EDITORIAL: Tinangal ng Korte Suprema ang mga tinik sa daan ni Poe

April 16, 2016 at 9:47 pm Leave a comment


 
 
Wala ng balakid. Wala ng kokontra.
Ito ngayon ang kalagayan ng pagtakbo ni Senadora Grace Poe sa pagka-pangulo matapos ibinasura na ng tuluyan ng Korte Suprema ang mga disqualification cases na inihain laban sa kaniya.
Matatandaan na mahigit na anim na buwan na ang mga nasabing kaso ay nabinbin kaya nagkaruon ng haka-haka kung siya nga ay kasali pa sa kakandidato sa pagkapangulo.
 
Apat na mga tao ang nagsampa ng kasong idiskwalipay siya sa Commission on Election (Comelec) noong Oktubre 2015 pagkatapos na naghain siya ng kandidatura bilang Pangulo. Ang mga isyu na ibinato sa kanya ay iyong hindi siya “natural-born” Filipino” at kulang sa sampung taon ang  pananatili niya sa Pilipinas. Ang mga ito, ayon sa mga naghain ng kaso, ay maling representasyon sa kaniyang ” Certificate of Candidacy”(COC).

 
Sa Comelec, dalawang dibisyon and duminig sa mga kaso. Parehong ibinasura ang COC ni Senadora Poe hanggang umabot sa Comelec en banc na ganoon din ang pasya noong Disyembre 21, 2015. Agad-agarang inilabas ang desisyon na parang sinasadya dahil gahol na sa oras upang makukuha ng ” temporary restraining order” (TRO) sa Korte Suprema dahil papalapit na noon ang bakasyon sa kapaskuhan. Subalit naihabol ng mga abogado ni Senadora Poe ang mosyon para sa TRO at inilabas ito ni Chief Justice Maria Lourdes Sereño.
 
Dininig ng Korte Suprema mula Enero hanggang Pebrero sa taong ito ang petisyon ni Senadora Poe na ipawalang bisa ang desisyon ng Comelec dahil sa “grave abuse of discretion.”
Noong Marso 8, inilabas ng Korte Suprema ang desisyon na nagdeklara kay Senadora Poe na siya ay kwalipikado na tatakbo sa pagka-Pangulo sa botong 9-6 ng mga mahistrado- siyam ang pabor sa kanyang petisyon at anim naman ang kumontra. Sinabi ng Korte Suprema na si Senadora Grace Poe ay “natural-born Filipino citizen” at may sapat na sampung taong paninirahan sa Pilipinas.
 
Hindi pa nasiyahan ang Comelec at mga naghain ng kasong diskwalipikasyon sa kanya. Muling naghain sila ng mosyon para irekonsidera ng Korte Suprema ang naging desisyon nito. Noong Abril 9, inilabas na ng Korte Suprema ang pinal niyang desisyon. Tuluyan ng ibinasura ang lahat ng mga mosyon para baguhin ang desisyon nito. Ang desisyon noong Marso 8 ay muling kinatigan at pinagbawalan na kung ano pa mang hakbangin upang salungatin ito.
 
Nanaig ang hustisya sa panig ni Senadora Poe. At sa kanyang panig, matiwasay niyang hinintay ang pag-usad ng hustisya. Nirespeto niya ang panig ng hudikatura dahil sa kanyang pananalig sa kakayahan at pagka-independente nito bilang hiwalay na sangay ng pamahalaan. Ang hustisyang nakamit ni Senadora Poe ay hustisya para sa sambayanang Filipino.
 
Muli, samahan natin si Senadora Poe sa kanyang paglalakbay sa pagka-Pangulo na walang balakid at para sa bagong umagang parating sa bansang Pilipinas.
 
 

Entry filed under: News. Tags: .

Sual builds municipal wharf, asks Poe to build international seaport MAGANES: Grace Poe – A Filipino, a leader and the next President of the Philippines

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,547 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

April 2016
S M T W T F S
« Mar   May »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: