ORTIGOZA: ‘No’ kay Pacquiao sa Senado

March 10, 2016 at 10:56 am Leave a comment


mortz-nw-colored3
 
Ayaw ko na sanang makisawsaw dito sa Manny Pacquiao versus Comelec dahil katatapos lang nagpalitan ng maanghang na sagutan ang mga taga “Praise the Lord” at  taga “Federasyon.”
 
Ito ay noong sinabi ni boxing icon na ang mga members ng FML o Federasyon ng Mang-aagaw ng Lakas na mas masahol pa sa hayop.
Una, ayaw kung matalsikan ng “asido” galing sa miyembro na nakikipag ispadahan sa kanyang jowang lover sa loob ng shower.
 Ikalawa, ayaw ko namang mapasama sa mga Pacquiao screaming fans na nagsusunog ng kanilang Nike shoes.
Ano ako hilo? Mag isa nga lang itong Nike ko na minana ko pa sa lolo ko, susunugin ko lang.
 
Gall of Pacquiao
What I don’t like about Manny Pacquiao was his gall or kakapalan ng mukha to run sa Senado kahit hindi kaya ng ulo.
That’s why I am here at You Tube explaining you my reasons and sentiments on these Pacquiao’s brouhahas.
 
Sang ayon ako na kinasuhan ni Akbayan Congressman Walden Bello sa Comelec ng “Undue Publicity” and “Undue Advantage” noong nakaraan si Pacquiao  dahil sa violations ng Fair Election Act o FEA.
Why?
E, hayop sa spot o publicity sa mga TV at radio stations ang idudulot ng April 9 Pacquiao- Bradley Rubber Match sa Las Vegas, Nevada  sa kalagitnaan ng kampanya at pagtakbo niya sa halalang Senador sa May 9 Election.
Kawawa naman si Alma Moreno, Amay Bisaya, General Getulio Napenas, Raffy Alunan na naliligo na ng alikabok sa mga taga Magic 12 sa surveys ng Pulse Asia at Social Weather Station, ililibing mo pa Manny P. ng undue publicity mo.
Sabi ni Commission on Election Commissioner Rowena Guanzon  noong Sunday  na  ang media exposure ni Pacquiao from hype and fight would unfairly boost his candidacy.
She compared the boxing champ with movie actors running for office who she said were not supposed to show their movies during the campaign.
“That’s unfair,” she said. “Newscasters, if they run, they go on leave because that would be unfair to the other candidates. That is the intent of the law.”
Kaya tingnan ninyo si Alma Moreno, Edu Manzano, Amay Bisaya bukod sa wala ng directors na gustong kumuha sa kanila na mag artista, by heart alam nila itong “undue publicity” na violation sa FEA.
FEA says each bona fide candidate or registered political party for a nationally elective office shall be entitled to not more than one hundred twenty (120) minutes of television advertisement and one hundred eighty (180) minutes of radio advertisement whether by purchase or donation.
It also mandates that any mass media columnist, commentator, announcer, reporter, on-air correspondent or personality who is a candidate for any elective public office or is a campaign volunteer for or employed or retained in any capacity by any candidate or political party shall be deemed resigned, if so required by their employer, or shall take a leave of absence from his/her work as such during the campaign period: Provided, That any media practitioner who is an official of a political party or a member of the campaign staff of a candidate or political party shall not use his/her time or space to favor any candidate or political party.
Bello said the Comelec issued Resolution No. 9615 three years ago to expand the definition of “political advertisement” to include media appearances in shows not covered by the Comelec hour.
 
Chronic Absenteeism
 
Itong si Manny P. bukod sa absentee sa 16th Congress last year, mantakin ninyo na ang mokong ay pumapasok physically ng halos apat na beses sa taon na iyon.
Kaagawan nito ng korona sa pagka pala absent si Negros Congressman Jules Ledesma na pitong  beses pumasok.

 
Paki click niyo dito “Pacquiao’s politically (in) correct No. 8 car plate”” ang
Article ko noong March 22, 2011 noong nagde-debate at bumoto ang mga taga House of Representatives sa  impeachment ni allegedly corrupt  former Ombudsman Merceditas Gutierrez   si Manny P. nasa Baguio City lang scandalously nag pa-practice ng boxing versus kay Shane Mosley at palakad lakad sa SM-Baguio at sa Camp John Hay.
Ganoon din noong dini dileberate ang Reproductive Health Law, wala rin sya. Kaya noong  may isang hearing nasupalpal siya dahil iyong mga tanong niya puro mali.
Pala absent kasi!
 
                                                 Pacquiao is not above the Philippines law
Kung magka breach of contract si Manny sa Bradley third match, wala na ako roon.
Kahit i-postpone ni Manny ang Bradley fight niya pero sinabi niya patuloy pa rin ang practice niya, ang unfair publicity it generates is still violation of the FEA.
Ang sa akin may batas tayo na pag nilabag mo ang Fair Election Act ikaw ay hindi lang makukulong ng one to six years kung hinde madi-disqualify ka sa Senado pag ikaw ay nanalo.
Kung ako kay Manny mag boxing na lang siya o magtayo na lang siya ng mga non government organizations kung gusto talaga niyang makatulong sa mga sawimpalad. Huwag na niyang idamay sa dilubyo ang senado.
Pasensiya sa nose bleed, Inglis ho uli tayo.  Comelec Resolution No. 10049, or the IRR of RA 9006 or Fair Election Law, prohibits showing publicly in a theater, through a TV station, or any public forum any movie, cinematography or documentary, including concert or any type of performance, portraying the life or biography of a candidate.
The resolution also prohibits any radio, television, cable TV station, announcer or broadcaster from allowing any program or any sponsor to favor or oppose any candidate or party by repeatedly mentioning his name or his party.
Kung bawal ang performances ng candidate sa radio at TV, bakit hinde pag bawalan si Manny P?
 
He lacks the intellect in the Senate
 
Kahit between Nos. 8 to 10  siya sa January 24-28 Pulse Asia’s survey,  kulang siya ng talino at skills sa debate and interpellation sa kongreso.
(NOTE: Good news po. sa latest February 25 to 28 Pulse Asia polls, hulog na si Pacquiao sa Magic 12, nasa No. 14 na siya. Katapat lang pala niya ang  mga kafatid natin sa Lesbian- Gay- Bisexual-Transgender na pumiyok sa media)
 
Pero kayong mga matatalino na botante, ang hindi pag boto ninyo kay Manny ay makakatulong  para mapa angat naman natin ang quality ng Senado.
Tama na ang mga bobontantes na bumuboboto sa mga kenkoy tulad nina Senators Lito Lapid, Ramon Revilla, Sr., Ramon “Bong” Revilla, Jr, Tito Sotto, Loi Ejercito (kahit doctor, miyembro rin ng Silent Committee) at ngayon Manny Pacquiao, isipin ninyo na lang ang integridad ng Senado natin pag itong mga klase ang patuloy ninyong binoboto.
Iyong iba diyan mga tuta ng simbahang katoliko na patuloy na hinaharangan ang aggressive na family planning na dahilan na lalong dumadami ang pobre sa atin. Click and read po ninyo my analysis on “Culprit why Filipinos are Poor: Population Explosion”.
 
I want K-9 mas masahol pa sa Hayop na Dog- Style
 
Gusto ninyo ba na ang Senator Pacquiao ninyo pag tinanung ng media, “What is your stand on K-12?” ang isasagot:
 “I don’t want to stand, I want to sit, I don’t like K-12 nor K-8, I like K-9 mas masahol pa sa hayop dog style”.
Gusto ninyo ba na ang Senator Pacquiao ninyo pag tinanung kung saan makikita ang Law of Supply & Demand (LSD), ituturo kayo doon sa law na isinampa sa mamang dinemanda kahit na ang LSD ay hindi druga ng mga bangag kung hinde nasa libro ng mga economista.
Mag isip naman kayo mga Filipinos!
 No to Manny Pacquiao sa Senado!
 
(You can read my selected columns at http://mortzortigoza.blogspot.com and articles at Pangasinan News Aro. You can send comments too at totomortz@yahoo.com)

Entry filed under: News. Tags: .

  BIR Central Pangasinan receives Seal of Excellence Video exposes overpriced Capitol project in Bautista

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,837 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2016
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: