EDITORIAL   Huwag isali ang pang-akademyang institusyon sa pulitika

March 21, 2016 at 9:53 am Leave a comment


Nakakalungkot isipin na pati ang pangunahing pamantasan sa Lalawigang Pangasinan ay nakakaladkad sa usaping pulitika kamakailan. Ang Pangasinan State University (PSU) ay isang institusyon na ang pangunahing layunin ay magturo sa mga kabataan ng mga ibat-ibang kurso o programang pang-propesyonal at linangin ang kakayahan ng mga ito. Hindi dapat pasukan ng pulitika ang insitusyong ito upang mananatili ang ” kalayaang pang-akademya” at isulong ang pananaliksik sa pagbabago at kaunlaran ng akademya.001 (3)
Ang mga isyung pampulitika sa PSU ay nagsimula sa isang ” viral video” sa sosyal media lalo na ang Facebook na saan inilalarawan ang Presidente nito na si Dr. Dexter Buted na isang kurap na administrador. May mga malisyosong hangarin ang gumawa ng video dahil kulang sa pananaliksik at halatadong gawa-gawa lamang ang mga isyu upang sirain si Dr. Buted sa mga Pangasinenses.
Bago pa man lumabas ang video na iyon, si Dr. Buted ay patuloy ng paksa sa mga “block time” na programang pang-radyo ni Gobernador Amado T. Espino Jr. Palaging tinatalakay ang kanyang hindi pagka-Pangasinense at ang mailap daw niyang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Kapitolyo. Tinutuligsa rin siya sa di umano’y pagkiling niya sa tumatakbo ng gobernador sa Pangasinan na si Mark O. Cojuangco dahil sa pagdalo ng huli sa mga programa ng PSU.
Dahil sa patuloy na pagsira at pagyurak sa katauhan ni Dr. Buted, nagsagawa ng “unity walk” ang mga estudyante at kawani ng PSU na mula pa sa ibat-ibang kampus nito- Sta. Maria, Urdaneta City, Asingan, San Carlos City at Bayambang bilang suporta kay Dr. Buted at ipamukha sa kinauukulan na walang katotohanan ang mga alegasyon kontra sa kanya. Ang malawakang suporta ay naglalayon din sa isang panawagan na huwag isali ang PSU sa pampulitikang ambisyon ng mga tumatakbong pulitiko.
Pagkatapos ng “unity walk” na ginanap sa Lingayen mula Maramba Boulevard hanggang Artacho St., nagsagawa ng pulong pamamahayag si Dr. Buted at iba pang opisyales ng PSU na kung saan ibinulalas nila ang kanilang damdamin sa nangyayaring pagdawit sa kanila sa pulitika lalo na yong opisyal sa Kapitolyo. Ayon kay Dr. Buted, siya ay nahirang na Presidente ng pamantasan dahil sa merito na walang ugnayan sa pulitika. Bagamat tinanggap niya na siya ay nanggaling sa Batangas City na naging konsehal din doon, siya ay hinirang ng pamahalaang nasyonal at hindi ang lokal na pamahalaan ng Pangasinan.
Aniya: “Kahit hindi ako Pangasinense, minahal ko ang Pangasinan dahil ng ako ay mahirang na Presidente ng PSU, inayos ko ang mga kakulangan ng nakaraang administrasyon gaya ng pagkumpuni sa mga silid aralan, pagsaayos ng mga upuan at iba pang pasilidades, pagtanggal sa mga tiwaling mga guro at paglipat din sa kanila sa mga trabahong kaya nilang isinagawa. Maraming nasaktan sa mga pagbabagong pamamaraan upang ayusin ang akademya, ganoon pa man iyon ang mga nararapat na isagawa.”

Lumalabas na ang gumagawa ng mga isyu kontra kay Dr. Buted ay yong mga dating nagtuturo o kawani sa pamantasan na sa ngayon ay kawani na sa pamahalaang panlalawigan. Ang mga ito ang gumagawa ng paraan upang masira ang kredibilidad ni Dr. Buted na ang kanilang kanlungan ay ang mga opisyales ng lalawigang Pangasinan.
Bakit hindi na lang hayaan na kung may sigalot man sa loob ng pamantasan ay ang mga tagapamahala nito ang mag-ayos sa mga ito ? Nandiyan ang Board of Regents na magsasagawa ng mga kaukulang polisya. Walang puwang ang pulitika sa usaping pang-akademya. Hayaan ang pamunuan ng PSU na isulong ang kanilang saklaw na mandato mula sa pamahalaang nasyonal.
Ang mga lokal na opisyal- lalawigan at mga bayan, ay dapat na makipag-ugnayan sa akademya sa pagsasagawa ng mga bagong teknolohiya na resulta ng kanilang pananaliksik upang umangat ang pamumuhay ng bawat Pangasinense.

Entry filed under: News. Tags: .

PNoy disappointed by ‘diminishing tupig’ MAGANES: ‘Deny pa more’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,135 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2016
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: