EDITORIAL: Kinondena ni Poe ang pag-alipusta ni Duterte sa hinalay na Australyana

April 26, 2016 at 8:29 pm Leave a comment


 001 (1)
Isang pagyurak sa karangalan ng mga kababaihan ang pahayag ni dating Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte, tumatakbong pangulo sa pagka-pangulo sa ilalim ng PDP-Laban, noong nagpahayag siya kamakailan na dapat siya ang naunang humalay sa isang misyonaryang Australyana noong nagkaroon ng ‘riot’ sa loob ng piitan sa Davao Penal Colony (Dapecol) noong 1989.
Ang tinurang iyon ni Duterte ay naghudyat ng pagkabalisa ng mga grupo ng kababaihan gaya ng Gabriela at ang mga makakalaban nito sa panguluhan na sina Mar Roxas ng Liberal Party, Bise Presidente Jejomar Binay ng United Nationalist Alliance (UNA) at ang kandidato ng independente na si Sen. Grace Poe at mismo ng Embahada ng Australya at America.
 Sa kanila, hindi katanggap-tanggap ang tinuran ni Duterte dahil bilang  kandidato para sa pinakamataas na posisyon sa bansa ay dapat na sensitibo siya sa mga damdamin ng mga tao lalo na ang mga kababaihan.
 Sa pagkondena kay Duterte, ito ang sabi ni Sen. Poe: “Bilang isang babae, nagagalit ako sa pahayag ni Mayor Duterte tungkol sa Australyanang biktima ng “rape” sa Davao.
 Ito ay magaspang at hindi katanggap-tanggap, at nagpapakita ng kanyang kawalan ng paggalang sa kababaihan. Ang “rape” ay isang krimen at walang nakakatawa rito. Dapat tayong mapoot sa lahat ng pang-aabuso sa kababaihan.
 Dapat paalalahanan si Mayor Duterte na kailangang tratuhin nang may respeto at dignidad ang kababaihan, kalalakihan, at LGBT sa lahat ng oras.”

 Bakit nga ba ganoon ang asal ni Duterte? Mukhang ibinababa niya ang antas ng kanyang pagkatao na isa pa namang “honorable”? Di hamak na mas mataas ang panguluhan na kung siya ay palarin ay lalong magiging katawatawa ang bansang Pilipinas hindi lang sa mga mamamayan kundi pati sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan.
Malalim kung anong asal mayroon si Duterte. Dahil siguro sa tingin niya na ang mga binibitiwan niyang mga salita ay pinapalakpakan ng kanyang mga taga-suporta, ang mga ito ay katanggap-tanggap. Ang mahirap pa dito ay ayaw niyang humingi man lang ng tawad at ipinaggigiitan ang ganoong asal. Ayon kay Duterte, hindi siya maaaring pagsabihan kung ano ang mga dapat niyang sabihin at asalin dahil ganoon siya nilalang ng Diyos. Hindi makatwiran ang kanyang mga dahilan. Nakakatakot siyang maging halimbawa ng mga kabataan.
Ganito ba ang klase ng kandidato na dapat nating iluklok bilang pangulo ng ating bansa? Ang isang pangulo ay dapat may respeto sa lahat ng klase ng tao, isang karesperespeto, may pananalig sa Maykapal at higit sa lahat isusulong niya ang kapakanan ng mga Filipino.
Ang mga katangiang ito ay nasa kay Sen. Grace Poe at wala ni isa man kay Digong Duterte. Dapat magising tayo sa mga katotohanan.

Entry filed under: News. Tags: .

CORTEZ: Chiz: Ang tama at tama, ang mali ay mali MAGANES: ‘Mark and Mark’ is it!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,558 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

April 2016
S M T W T F S
« Mar   May »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: