CORTEZ: Chiz: Ang tama at tama, ang mali ay mali

April 26, 2016 at 8:14 pm Leave a comment


 brando-maso
Handa raw makipagbugbugan si Senator Grace Poe sa mga masasamang loob kung kinakailangan, maprotektahan lamang ang mga kababayan niya.
 
Bilang isang taekwondo black belter ang anak nina FPJ at Susan Roces ay may disiplina sa sirili.
 
“Tahimik lang si Papa (FPJ) pero matapang ‘yon, at sinasabi niya sa akin, kailangan huwag kang susuko kung tama ang ipinaglalaban mo.
 
May tamang panahon para ipakita ang tapang.
 
“Maging matapang ka pero huwag kang mayabang dahil ang tapang naman talaga ay hindi idinadaan sa pagyayabang o pagsasabi na matapang ka,” sabi ni senadora Grace.
 
Huwag  husgahan sa panlabas na anyo.
 
“Hindi lang ako mukhang masyadong brusko pero, huwag ninyong kalilimutan na ang nagpalaki sa akin ay si FPJ,” sabi ni Senadora Grace.
 
Iba ang babae. Naka-smile pag binigyan mo ng bulaklak. Mukhang malabot pero matibay.
 
“Ang mga kababaihan, mapagpasensya, malam­bing at madasalin pero kapag may ginawa kang masama, ang mga babae hindi rin umaatras, hindi ba? Ang mga babae, para sa kanyang mga mahal, gagawin ang lahat para masigurado na ang kanyang pamilya at mahal sa buhay ay ligtas,” sabi ni senadora Grace,
 
TAPUSIN MO MUNA SMUGGLING SA DAVAO. Hinamon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sugpuin muna ang  smuggling sa kanyang pinaghaharian bago umano nito ipagyabang na kaya niyang lutasin ang krimen sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan sakaling manalo siyang Presidente.
 
Sinabi ni Sinag president Rosendo So mabibigo si Duterte na tuparin ang kanyang pangako na burahin ang krimen dahil ang kanya mismong chief political strategist na si Lito Banayo ay nasangkot sa rice smuggling.
 
Nauna ng sinabi ni mayor na papatayin niya ang smuggler ng bigas sa Davao.
 
Ipinalala ni Bos Rosendo na may rekomendasyong sampahan ng paglabag sa Republic Act 3109 o anti-graft and corrupt practices si Banayo na dating hepe ng National Food Authority batay na rin sa 43-page committee report ng Senado noong 15th Congress.
 
Sa report ng komite, isang big-time rice cartel ang malayang nakapag-operate sa bansa sa ilalim umano ng pamumuno ni Banayo.
 
Bakit nasa kampanya ni mayor ang isang diumano ay akusadong sangkot sa smuggling kung gusto niyang tapusin ang krimen?
 
Sa nasabing Senate probe, lumutang din ang pangalan ng umano’y rice smuggling king na si Davidson Bangayan, alias David Tan.
 
Madalas sa Davao City si Davidson Bangayan na umano ay pangunahing bene­ficiary ng mga import permits mula sa NFA na noon ay hawak ni Banayo.
 
PAYO SA PUSO NI MADAM GRACE. Minsan din nainterview si presidente Grace Poe sa isang sikat na programa sa radio. Ang programa ni Papa Jack na nagbibigay ng something para sa mga may suliranin sa puso.
 
Maraming programa sa radio ngayon mula sa AM band hanggang sa FM band ang may portion tungkol sa isyu ng puso.
 
Huwag susuko. Makakatagpo ka rin ng magmamahal sa iyo.
 
“Sa aking mga kababayan na may problema sa pag-ibig, nais kong sabihin sa inyo na makakatagpo rin kayo nang mamahalin kayo. Huwag kayong susuko…” sabi ni presidente Grace Poe.
 
Hindi mo matagpuan dahil sa tagal ng traffic! Hahaha! Mag-kotse ka. Mag-taxi ka. Mag-bus ka. Mag-tren ka. Padaluyin ang traffic para matagpuan ang magmamahal sa iyo.
 
 “At isa pa, kung hindi man kayo magkatagpo sa sobrang traffic e asahan po ninyo gagawin ko ang lahat para bumilis ang daloy ng trapiko at mahanap na ninyo ang inyong soulmate. Hindi, loko lang.” sabi ni presidente Grace Poe.

 
Ohaaa! Kumusta na po kay Rosales Councilor Romy Sim ng Friends of Grace Poe. Marami na palang members ang grupo niyo diyan.
 
BAWAS BUWIS SA GOBYERNONG MAY PUSO. Magkakaroon ng dagdag na panggastos ang mga ordinaryong manggagawa kapag ipinatupad ni presidente Grace Poe ang programang bawasan angb buwis.
 Ang mga teacher na sumasahod ng P18,000 monthly ay nagbabayad ng buwis na P26,000 sa isang taon.
 
Sabi ni presidente Grace Poe na kapag na-exempt sa buwis ang teacher na sumasahod ng P18,000 a month ay magkakaroon ng dagdag na 26,000 na pangastos.
 
Yun dating ibinabayad niya sa BIR ay maibibili niya ng dagdag na bigas, asukal, gulay, pagkain.
 
Ang ibinayad niya sa mga tinder at tinder ay mag-aangat din sa mga magsasaka. Ang mga magsasaka ay kikita.
 
Gagastos ang mga magsasaka. Iikot ang pera. Paikot ang ekonomiya. Madadagdagan ang trabaho. Madadagdagan ang production. Madadagdagan ang mga nakangiti. Tama po ba Mayor Heidee Chua ng Asingan?
 
Tamang assessment ang ipapatupad ng BIR. Tamang collection ang kukunin ng BIR sa mga negosyante at iba pang kumikita ng malaki.
 
Stop na ang hatian sa BIR. Assess ng P100,000 na payable pero pababayaran lang ng P50,000. Iyong natipid na P50,000 hihingi ng cut ang taga-BIR! Stop na iyan sa Gobyernong may Puso.
 
Alam niyo po ba na mismong mga acoountants na naliligaw ng landas ay hindi pala nagbabayad ng buwis! Hahaha.
 
Former mayor John Arcinue ng Sual, kumusta na po diyan? Marami na bang Friends of Grace Poe sa Sual?
 
“So, isa ‘yon, dapat magkaroon muna ng pagbabago sa BIR. Dapat talagang mapapagkatiwalaan ang mga naroon bago tayo gumawa ng mga hakbang na parusahan ‘yung ating mga kababayan.” Sabi ni presidente Grace Poe.
 
HANGGANG NINONG AT NINANG LANG.Nanindigan si Sen. Francis “Chiz” Escudero na ang kanyang pagiging malapit sa malalaking negosyante ay hindi kailanman naging balakid sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang lingkod-bayan, habang iginiit nyang wala syang pinagkakautangan ng loob maliban sa taumbayan.
 
Example ni Gobyernong may Puso vice President Chiz ang kaso ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na sa kabila ng pagiging ninang niya sa kasal ay pinangunahan niya ang impeachment case laban dito nang siya pa ay pinuno ng minorya sa House of Representatives.
 
“Ninang ko sa kasal noon si GMA. In-impeach ko sya nang tatlong beses dahil ‘yun ang panawagan ng pagkakataon at ebidensya. Ang ilang mga ninong ko rin, nagawan ko na rin ng desisyon at pasya kung saan iisa ang batayang sinunod ko: ang tama ay tama, ang mali ay mali,” sagot ni Escudero sa isang katanungan sa ginanap na “Harapan ng Bise: The Vice-Presidential Debate” ng ABS-CBN.
 
Advertisements

Entry filed under: News.

Envoy hits Gov’s ‘ape-faced ole’ man’ call  EDITORIAL: Kinondena ni Poe ang pag-alipusta ni Duterte sa hinalay na Australyana

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 665,132 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

April 2016
S M T W T F S
« Mar   May »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,352 other followers


%d bloggers like this: