CORTEZ:   Grace Poe: Di pwedeng gantihan lamang

April 26, 2016 at 7:32 pm Leave a comment


brando-maso
Itinataguyod ng Gobyernong may Puso president Grace Poe ang kanyang pagiging ina nang ilabas niya ang kanyang saloobin sa krimen.
 
“Mga kababayan, hindi puwedeng basta gantihan na lamang. Hindi puwedeng basta napagsuspetsahan ay ililigpit na lamang. Hindi puwedeng karahasan ang sagot sa lahat, katarungan ang mas hinahanap natin,” sabi ni Poe.
 
Ang Pilipino ay may dignidad, magalang, maka-Diyos at mapagmahal sa kapwa.
 
“Huwag po nating payagan na bastusin ang dignidad ng Pilipino sapagkat ang Pilipino ay natural na magalang, dahil ang Pilipino ay natural na nananalig sa Diyos, dahil ang Pilipino ay natural na nagmamahal sa kapwa,” sabi ni Poe.
 
Ang pagiging presidente ay pang buong bansa. Hindi ka magiging presidente lang para sa Mindanao. Hindi ka magiging presidente lang para sa Visayas. Hindi ka magiging presidente lang para sa Luzon. Magiging presidente ka para sa buong Pilipinas.
 
“Pero higit sa lahat, ang nais kong sabihin sa inyo ay ito: alam ko na meron akong katunggali dito sa Mindanao. Pero mga kababayan, hindi ka kailangan ipinanganak sa Mindanao at hindi ka kailangan nakatira sa Mindanao para mahalin ang ating mga kababayan na taga-Mindanao,” sabi ni Poe.
 
Dahil nasa Mindanao si Senadora Grace Poe, inalala niya nag mga pelikulang ginawa ng kanyang tatay na si FPJ na ang topic ay mga taga-Mindanao. Ang mga pelikulang ito ay naikuwento sa kanya ni FPJ.
 
“Ako po ay lumaki na pinalaki ni FPJ. Siya po, habang ako’y lumalaki, ay nagbigay sa akin ng inspirasyon. At kung ‘yung ibang bata ay binabasahan ng istorya bago matulog, ang aking ama ay nagkukuwento ng mga pelikulang gagawin niya. Kaya bata pa lang ako, naririnig ko na ang kuwento ng mga pelikula ni FPJ, katulad ng Muslim Magnum 357, Kahit Butas ng Karayom, Papasukin Ko, Zamboanga na ginawa ng kanyang ama, at Perlas ng Silangan na ginawa ng aking mga magulang,” sabi ni Poe.

 
Ang pelikulang Muslim Magnum 357 ay tungkol kay Lt. Jamal (FPJ) na isang Muslim undercover police officer. Pinadala siya sa Maynila para masawata ang tumataas na krimen doon.
 
Nagsimula siya bilang bodyguard ng isang police major pero napatay ito ng sindikato. Hindi naglaon ay napatay din ni FPJ ang mga salarin.
 
Nalaman ng sindikato na si FPJ ay isang police kaya pinagtangkaan ang kanyang buhay. Pinauuwi na si FPJ sa Mindanao ng kanyang superior officer pero nanatili siya sa Manila.
 
Dahil hindi nila mapatay si FPJ, ang dalawang batang alalay ni FPJ ang pinatay ng sindikato.
 
Nagalit si FPJ, ipininaghiganti niya ang kamatayan ng dalawang bata at nalaman niya sa dulo na isang mataas na police officer din lang ang supporter ng sindikato.
 
Sa pelikulang Kahit Butas ng Karayom Papasukin Ko, si FPJ ay isang junior military officer na may nakabanggang mataas na tao sa Maynila kaya ipinadala siya sa Zamboanga.
 
Napasama siya sa isang unit na hindi iginagalang ng komunidad dahil maraming kalokohan itong ginagawa sa kanila.
 
Masama ang image ng military unit na napuntahan ni FPJ. Unti-unti niyang binago ang image ng military unit hanggang magkaroon ito ng magandang relasyon sa komunidad.
 
Sa pelikulang Zamboanga naman ay magkasintahan sina FPJ at Susan Roces.

 
Isang fisherman sa Zamboanga si FPJ at isang anak naman ng Datu si Susan Roces na malapit na silang ikasal.
 
Isang hadji ang na-inlove kay Susan Roces at  sa tulong ng isang Amerikano ay kinidnap si Susan Roces.
 
Napatay ni FPJ and hadji at nabawi niya si Susan Roces. Tuloy ang kasal.
 
COINCIDENCE O SINADYA? Coincidence ba o sinadya ang brownout sa ilang bayan sa Pangasinan noong April 17?
 
Sabi ng isang tricycle driver sa Rosales, “Coincidence na sinadya pa!”
 
Niloloko tayong mga taga-Pangasinan sa scheduling ng brownout ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
 
May mga nagtatanong kung bakit may brownout sa mga bayan na nasa vicinity ng SM Rosales nitong April 17 Sunday. Eh normally naman weekdays ang mga maintenance services ng NGCP!
 
Hindi po kasalanan ng Panelco ang Brownout. NGCP po ang may power kung may brownout o wala sa lugar natin.
 
Maraming advertisements na may Sale sa SM ng April 15, 16 at 17. Sinasadya kaya na last day ng sale ng SM City Rosales ay April 17 na Sunday din?
 
Ang SM ay pag-aari ni Henry Sy. Ano naman ang relasyo ni Henry Sy o ng SM sa NGCP?
 
Sagutin ko na po kayo. Totoo na ang NGCP ay may relasyon sa SM. May investment ba si Henry Sy sa NGCP? Meron!
 
Paano nangyari na ang isang retail giant tulad ng SM ay napasok sa power industry?
 
Nagsimula po ang lahat ng ibinenta ng gobyerno ang 25-year license to operate and manage ang National Tansmission Corporation (TransCo) na nasa National Power Corporation sa isang entity na ang name ay National Grid Corporation of the Philippines.
 
Ang NGCP noon ay binubuo ng State Grid Corporation (40%), Monte Oro Grid Resources Corporation (30%) at Calaca High Power (30%). O di ba 100% ang total?
 
Binili ni Henry Sy ang 30% ng Monte Oro Grid Resources Corporation na part owner ng NGCP sa halagang $590 Million.
 
Ang ginamit ni Henry Sy ng SM na bumili ng shares ng Monte Oro Grid Resources Corporation ay ang kanyang OneTaipan Holdings na subsidiary ng SM.
 
Ohaaa! Nakita niyo na ang relasyon ng brownout sa sale ng SM.
 
Dahil brownout at payday nung April 15, ang mga tao na malapit sa SM ay punta agad sa doon.
 
Mas malamig kasi doon. At dahil sale… bibili ang mga bagong sahod! Parang mga daga na pinalabas sa lungga para pagsamantalahan.
 
Ayon sa isang nakausap ko ito daw ay isang pagsasamantala sa negosyo. Papatayan mo ng kuryente ang mga bahay ng tao sa oras na mainit ang panahon para sila ay pumunta sa SM.
 
Niloloko tayo ng SM at NGCP! Puede naman magbrownout sa panahon na walang sale ang SM.
 
Sa SM City Rosales lang kaya nangyayari ang pagkakasabay ng brownouts scheduling ng NGCP at schedule ng sale ng SM?
 
Paano kung national sales and marketing strategy pala ng NGCP at SM ang scheduling brownout?
 
Kailangan na bang magkaroon investigation sa congress or sa senate? Sino naman congressman o senator ang may lakas loob na mag-imbestiga sa mga corporation ni Henry Sy?
 
Advertisements

Entry filed under: News.

 Pangasinan DRRMC alerts beach goers against rip current   Muslim communities in Pangasinan throw support to Cojuangco

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 634,340 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

April 2016
S M T W T F S
« Mar   May »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,342 other followers


%d bloggers like this: