EDITORIAL:   Respetuhin ang desisyon ng taong-bayan

May 15, 2016 at 4:07 am Leave a comment


 
 
Tapos na ang halalan. Sa pamamagitan ng balota, nagsalita na ang taong-bayan. Ano pa man ang mga hindi kanais-nais na  dahilan kaakibat sa pagpili ng mga bagong lideres, ang mga ito ay wala ng katuturan. Salubungin na lang natin ang mga bagong itinalagang manunungkulan at ating ipagdasal na sana sila ay maging tapat sa kanilang mga susumpaang tungkulin sa Hunyo 30.001 (7)
 
Sa nakatapos na halalan lalo na sa lalawigan ng Pangasinan, naging masyadong masalimuot ang mga pangyayari. May mga bintangan ng malawakang pagbili ng mga boto, mga paninira sa mga personalidad sa pulitika at mga pagkawatakwatak at pagkakagalit ng mga pulitiko sa mga magkabilang panig- ang mga Cojuangco at Espino. Subalit ang mga ito ay bahagi na ng sistema sa pulitikang umiiral sa ayaw man natin o hindi. Ang mga kalakarang ito ay pinagdadaanan sa bawat halalan. Sabi nga nila, “Onli in da Pilipins.”
 
Medyo matagal maghilom ang mga sugat na dulot ng pulitika. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang mga sugat na ito ay maghihilom na kusa. Marahil, yong mga magkakatunggali ngayon ay sa ibang panahon ay muling magkakasama sa isa pang halalan. Walang permanenteng kaaway sa pulitika, ang mga interes lang ang palaging nangingibabaw.
 
Sa nakaraang halalan, ang patnugutan  pahayagang ito ay tumindig sa mga isyung kanyang pinaniniwalaan. Kami ay nanindigan ng lubos sa mga isyung inaakala namin ay nararapat lamang na iparating sa mga Pangasinense upang malaman nila ang mga tunay na mga nangyayari sa lalawigang Pangasinan.
 
Ang aming maipagmamalaki, hindi kami tumuntong sa mga personal na buhay ng mga pulitiko, kundi sa kanilang mga gawain na angkop sa kanilang mga tungkulin bilang mga opisyales ng pamahalaan. Mahirap din kung minsan gawin ang mga ito dahil nababahiran ng pulitika. Subalit sa larangan ng pamamahayag, kailangan ang tapang na magsiwalat ng katotohanan na bagamat masakit sa kinauukulan ay kailangang gawin upang ang mga tao ay maliwanagan.

 
Kami ba ay nagtagumpay sa larangang ito? Sa aming pakiwari ay hindi. Kahit anong impormasyon ang ibinigay sa mga tao, ang mga ito ay hindi binigyan ng pansin. Ang mga Pangasinense ay may kanya-kanyang paninindigan base sa kanilang pinaniniwalaan. Ang mga paniniwalang ito ay hindi kayang saklawan ni uman kahit pa sa larangan ng pamamahayag.
 
Marahil mayroon ding pagkukulang ang aming patnugutan. Ang mga pagkukulang na ito ay bukas naming tinatanggap. Dahil tapos na ang halalan, ang aming papel ay patuloy na magmamatyag sa mga gawain ng mga nanungkulan sa lalawigan at sa mga ibat-ibang bayan.
Sa lahat ng mga nagwagi sa nakaraang halalan, tanggapin ninyo ang taus-puso naming pagbati at sana’y patuloy ang pahayagang ito na katuwang ninyo sa makatwirang pamamahala sa kapakanan ng mga Pangasinense.

Entry filed under: News. Tags: .

  Nato Abrenica returns in Villasis   Mark C:  Election results are God’s will

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,547 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

May 2016
S M T W T F S
« Apr   Jun »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: