito rin ang isinulong ni Abono Partylist Rep. Conrado M. Estrella III at Rep. Francisco “Pacoy” Ortega III sa Kamara. Dahil sa iisa ang bersyon ng batas, hindi na dumaan sa “bicameral hearing” at “plenary session” at dumiretso na sa tanggapan ni Pangulong Aquino.
 Mabigat na parusa ang nakapaloob sa nasabing batas. Ang mga magsasagawa ng ‘smuggling” kasama ang kanilang kasabwat, pribado man o nasa gobyerno ay papatawan ng panghabang buhay na pagkakakulong at may multa na dalawang beses sa halaga ng naipasok na mga produktong “smuggled”.

Anong mga produktong agrikultura at halaga nito ang nakapaloob sa batas? Bigas na nagkakahalaga ng P10 milyon, asukal, mais, karneng baboy, karneng manok at itlog, bawang, sibuyas, karot (carrot), isda at mga bulaklak at sangang gulay (cruciferous vegetables) na nagkakahalaga ng P1 milyon bawat isang produkto.
Ayon sa Sinag, mga P200 bilyon na halaga ng mga “smuggled” na produktong agrikultura ang pumasok sa bansa sa nakaraang limang taon. Ang halagang ito ay nagbigay ng kawalang kita ng gobyerno ng mga P60 bilyon o P80 bilyon kung ang taripa ay kukwentahin sa 30% o 40%, ayon sa pagkakasunod.
Ang pakikipaglaban sa “smuggling,” ayon pa rin sa Sinag, ay upang protektahan ang pangkabuhayan ng mga magsasaka na masyadong naaapektuhan lalo na’t ang industriyang pagsasaka ang pangunahing bumubuhay sa bansa. Maliban dito, ang mga produktong “smuggled” ay nagbibigay din ng risgo sa pangkalusugan dahil hindi sila dumadaan sa kwarintina at inspeksyon sa mga light as na pagkain.
Ang batas ay napapanahon sa pagpasok ng bagong pamahalaan ni nahalal na Pangulo Rodrigo “Digong” Duterte na nangakong susugpuin niya ang lahat ng uri ng kriminalidad sa bansa kasali na ang “smuggling.”
 Ito na nga kaya ang bagong umaga at pagbabago sa buhay ng ating mga magsasaka?
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Post election blues, Part 2  Dengue cases in Pangasinan up by 30%

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 654,942 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

June 2016
S M T W T F S
« May   Jul »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,348 other followers


%d bloggers like this: