EDITORIAL:Mas Maunlad na Pangasinan Nina Cojuangco at Macanlalay

April 11, 2016 at 9:29 am Leave a comment


Isang bagong umaga ang naghihintay sa mga Pangasinenses. Sa papalapit na halalan sa Mayo 9, bagong pag-asa at kinabukasan ang nababanaag sa pagsibol ng dalawang mamumuno sa Pangasinan. Ito ay sa katauhan nina Mark O. Cojuangco para Gobernador at Mark Roy Q. Macanlalay para Bise Gobernador.001 (4)
Ang dalawang  nasabing lider ay may dalang plataporma na magbabago sa kaayusan ng Pangasinan na taliwas sa nangyayari ngayon sa ilalim ng administrasyon ni Gobernador Amado T. Espino Jr.
Ang mga pagbabagong ito ay nakatuon sa: agrikultura na kung saan ang mga magsasaka at mangingisda ay bibigyan ng mga pangunahing pansin. Ito ay gaya ng pagbibigay ng sapat na badyet para mapaunlad ang kanilang pamumuhay- sapat na tulong sa mga “farm inputs”, pang- moderno ng mga makinaryang pang-agrikultura at patubig o irigasyon.
Sa kalusugan, ang tagumpay ng Medikalinga sa Pangasinan ay ipagpapatuloy sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa pag-oopera ng mga bukol at ibang mga sakit, pagdudulot ng mga pangunahing pangangailangan sa kalusugan lalo na sa mga “senior citizens” sa pamamagitan ng mga Barangay Health Workers (BHWs) at pagbibigay ng sapat na serbisyo at gamot sa mga pampublikong ospital.
Sa larangan ng edukasyon, ang mga pampublikong guro ay isasailalim sa sapat na pagsasanay o kaya ay magkakaroon sila ng “masters at doctoral degree” na libre sa mga magagaling na pamantasan gaya ng University of the Philippines (UP), De La Salle University (DLSU) at Ateneo de Manila University (AdMU). Kalakip dito ay ang pagbibigay ng sapat na silid paaralan at mga pangunahing pangangailangan ng mga guro.

Maliban sa mga nabanggit, ang tambalang  Cojuangco at Macanlalay ay gagawa rin ng mga proyekto at programa sa larangan ng turismo na ang layunin ay bigyan ng sapat na pondo ang pagpapaunlad ng mga pangturistang destinasyon  sa Pangasinan at ayusin ang iba pa. Sa imprastraktura, ang mga kalsadang pambarangay ay ayusin sa sapat na sukat at ikonkreto para hindi na kailangang ikumpuni kada-taon na kung saan mas malaking pondo ang napupunta dito.
Sa larangan ng enerhiya, ang alternatibong paraan para mapababa ang gastusin at makahikayat ng mga mamumuhunan ng mga negosyo (investors) ay isusulong. Hindi hayagan ang pagsusulong ni Cojuangco sa “enerhiyang nukleyar” kundi ang magsusulong ng murang pagmumulan ng enerhiya.
Sabi ng kanilang mga kritiko, hindi magagawa ni Cojuangco at Macanlalay ang mga nakapaloob sa kanilang mga plataporma at adbokasya. Ngunit ang tugon ni Cojuangco ay ito: Kung bilang isang kongresista ay marami siyang nagawang proyekto sa ikalimang Distrito na kulang siya ng mga tauhan at limitadong pondo, mas marami siyang magagawa bilang Gobernador dahil may sapat na pondo at empleyado na maaari niyang gamitin para uusad ang kanyang mga plano para sa Pangasinan.
Sa kasalukuyang administrasyon ni Espino, maliwanag na walang tamang aproprasyon o badyet para sa mga pangunahing pangangailangan ng mga Pangasinense. Mas binibigyan ng tuon ang “public affairs” na may badyet na P50.40 milyon noong 2015 kontra sa P5 milyon para sa pagpapaunlad ng sakahan at pangingisda o agrikultura, taunang pag-aspalto sa mga panlalawigang kalsada imbes na ikonkreto ang mga ito. Marami pang programa para sa “Mas Maunlad” na Pangasinan ang gustong isulong ng tambalang Cojuangco at Macanlalay.
 “Nasa tamang paggamit lamang ng pondo at prayoridad sa mga programa at proyekto para maging mas maunlad ang Pangasinan,” sabi ni Cojuangco. At kami ay naniniwala sa kanya at sa kanyang kakayahan.
Advertisements

Entry filed under: News.

AIRPORT MAGANES: Mark Cojuangco is a true blooded Pangasinense

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 634,340 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

April 2016
S M T W T F S
« Mar   May »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,342 other followers


%d bloggers like this: