CORTEZ: Bakit nangyari ang Kidapawan Massacre?

April 11, 2016 at 8:56 am Leave a comment


brando-maso
Bago ang lahat, tuloy na tuloy na ang kandidatura ni senadora Grace Poe for president sa pinakahuling decision ng Supreme Court.
 
Bago ang lahat, tuloy na tuloy din ang pag-top ni Senadora Grace Poe sa mga survey for President na isinasagawa regularly ng malalaking polling firms.
 
Ang pagtama ng El Niño sa ilang panig ng ating bansa ay alam na alam ng ating gobyerno, naghanda sila ng programa, nag-implement ng programa. Pero hindi naging sapat. Kaya nangyari ang Kidapawan massacre.
 
Hindi isyu kung sino ang nagsimula ng sakitan, batuhan, barilan at bombahan ng tubig sa apat na araw ng protesta.
 
Ang isang isyu ay may nasaktan sa magkabilang panig at may namatay pa!
 
Ang isa pang isyu ay ang kahandaan ng gobyernyong national at local sa pagharap sa kalamidad na dulot ng climate change, na sa usapin ngayon ay El Niño.
 
Inihanda din ba ng gobyerno ang mga magsasaka mismo sa pagharap sa El Niño? Hindi!
 
Oo nga at naghanda ang Department of Agruiculture ng P900 million para sa programang ihaharap sa pananalasa ng El Niño sa mga sakahan sa Mindanao.
 
Pero ano ang nangyari? Namudmod ng farm equipment at mga checke sa mga magsasaka kasama ang kandidatong nakadilaw o kaya naman ay asawa ng kandidatong nakadilaw.
 
Nangyari din ito sa Umingan, Pangasinan. Nagbigay ang DA ng farm equipments, kalabaw at iba pa kasama ang gobernador at asawa ng kandidatong dilaw.
 
Alam niyo po bang may P39 billion Calamity Fund ang Department of Agriculture?
 
Kahit na monthly ang kalamidad… may around one billion calamity fund na available!
 
At alam niyo bang may P6.7 billion quick reponse fund ang Department of Agriculture?
 
Bilyon-bilyon para sa kalamidad tulad ng bagyo, El Niño, La Niña at iba pa pero ano ang naging resulta?
 
Eto pa ang isang nangyari…dahil daw sa El Niño ay kailangan ng bansa na mag-import ng bigas at iba pang agricultural products. Ngek!

 
Hahaha! Dahil sa kapalpakan ng gobyernong gastusin ang budget para tumaas ang production ng agrikultura ay importation ang isasagot sa mababang ani dahil sa sakuna.
 
Rosales Councilor Romy Sim ng Friends of Grace Poe, open support na daw ang mga leader diyan sa 6th district ng Pangasinan para sa president ng Gobyernong may Puso na si Grace Poe! Yehey!
 
Sa Kidapawan City na nakapaloob sa North Cotabato ay January 21, 2016 pa naideklara ang state of calamity.
 
Para sa mga hindi nakakaalam, kailangan ang declaration ng state of calamity para may rason na gastusin ang calamity fund.
 
Nagdeklara sila ng state of calamity dahil nanalasa na ang El Niño. Ramdam na ng magsasaka ang pinsala. Nakita na rin ng provincial government ang pinsala. Nakarating na sa Department of Agriculture ang pinsala.
 
Umaksyon ang probinsiya. Umaksyon ang DA. Walang nangyari. Gutom ang kinahinatnan ng mga magsasaka. Nagprotesta. Nakipag-usap. Nagdasal. Nakipag-usap. Nagprotesta. Kinanyon ng tubig, pinalo, binaril. Sinampahan ng kaso.
 
January 21 nag-declare ng sate of calamity, may P6.7 billion quick response fund. Pero. Slow response ang nangyari.
 
May ililibing dahil tinamaan ng bala.
 
May ililibing dahil walang bigas.
 
Sa kaso ng North Cotabato…ano po ba ang naging aksyon nila? Successful po ba sila? Ang sagot ay isang malaking NO!
 
April na ngayon… January ang state of calamity… mabagal ang kilos sa Daang Matuwid.  Itutuloy ba natin ang mabagal na response sa isa at iba pang kalamidad? Hindi na oy! Sa Gobyernong may Puso bibilis ang kilos ng serbisyo sa bayan.
 
Nandiyan na ang dulot ng sakuna. Ang panawagan ng Sinag sa gobyerno ay isang programang kumpleto ang suporta sa farmers na tinamaan ng El Niño.
 
Dahil tag-araw na, hindi ka na puedeng mag-replant ng palay lalo na sa mga lugar na walang irrigation.
 
Sison town vice mayor Ben Mariñas, kumusta na ang Friends of Grace Poe sa 5thdistrict? Nandiyan din sina Pozorrubio councilor Rey Reyes, Laoac vice mayor Emong Soriano, Urdaneta councilor Rio Esteves. Sino ba iyong nanalo ng P5 million sa pustahan na hindi madi-disqualify si senadora Grace Poe.?
 
Ang proposal ng Sinag ay re-plant with alternative crops. Yung mga tanim na puede sa tag-araw. Yung mga tanim na puede sa lupang walang irrigation.
 
Ang kailangan ng farmers ay seeds, fertilizers, pesticides at iba pang inputs sa pagtatanim.
 
Ang kailang ng farmers ay libreng patubig, at maluwag na requirements sa crop insurance.
 
Dahil may El Niño, sana daw ay waive ng gobyerno ang paniningil ng irrigation fees.
 
Ang Vietnam, Thailand at China ay nagbibigay ng irrigation na libre. As in Free from irrigation fees. Iyan ang suporta ng kanilang gobyerno sa magsasaka.
 
Sa Pilipinas bibilhin mo ang suporta ng gobyerno sa magsasaka!
 
Dito sa Pilinas na may Daan Matuwid… ang irrigation ay may bayad. Sa darating na Gobyernong may Puso ay Libre as in Free ang irrigation.
 
Ang isa pang struggle sa irrigation development sa Daan Matuwid ay ang mabagal na release ng pondo sa NIA.
 
Alam niyo ba na ang binabayaran pa lang ngayon ay ang mga projects na natapos noong November 2015?
 
Kawawa naman ang mga contractor. Paano magiging maayos ang mga irrigation canal kung delayed ang payment ng gobyerno?
 
Dahil may El Niño, sana daw ay hindi masyadong strikto  ang crop insurance.
 
Tingnan niyo… ang budget ng Philippine Crop Insurance Corporation parasa 2016 ay P1.6 billon lamang.
 
Ang P1.6 billion ay kasya lang sa insurance ng kalahating million na magsasaka. Pero meron tayong 11 million na magsasaka. Mga five percent lang po iyan ng total ng magsasaka sa bansa. Paano na iyong 10.5 million na magsasaka? Saan sila kukuha ng insurance para sa kanilang sinasaka?
 
Ohaaaa! Nasaan ang priority ng Daan Matuwid? Five percent lang ang bibigyan mo  ng insurance? Iyan ang gobyernong walang puso sa magsasaka. Iniwan nila ang halos 95 percent ng magsasaka na walang seguridad sa kanilang tanim! Sigue, ituloy niyo ang Daan Matuwid para laging maiwan ang mas maraming magsasaka.

 
Ang proposal ng Sinag ay P16 billion para sa crop insurance.
 
Ang mas maraming budget para sa crop insurance magpapalawak sa dami ng mga magsasakang makakakuha ng crop insurance.
 
Itinayo ang PCIC para makatulong sa farmers na makabangon sa panahon ng sakuna tulad ng bagyo at climate change.
 
Ang pagkalugi sa farming dahil sa sakuna ay isa sa mga dahilan kung bakit nauubos na ang mga taong may interes sa pagsasaka.
 
Of course, ayaw din natin sa smuggling ng agricultural products. Ang mga smugglers ang source ng election funds ng ibang kandidato for president. Sina Poe at Escudero lang ang open na nagdeclare laban sa smuggling.
Advertisements

Entry filed under: News.

Mark says agri, tourism are his main programs SM City Rosales conducts Security Personnel Check

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 615,802 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

April 2016
S M T W T F S
« Mar   May »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: