CORTEZ: Bakit napabayaan ang agrikultura?

March 21, 2016 at 9:46 am Leave a comment


brando-maso
 
Tama ang sabi ni Gobyernong may Puso vice president Chiz Escudero na ang EDSA eventnoong 1986 ay hindi sa pagitan ng Aquino at Marcos. Ang EDSA Event ay tungkol sa mga Pilipino na nagkaisa para sa pagbabago hindi sa EDSA kungdi sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
 
Q: Sir, ‘yung sa Martial Law sabi ni Senator Bongbong Marcos, sabi niyo Sir hindi na dapat tungkol kay Bongbong or Noynoy. Sir, can you expound (on) that?
 
CHIZ: Nakakalungkot na sa pagdiriwang ng EDSA napaksa ng dyaryo, ng pahayagan at ng media ang bangayan sa pagitan ni Pangulong Aquino at ni Senador Marcos. Hindi lamang tungkol sa dalawang pamilya ang EDSA. Hindi lamang tungkol sa kanilang dalawa ang naging kasaysayan natin kaugnay ng EDSA.
 
Kung may pamilya mang nabenepisyuhan, may pamilya mang nasaktan ng EDSA, hindi umiikot ang mundo natin sa palibot ng dalawang pamilyang iyon lamang. Ang EDSA ay tungkol sa sambayanang Pilipino. Ang EDSA ay tungkol sa lahat ng Pilipino. Ang EDSA ay tungkol sa ating bansa at huhubugin nating kasaysayan sa hinaharap ng ating bansa.
 
TIME TO MOVE ON. Dissenting opinion ng isang associate justice ang pinapalutang ng kampong kontra kay Grace Poe.
 
Disenteng opinion naman ang majority decision na nag-allow kay Grace Poe na maging kandidato for president.
 
Opo, panahon na para mag-move on ang mga natalo sa SC sa isyu ng disqualification ng Gobyernong may Puso president Grace Poe.
 
Q: Ma’am, March 4 to 7, the night before (the SC voted on your petition).
SEN. POE: Okay. Anyway, kailangan talaga lahat ng kandidato ay nag-iikot; kailangan maipahiwatig ang ating mga programa.
 
Tapos na ang bilangan… 9-6. Therefore, ang sinabi ng SC ay qualified si Grace Poe na candidate for president. Three out of five na Pilipino ang agree sa desisyon ng SC ayon sa Pulse Asia survey.
 
Sinabi ng SET na qualified si Grace Poe na maging senador.
 
Q: Ma’am, ‘yung kay (Justice Antonio) Carpio lang. Sabi niya hindi raw majority votes ang nakuha niyo, 7-5-3, so he’s questioning the SC decision.
SEN. POE: Hayaan mo na siya kung ano man ang kanyang opinyon diyan. Pero ‘yung collective wisdom ng Supreme Court ang ating batayan. At isa pa, kung 7-5-3, hindi naman ito question on the constitutiona[lity]–hindi ako abogado–pero hindi naman ito question ng constitutionality of a particular law. Ito ay isang kaso na kanilang naresolusyonan kaya ang advice naman sa akin ay mayroon pa rin tayong mayorya. At saka kung gusto nilang idaan ‘yon sa isang proseso, bahala sila, basta ako naman… Sa tingin ko itong desisyon na ito napakalakas na. At saka pagdating doon sa desisyon ng SET (Senate Electoral Tribunal), ganoon din naman ang sinabi ng SET dito sa (usapin) tungkol sa natural-born. Huwag pong mabahala ang ating mga kababayan. Nakakalungkot na ang isa sa mga miyembro ng Korte Suprema pa mismo ang nagbibigay ng pagdududa ukol dito na alam naman natin–pasensya na, mawalang-galang na–pero ‘nung panahon pa rin ng aking ama ay isa na rin siya sa mga talagang tumutol.

 
POE-ESCUDERO ANG NANGUNA. Ang tandem na Poe at Escudero pa rin ang naguna sa SWS at Pulse Asia survey na ginawa bago maglabas ng desisyon ang SC.
 
Number one sa choice for president si Grace Poe. Number one choice sa vice president si Chiz Escudero. Walang partido pulitikal. Walang makinarya.
 
Q: Ma’am, do you want to comment on Senator Chiz’s (survey numbers) din? Kasi kahit doon sa VP dikit-dikit na sila at ang laki ng itinaas ni Leni Robredo sa VP race.
SEN. POE: Ah, basta si Senator Chiz naman at ako ay sanay sa ganyan sapagkat ‘nung tumakbo naman kami ‘nung 2013–at least ako–wala namang kasiguruhan noon. Masaya na nga ako na patuloy ang suporta ng ating mga kababayan sa kabila ng lahat ng duda na itinapon nila bago mag-desisyon ang Korte Suprema.
 
Former Rosales vice mayor now councilor Romy Sim at Loaoac vice mayor Emong Soriano, marami na po bang maka-Grace Poe ang lumitaw after ihayag ng SC ang decision sa DQ?
 
AYAW SA BAWAL POE. Ayaw na ayaw sa bawal ng Gobyernong may Puso. Iyong paratang na tumanggap diumano ng pera mula sa perang galling sa sugal ay hindi po totoo ayon kay senadora Grace.
 
Hindi niya sisirain ang pangalang Poe na nag-ampon sa kanya.
 
Q: Ma’am, pasensya na po ha, pero kasi sa Daily Tribune mayroong documents daw po silang na-obtain that showed that your camp accepted a total of P150-million in political donations from Sun City Holiday, which is a breach of Philippine laws daw and mayroon pa kayong pirma.
 
SEN. POE: First of all, that is absolutely not true, ‘yung inilalabas nilang dokumento talagang… Alam mo, ako talaga ay nagtitimpi lang ha, pero ‘yung mga ginagawa nilang ganyan sa tingin ko dapat managot na rin sila sa batas. Pero, sige, kampanya ito; gusto nilang gawin ‘yan. Ang nakakalungkot pa may mga ibang naglalabas niyan na mga propesor. Bakit ko naman gagawin ‘yan? Unang-una, malinaw na malinaw ‘yan sa batas, wala akong tinatanggap na ganyan.
 
Q: Parang may signature ka pa raw? Yes, Ma’am, may discernible signature niyo raw.
SEN. POE: Ang dali naman na kumuha ng ibang dokumento para papirmahan. Hindi talaga… At talagang nakakalungkot nga… Sana naman, sa ating mga kababayan, doon na tayo tumutok sa mga programa na makakatulong sa mahihirap, sapat na kita at trabaho para sa kanila. Ito ay walang katotohanan at hinahamon ko na sila.
 
Sison vice mayor Ben Mariñas, kandidato po pala for senator sina Isko Moreno Domagoso, Roman Romulo at Neri Colmenares.
 
Former Pozorrubio vice mayor now councilor Rey Reyes… morale boosting nga ba a mga volunteers ng Friends of Grace Poe ang SC decision saying she is qualified to run for president?

 
Nasa slate sila ng survey leading team nina Grace Poe at Chiz Escudero.
 
AGRIKULTURA NAPABAYAAN. Nagbigay ng diskusyon si Gobyernong may Puso vice president Chiz Escudero sa kung ano ang tatakbuhin ng agrikultura kung manalo sila ni president Grace Poe. Narito po ang maikling diskusyon niya.
 
Ano yung fast facts? In 1996, when my father was the Minister of Agriculture, we have 1.3 million hectares of land irrigated and planted to palay. In 1996, Thailand and Vietnam have less than a million.
 
Thirty years after, ipinagdiwang natin ang EDSA, 30 years this year. Thirty  years after, from 1.3 naging 1.6 million tayong hectares.
 
Ibig sabihin nun, isandaang libong ektarya lang ang dinagdag kada dekada. Ten thousand hectares a year. Halos dumoble ang populasyon natin.
 
Ang Vietnam ngayon, 11 million hectares ang irrigated. Ang Thailand, 9 million hectares ang irrigated. So wag na tayong magtaka kung bakit tayo ang number one importing rice country at ang Thailand at Vietnam ang top two rice exporting countries.
 
 We never invested in agriculture.
 
Ano ang kasalanan? I’m talking of palayan in particular. 92% ng ating seeds…inbred, 7%  ang certified, 1% ang hybrid. Hybrid mo lang hanggang 30%, rice self-sufficient tayo. I-certified mo lang hanggang 50%, rice self-sufficient na rin tayo.
 
Sana iyon pa lang, wala tayong pinag-uusapang irigasyon pa ah, buto pa lang, kaya na…hindi ginagawa.
Pag-usapan natin, irigasyon. Dagdagan natin ang irigasyon ng 100,000 kada taon for the next six years or plus 600,000, papalo tayo ng 2.2 million hectares. Rice self-sufficient na rin tayo.
 
Ang problema ko lang sa irigasyon, may tanong ako palagi, parang kanina. Bakit tuwing gumagawa ng kalye ang gobyerno; widening man o bagong semento, hindi naman nagbabayad ‘yung mayamang may-ari ng kotse?
 
Bakit pag gagawa ng bagong irrigation ang gobyerno, pinagbabayad ‘yung pobreng magsasaka?
 
Project naman ng gobyerno ‘yun, galing din naman sa buwis yun. Bakit yung para sa magsasaka may bayad? Bakit yung para sa may kotse, kartela o bus, ‘walang bayad? Dapat libre na rin ang irigasyon.
 
Pag-usapan natin ang support services. Ang abonong ginagamit at pesticide na ginagamit ng mga magsasaka palaging kulang dahil walang support services.
 
Kumpletuhin mo lamang ‘yun, ang yield ay tataas sa existing hectarage natin, rice self-sufficient na rin tayo at may food security tayo.
 
Fifteen percent ang nawawala dahil makaluma ang post-harvest facility natin. I-modernize mo yun, ang gap natin nasa 12% lang. Rice-exporting tayo to the tune of 3%.
 
And finally, kung kainin lang natin ‘yung tamang uubusin nating kanin, hindi na rin tayo mag-iimport kasi ang tapon o ang sobrang bigas, sobrang kanin na tinatapon lang, humigit-kumulang nasa 14%.
 
So kung kakainin lang natin ‘yung uubusin natin, hindi natin kailangan mag-import ng bigas.
 
Dapat tigilan na natin ‘yung one cup rice, dapat kung half cup lang ‘yan pwede kang umorder ng half-cup. Kung ¼ pwede ring ¼ dahil kung talagang kakainin lang natin ‘yung kaya nating ubusin, kaya na at pwede na.
 
Sorry kung mahaba, medyo passionate ako dito. Sa China nagpunta ako, nag-order ako tubig. Sa Pilipinas kapag nag-order ka ng softdrinks lalagyan ka ng lata. Pag nag-order ka ng tubig, lalagyan ka ng bottled water.
 
Sa China pag nag-order ka ng softdrinks, kung tatlo kayong Diet Coke, magbubukas siya ng isa. Lalagay niya tig-kalahating laman lang ‘yung baso. ‘Pag naubos mo ‘yun, bubukas ulit ng isa, lalagyan ka niya ulit na may bukas yung sa gilid.
 
Mag-order ka ng bottled water, lalagyan din niya ng kalahati ‘yung baso lang. ‘Yung punong bottled water, itatabi niya. ‘Pag iinom kayo ng tubig, dun lang niya lalagyan ulit.
 
 Tayo, paano? Bigyan tayo ng bottled water, inumin natin ‘yung kalahati, ‘pag ayaw na natin, iwan o itapon.
 
Panghuli, nais namin maglaaan, Php300-B o 10% ng National Budget sa agriculture para makahabol ang sektor na ‘yan. Php80-B lang ‘yun ng budget sa Agriculture.
Nais naming quadruple ‘yung budget. Php300-B, dahil 60% ng mahirap nating kababayan,umaasa sa agrikultura. Para hindi sila maiwan at makahabol, dapat gastusan natin ng mas malaki ang sektor na ‘yan. 

Entry filed under: News. Tags: .

  DENR order shows Laoac LGU  owns dairy farm land Dagupan Mayor cites “Propriety” on hotel’s construction

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,837 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2016
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: