EDITORIAL   Kaso ni Espino sa illegal mining nasa Sandiganbayan na

March 28, 2016 at 9:20 am Leave a comment


Ganap ng kaso sa Sandiganbayan ang usapin sa ilegal na pagmimina ng “black sand” o “magnetite” na isinagawa ni Gobernador Amado T. Espino Jr. at mga kasamahan nito. Isinampa ng Office of the Ombudsman  noong Marso 4 ang dalawang kaso pagkatapos na nakakitaan ng sapat na probabilidad na may dahilan (probable cause) ang mga ito sa paglabag ng Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.001 (3)
Sa Sandiganbayan, ang dalawang kaso ay may  numerong SB 16-CRM-0118 at SB 16-CRM-0119 at noong Marso 18, pinaripa ang mga kaso sa kung aling dibisyon ang didinig sa kaso. Ang bagong tatag na 6th Division ang napuntahan ng mga kaso.
Pinaghandaan na ni Espino, dating Provincial Administrator Rafael Baraan at dating hepe ng Provincial Housing and Urban Development Office ang magiging aksyon ng Sandiganbayan. Noong Marso 15, gumawa na sila ng pangkalahatang mosyon o “Omnibus Motion” na humihiling sa Sandiganbayan na ipagpaliban ang pagbigay ng “warrant of arrest” at ang pagrepaso sa mga kaso kung ang mga ito ay may “probable cause” at kung wala ay ang pagbasura ng mga ito.

 Isinumite nila ang mosyon noong Marso 21 at hiniling nila ang pandinig sa mga ito noong Marso 22 na isinagawa naman ng Sandiganbayan. Sa ngayon wala pang desisyon ng Sandiganbayan sa nasabing pandinig. Subalit noong Marso 21, naglabas ng kautusan (Order) ang Sandiganbayan na pinagbabawalan na sina Espino at mga kasamang akusado na di makalabas ng bansa (Hold Departure Order) kung walang pahintulot ang nasabing Korte.
 Karapatan ni Espino at mga kasamahang akusado na gamitin ang mga pang-remedyong legal o “legal remedies” para mapigilan ang pag-usad ng mga naturang kaso. Ngunit ang pagkabinbin ng mga kaso ay napipigilan ang agarang pagbibigay ng hustisya sa mga mamamayan sa apat na barangay ng Lingayen- Sabangan, Estanza, Capandanan at Malimpuec kasama na ang mga Pangasinense.
Maliwanag sa aksyon ni Espino at mga kasamahan nito na sinasadyang pigilin ang paggawad ng Sandiganbayan ng “warrant of arrest” lalo na sa panahon ng halalan. Ito ay matatawag na “delaying tactic”. Malaking usapin ito na makakasira sa kanyang kandidatura bilang representante ng ika-limang adistrito laban sa kasalukuyang Representante Kimi S. Cojuangco at pati ng pagtakbo ng kanyang anak sa pagka-Gobernador laban kay Mark O. Cojuangco.
Ang mga argumentong inihain ni Espino at ang iba pang akusado sa Sandiganbayan ay walang pinag-iba sa kanilang “motion for reconsideration” sa Office of the Ombudsman. Sa pagsusuri ng Ombudsman, ibinasura ang kanilang argumento dahilan sa may sapat na “probable cause”. Hindi pa ba sapat yong resolusyon ng Ombudsman sa pagsusulit ng mga kaganapan tungkol sa ilegal na pagmimina ng “black sand” ? Hindi pa ba sapat ang mga pagpahayag ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may isinagawang ilegal na pagmimina ng “black sand”? Hindi pa ba sapat ang pagkumpiska sa mga gabundok na “black sand” na may kabuuang 9,583 metro kubiko at mga “equipment” na ginamit sa mga ito?
Hanggang kailan mabibinbin ang mga kaso sa Sandiganbayan? Ang pagbibigay ng mabilisang aksyon hinggil sa “Omnibus Motion” ni Espino at mga kapwang akusado ay makapagbibigay ng gaan ng saluubin ng mga Pangasinense.
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Local political campaign- Cojuangco’s popularity surges Poe-Escudero to increase agri-budget fourfold, will stop agri-smuggling

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 665,132 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2016
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,352 other followers


%d bloggers like this: