CORTEZ: Laswa pa more!

May 11, 2016 at 7:27 am Leave a comment


brando-maso
 
(This column was written before the May 8 elections) 
Naglabas ng comprehensive result ng survey na ginanap April 27 hanggang May 1 sa presidente ang Manila Standard at si Duterte at Poe ang top two.
 
Pinakamataas ang trust rating ni Poe sa 54% sumunod si Duterte 45%, Roxas 36%, Binay 30% at Santiago 30%
 
Pero sa presidential preference, si Duterte ay nakakuha ng 32% sinundan ni Poe 25%, Roxas 22%, Binay 15%, Santiago 2% at Undecided na 4%.
 
Sa presidential preference, lumalabas na si Poe ang gusto ng Luzon, si Roxas sa Visayas at si Duterte sa Mindanao.
 
Malaki ang bearing ng 4% na Undecided at baka ito ang maging sswing vote para manalo ang isang kandidato.
 
Sa NCR, si Poe ang una na may 32%, sumunod si Duterte na may 29%. Binay 17%, Roxas 12%, Santiago 4% at Undecided 7%.
 
Ang NCR ay may mahigit 6 million registered voters. Ang undecided na 7% ay katumbs ng 420,000 votes.
 
Sa North at Central Luzon ay si Poe ang first na may 31%, sunod si Binay 25%, Duterte 24%, Roxas 15%, Santiago 3% at Undecided ay 1% lang. mas maagang nakadesisyon ang mga taga NCL.
 
Sa Visayas ay si Roxas ang una na may 41%, sunod si Duterte 25%, Poe 20%, Binay 9%, Santiago 2% at Undecided na 4%.
 
Sa Mindanao ay si Duterte naman ang una na may 57% sunod si Roxas 17%, Poe 13%, Binay 10%, Santiago 1 % at Undecided na 2% pa.
 
Sa mga Catholic ay si Duterte ang una na may 31% sunod si Poe 26%, Roxas 22%, Binay 15%, Santiago 2 % at Undecided na may 4% pa.
 
Sa mga Iglesia ni Cristo ay si Poe ang first na may 32% sunod si Duterte 29%, Roxas 18%, Binay 13%, Santiago 0% at Undecided 8% pa. eto yung naghihintay lang kung ano ang sasabihin ng INC.
 
Sa Born Again ay si Duterte ang una na may 41%, sunod si Poe 20%, Binay 19%, Roxas 15%, Santiago 5% at zero na Undecided.
 
Sa Muslim ay si Duterte ang una na may 53% sunod si Binay 19%, Roxas 16%, Poe 10%, Santiago 2% at walang Undecided.
 
Sinasabi din sa survey na 87% ay hindi na magbabago ang kanilang iboboto.
 
Sa Duterte ay 90% na ang sure, Poe 84%, Roxas 90%, Binay 84% at Santiago 76%.
 
Sa ibang punto de vista, may 10% pa sa Duterte voters ang magbabago ng kandidato, 16 percent ng boboto kay Poe ay maaaring magbago, 10% ng boboto kay Roxas ay lilipat ng kandidato, 16% ng boto no BInay ay mapupunta sa iba at 24% ay mapupunta din sa iba.
 
Kung ano man ang naging resulta ng eleksyon makikita kung malapit ba sa katotohanan ang surveys.
 
Tapos na po ang  elections. Iyong magkakasama sa isang partido ngayon… ang magiging magkakalaban sa 2019 elections. Iyong mga magkakalaban ngayon ang magiging magkasama sa 2019 elections.
 
Pumalpak na naman ang Department of Agriculture nang sabihin nila na ang sakuna ng El Nino  sa agrikultura ay umabot na sa P7.013 billion mula January hanggang May 3, 2016.
 
Ang kapalpakan ba ng DA ang magiging dahilan upang magdagdag ng importasyon ng bigas, mais at iba pang produkto mula sa bukid.
 
Ang mga pinaka-apektadong produkto ay bigas sa halagang P3.489 billion na itinanim sa 117,790 hectares.
 
Sumunod ang mais sa halagang P2.606 billion na dapat aanihin sa 91,858 hectares.
 
Kasama na rin sa mga apektado ng El Niño ang mga high value crops tulad ng coffee, cacao, rubber, banana, at onion sa halagang  P2.475 billion na itinanim sa 19,109 hectares.
 
Alam niyo po ba na matagal nang alam ng DA na mananalasa ang El Niño sa Pilipinas?
 
2014 pa lang ay gumawa ng ng interventions, strategies at activities as early as 2014 para hindi masyadong maapektuhan ang mga magsasaka.
 
Pero nangyari na nga ang sakuna ng El Niño. At ngayon ang ginagawa nila ay cloud seeding. Hahaha.
 
Cloud seeding eh wala naman clouds. Ang cloud seeding po ay pagtatanim ng asinsa sa mga ulap para umulan.
 
Ngayon sila nag-aatubili mag-cloud seeding. Ngek!
 
Kung inayos nila ang irrigation systems… ibig sabihin iyong water impounding dams at irrigation canals na dapat ginawa e di sana may patubig sa mga bukid.
 
Nag-under spending na nga sa agrikultura. Ayaw pang gastusin nang i-release ang pondo para sa irigasyon.
 
Ngayon sa langit nakatingala ang lahat. Nganga. Hahaha!
 
Alam niyo po na nagbudget ng P5.08 billion for El Niño mitigation ang gobyerno? Ang laki hindi po ba?
 
Ilang kaban ng bigas ba ang katumbas ng P5.08 billion?
 
KAIN TAYO NG LASWA. Isang masarap na ulam ang laswa. Ito po ang isang pagkakataon na hindi masama ang laswa. Nutritious po ang pagkain ng laswa.
 
Ang laswa ay pagkain na mula sa Negros katulad ng dinengdeng na mula sa Ilocos na katulad din ng bulanglang na mula sa Katagalugan.
 
Iba’t-ibang gulay ang sangkap. May sabaw at puedeng lagyan ng hipon o kaya naman ay isda.
 
Healthy ang gulay, healthy ang isda, huwag lang masyadong maalat… hindi na healthy yun.
 
Example lang ng mga sangakap ang mag sumusunod: inihaw na bangus o tilapia, dahon ng malunggay o dahon ng alugbati o dahon ng saluyot, bulaklak ng kalabasa, okra, string beans, ampalaya, bagoong o asin at paminta, luya, kamatis, sibuyas at tubig.
 
Magpakulo ng tubig tapos idagdag ang luya, sibuyas at kamatis hanggang maluto. Ilagay ang hipon.
 
Ihalo ang okra at string beans.  Haluin at idagdag ang ampalaya. Hintayin maluto ang mga sangakap.
 
Idagdag ang bulaklak ng kalabasa at dahon ng malunggay. Hintayin maluto.
 
Dagdagan ng asin at paminta. Hayaan humalo ang lasa.
 
Ihain. Tawagin ang kapamilya at kapitbahay dahil naamoy na nila ang ulam niyo. Enjoy.
 

Entry filed under: News. Tags: .

412 applicants hired on-the-spot in Region I’s Labor Day job fairs DPWH improves road access to tourism sites in Pangasinan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,302 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

May 2016
S M T W T F S
« Apr   Jun »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: