EDITORIAL: Malalakas na lideres ng pulitika, sama-sama para kay M&M

April 3, 2016 at 10:34 pm Leave a comment


Iba ang hatak ng M&M sa mga lideres ng pulitika sa Pangasinan. Ang M&M ay walang iba kundi si Mark O. Cojuangco na tumatakbo bilang gobernador, at si Mark Roy Macanlalay para sa bise gobernador. Marami ang namangha sa lakas ng dalawang pangunahing kandidato sa Pangasinan sa ilalim ng partidong Nationalist People’s Coalition (NPC) at Biskeg na Pangasinan.001 (3)
Bakit nga hindi? Lahat ng mga malalakas na lideres sa pulitika sa lalawigan ay nagkaisa upang iindorso ang kandidatura ni Cojuangco at Macanlalay sa Proclamation Rally.  Ito ay ginanap sa Dela Cruz Auditorium sa bayan ng Lingayen, ang kabisera ng Pangasinan, noong Marso 28.
Sa District 1, pinangunahan ni Alaminos City Mayor Art Celeste ( nagrepresenta rin kay Diputado Jesus “Boying” Celeste), presidente ng Liga ng mga Bayan-Pangasinan Tsapter at Mayor ng Dasol Noel Nacar, Board Member Antonio “Rene” Dizon.
Sa District 2, nandun sina dating Board Member Von Mark Mendoza ( tumatakbo muli sa posisyon) at tumatakbong mayor ng Bugallon na si Bise Mayor Rodrigo “Ric” Orduña.
Mula sa District 3, dumating sina dating Diputado Rachel “Baby” Arenas (nirepresenta ang inang kasalukuyang Diputado Rosemarie “Baby” Arenas, at Mayor ng San Carlos City Jullier “Ayoy” Resuello.
 Para sa District 4, nandoon sina Diputado Gina De Venecia (nirepresenta ni Gerald Tabadero, tumatakbong Board Member ng Distrito).
Nandun din ang malalakas na lideres sa District 5  – sina MECO Chairman Amadeo R. Perez Jr., Diputado Kimi S. Cojuangco ( tumatakbo muli sa huling termino), Secretary Antonio “Bebot” Villar Jr. ( nirepresenta ni Sto. Tomas Mayor Timoteo “Dick” Villar Jr.
Malalakas na lideres ang nagpunta mula sa District 6,  sina Diputado Marlyn Primicias Agabas at representante sa Kongreso ng Abono Partylist Conrad M. Estrella III.

 Sa 47 na bayan at siyudad sa Pangasinan, 38 sa tumatakbong mayor kasama ang buong tiket ay nandoon para magbigay suporta bagamat ang siyam na bayan na natitira ay may mga kandidato pa rin na hinirang ng NPC at Biskeg na Pangasinan.
Nandoon din ang pitong kandidato na tatakbo sa pagka-Board Member: District 1- Antonio “Rene” Sison (hindi nararating si Nong Fontelera), District 2- Von Mark Mendoza, District 3- Vici Ventanilla, District 4-Berex Abalos at Gerald Tabadero, District 5- Niño Arboleda at Chinky Perez, at District 6- Salvador ” Dong” Perez Jr. at Jose “Lito” Peralta.
Malakas ang buong ticket ng NPC at Biskeg na Pangasinan. Sabi ni Secretary Bebot Villar na walang dahilan na matalo si Cojuangco at Macanlalay kung magtratrabaho lahat ng mga kasapi nito. Sumusuporta rin ang United Nationalist Alliance (UNA), Liberal Party, Bayan Muna Partylist at Abono Partylist.
Sa panig ng mga Espino, walang tiyak na suporta na manggagaling sa mga lokal na lideres. Mga pitong  mayor lang ang panig sa kanila at walang partido na malakas na sumusuporta sa kandidatura ni Gobernador Amado T. Espino Jr. sa pagka-Diputado sa District 5 at sa pagka-Gobernador ang kanyang anak.
Sa larangan ng pulitika, hindi biro ang suporta sa tambalang M&M. Habang papalapit ang halalan, mas lalong lumalakas ang mga ito. Parang nakikita na ng mga Pangasinense ang pag-usbong ng mga bagong lideres na magdadala sa kanila sa “Mas Maunlad” na Pangasinan.

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: Non-partisanship and neutrality during election Political bigwigs endorse M&M

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,302 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

April 2016
S M T W T F S
« Mar   May »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: