EDITORIAL :  Mga pamana ni Kimi sa ika-5 distrito

May 25, 2016 at 8:56 am Leave a comment


Tapos na ang halalan noong Mayo 9. Tapos na dapat ang mga iringan ng mga pulitiko. Tapos na rin dapat ang pagbatikos at pagtagpi-tagpi ng mga kasinungalingan kontra sa mga tunay na nagbibigay ng serbisyo sa mga Pangasinenses.001
Sa nakaraang kampanya ng halalan, isa sa mga sentro ng batikos ay si Rep. Kimi S. Cojuangco sa dahilang nakalaban niya sa pagkakongresista si Gobernador Amado T. Espino Jr. Kaliwa’t kanan ang paninira sa kanya ng mga bayarang mamamahayag ni Espino na itong si Kimi ay wala raw nagawa sa Distrito. Mga batikos na walang katotohanan at katuturan.
 Sa anim na taon na panunungkulan ni Rep. Kimi sa ika-limang distrito na nagsimula noong Hunyo 30, 2010, hindi siya nagpabaya sa kanyang tungkulin. Ibinigay niya ang kanyang makakaya upang mapaunlad ang distrito bagamat ang “priority development assistance fund” o PDAF ay tinanggal ng Korte Suprema noong 2014 dahil hindi naaayon sa Saligang Batas.
Sa pagkawala ng PDAF, nakipag-ugnayan si Kimi sa mga ahensya ng pamahalaang nasyonal upang mapondohan ang kanyang mga proyekto sa distrito na binubuo ng walong bayan at isang siyudad – Sison, Pozorrubio, Laoac, Binalonan, Urdaneta City, Villasis, Sto. Tomas, Alcala at Bautista.

Sa mga naturang bayan at siyudad, ang mga proyekto ni Kimi ay binubuo ng mga paaralan, pagsagawa ng mga “flood control” at  mga dike, pagpapatapos sa mga nasimulang gymnasium gaya ng nasa Villanueva, Bautista. Mula 2015 hanggang sa ngayon, mahigit na P2.6 bilyon na kabuuang halaga ng mga proyekto ang kanyang naisagawa at nasimulan. (Ang mga larawan ng mga proyekto ay matutunghayan sa likod ng pahayagang ito.)
Ang mga proyektong iyan ay hindi ba binigyan pansin ng mga taga ika-limang distrito? Bakit mas binigyang pansin ng mga botante si Espino para sa kongreso na wala namang maipagmalaking proyektong nagawa sa distrito ng siya ay gobernador? Ano na ba ang pamantayan ng mga botante sa pagpili ng kanilang mga opisyales?
Nakakalungkot isipin na ang mga tao ay hindi na nakatuon sa kakayahan o “performance” ng isang opisyal kundi sa pansamantalang maibsan ang kanilang pangangailangan. Nakapanghihinayang na ang katulad ni Rep. Kimi ay matalo sa kanyang huling termino sa kamara dahil buo ang loob at sinsero ang paglilingkod niya sa mga taga sa ika-limang distrito. Walang bahid na katiwalian ang mai-uugnay sa kanyang panunungkulan. Siya rin ang opisyal sa pamahalaan na hindi naglalagay ng kanyang pangalan sa mga proyektong nagawa.
Maraming Pangasinenses ang napapailing sa kalakaran na ng pulitika. Mayroon ba tayong magagawa upang mabago ang kalakarang ito? Kailan, saan at kanino magsisimula? Tayo ay magmatyag.

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES:   Post election blues Quiambao: Fraud claims are ‘fabrications’ 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,302 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

May 2016
S M T W T F S
« Apr   Jun »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: