CORTEZ: Official na: Poe-Escudero…ampon ng NPC

March 7, 2016 at 12:12 am Leave a comment


brando-maso
“We wish to announce that we formally adopt Senators Poe and Escudero as our candidates for president and vice president,” declared NPC President Giogidi Aggabao in a press conference.
 
NPC FOR GRACE CHIZ. Nagsalita na ang officials ng Nationalist Peoples Coalition na si independent presidential candidate Grace Poe at independent vice presidential candidate Chiz Escudero ang kanilang bubuhusan ng suporta sa 2016.
 
At hindi makapaniwala ang LP sa nangyari. Assuming kasi. Hahaha. Akala nila sila ang susuportahan ng NPC.
 
At sumagot si Gobyernong may Puso VP Chiz Escudero na internal ng NPC ang naging desisyon nila. Irespeto na lang ng matuwid na daan.
 
“Magpakalalaki sila kaugnay sa bagay na ito. Tanggapin at galangin kung ano man ang pasya, pabor man ‘yon o kontra man ‘yon sa kanila,”sabi  Escudero sa presscon sa Fortune Restaurant sa Angeles City.
 
“Huli kong tiningnan, LP si Mar at UNA si Vice President Binay. Wala yata silang karapatang magsalita para sa NPC. Pangalawa, huli ko ring tiningnan, lahat sila humarap sa NPC para hilingin ang endorsement ng NPC. Kung hindi namin nakuha ‘yon, mananahimik kami at gagalangin namin ang desisyon ng NPC; porke’t hindi nila nakuha, ang dami naman nila masyadong sinasabi,” dagdag ni Escudero.
 
Matuwid na Daan Koalisyon sila. Koalisyon as in may mga kasama na sila na ibang partido. Hahaha. Bakit ganyang ang reaksyon?
 
“Sila nga itong may dati nang partido at dati na raw malaki ang makinarya, bakit sila nagrereklamo ngayon?,” sabi ni Escudero.
 
Former vice mayor ng Rosales and now councilor Romy Sim ng Friends of Grace, kumusta na po ang kampanya para presidente? Tuloy pa rin po ba ang health services sa Rosales?
 
Malapit na ang laban niyo… March 25 ata ang start ng kampanya para sa local positions.
 
SOLO PARENTS SA CCT. Plano ng Gobyernong may Puso ang pagtulong sa mga single parents. Single mom or single tatay ka man eh isasama ka sa CCT o 4Ps.
 
“Sa ating mga nanay, mga tatay na single mothers o single fathers, importante talaga sa ating batas ang mabigyan kayo ng proteksyon para sa inyong pamilya at sa inyong anak. Layunin namin ni Senator Chiz na pagaanin ang inyong mga dala-dalang mga obligasyon,” sabi ni Sen. Grace Poe.
 
Sabi ni Gobyernong May Puso President Grace Poe na ang mga single parents ay bumubuo sa 14 ng population na katumbas ng  13.9 million Filipinos, ayon sa 2011 report ng Department of Health (DOH) at ng  University of the Philippines-National Institute for Health (UP-NIH).
 
Nagdusa na nga dahil nag-iisang nagtataguyod ng anak. Nagdusa na nga dahil wala ng partner. Nagdusa na nga dahil wala nang lover.
 
“Bakit naman natin paparusahan ang mga walang partner? Kailangan basta may bata, mayroon kayong inaalagaan at kinakailangan ng tulong ay masama natin hangga’t maaari,” sabi ni Poe sa tanong kung bakit ang single mother ay hindi kasali sa CCT.

 
“Kailangan natin ire-evaluate kung sinong mga puwedeng masama diyan. Kung ikaw yung maliit ang kita at kailangan mo ng karagdagan ay masasama ka,” the senator said.
 
Vice Mayor Ben Mariñas ng Friends of Grace Poe, lumalakas si Manila  Vice Mayor Isko Moreno Domagoso sa senatoriables ah. Hindi na mapipigilan ang pag-akyat sa rankings. Hahaha.
 
Former Binalonan vice mayor Butsoy Legaspi, unopposed po pala si mayor. Babalik po pala si vice mayor Butsoy sa office of the vice mayor. Isang na malapit na kaibigan ni Manila vice mayor Isko Moreno Domagoso si vice butsoy dahil minsan naging barangay chairman siya sa Tondo.
 
GOBYERNO PARA SA LAHAT. Ang Gobyernong may Puso ay magbibigay ng public service sa lahat. Walang pulitika sa mga taong nangangailangan.
 
Meron kasi diyan na nganga ang aabutin mo kapag umasa sa style ng gobyerno nila.
 
“Ang kulay namin ay puti. Wala kaming kulay dilaw man o pula o asul sapagkat lahat ng Pilipino, kaaway o kaibigan man namin sa pulitika-lahat ng nangangailangan ay aming tutulungan,” sabi ni Poe.
 
“Dapat sa buhay, pantay-pantay ang pagtrato. Ang importante ay isang pinuno na pwede kayong maintindihan,” she said.
 
Former Pozorrubio vice mayor Rey Reyes ng Friends of Grace Poe, magkano ang challenge para sa susunod na standing ovation? Hahaha.
 
For councilor ng Pozorrubio po ba ang takbo niyo sa darating na local elections?
 
Former Laoac vice mayor Emong Soriano ng Friends of  Grace Poe, pahinga muna pala kayo sa local politics.
 
BAKIT GOBYERNONG MAY PUSO? Sinagot ni vice presidential candidate Chiz EScudero and tanong.
Madalas na sinasabi at itinatanong ‘yan, “Bakit Gobyernong May Puso”? Kasi para sa akin, lalo na, hindi pwede na ako lang ang may Heart; dapat ‘yung gobyernong, may puso rin dapat.
 
Ano ibig sabihin? Isang gobyernong hindi parang robot o makina, isang gobyernong may pakiramdam, isang gobyernong marunong masaktan lalong-lalo na kung may Pilipinong inaapi.
 
Isang gobyernong marunong malungkot kapag tinatamaan tayo ng kalamidad at agad kumikilos.
 
Isang gobyernong marunong din matuwa lalo na kapag nananalo tayo ng Miss Universe o anumang paligsahan.
 
 
PAANO NAGKAANAK NG KAMBAL SINA CHIZ? Kinabahan daw si Gobeyernong May Puso vice president Chiz Escudero sa Buntis Congress sa La Union
 
Pasensya na po kayo’t kinakabahan ako. Ito ang unang beses sa buhay ko na nasa isang kwarto ako at kasama ang napakaraming buntis na babae. Naimbag nga aldaw sa lahat ng nag-aattend ng, Sikug Congress.

 
At ikinuwento niya kung paano sila nagkaanak ng kambal.
 
Tinanong ko kanina kung anong pwede kong masabi at sabihin sa inyo dahil sa buong buhay ko hindi pa ako nabuntis. Nais kong magbigay ng maikling salaysay. Noong una akong kinasal, nahirapan kami noong asawa ko dati, hindi ngayon, na magkaanak. Inabot kami ng pitong taon bago kami nagkaanak. Ang ginamit pa namin noon siyensya. Nag-in vitro fertilization kami noong asawa ko dati. Ibig sabihin noon, kumuha ng itlog mula sa kanya, kumuha ng sperm mula sa akin at finertilize sa labas bago nilagay sa loob ng kanyang sinapupunan. Maraming beses kaming sumubok bago kami nagtagumpay at nagkaroon ng anak. Niregaluhan kami ng Diyos kambal na anak. Isang babae, isang lalake, eight-years-old na sila ngayon.
 
Sinabi ni Chiz na kung minsan iyong away mo, iyon ang nangyayari at kung minsa naman iyong gusto mo iyon ang hindi nangyayari.
 
Sinabi ko ‘yun dahil sa maraming babae napakadaling magbuntis pero sa maraming babae din lalo na sa panahon ngayon hindi na ganoon kadali magbuntis. Sa amin, ang inakala namin hindi na kami magkakaanak. Maswerte at pinagpala kayo na magkakaanak kayo o may anak kayo o malapit na kayo manganak. Sana pahalagahan at bigyang pagpapahalaga niyo. May kasabihan tayo, kung ano ang wala sa’yo ‘yun palagi ang hinahanap mo. Doon sa mga hindi inaasahang magbuntis, ayaw na mabuntis. Doon sa mga hindi mabuntis, gusto nila mabuntis.
 
Nagpa-practice pa lang si Chiz at si Heart para magkaanak next year.
Kami ni Heart, wala pa kaming anak. Nagpa-practice pa lang kami ngayon. Nais namin magkaanak siguro sa darating na taon dahil (inaudible) siguro kaming kasal.
 
Ang message ni Chiz sa mga buntis: baka iyong dinadala nila sym aging presidente.
 
Nais kong ibahagi sa inyo ang isang simpleng kaisipan sa umagang ito. Nasa sinapupunan ninyo ang kinabukasan ng ating bansa, ang mga anak ninyo ang susunod na magiging mga leader ng ating lipunan at ng ating bansa. Ang susunod na magiging anak ninyo ay dinadala niyo ngayon, malay niyo ang susunod na magiging pangulo ng bansa.
 
Bakit ko nasabi iyon? Lamang ang mga anak ninyo sa mga maraming bata, bilang halimbawa gagawin ko pong ehemplo si Senator Grace. Ang mga anak ninyo paglabas kilala ang magulang nila, kilala ang nanay nila. May magulang na mag aalaga agad pag bukas pa lamang ng kanilang mga mata, maski hindi pa sila nakakakita.
 
Si Senator Grace Poe pinanganak, walang magulang na kilala, iniwan sa simbahan, napulot lamang ng mga taong nagkataong nagsisimba. Pero ngayon mayroon siyang date sa tadhana na baka sakaling maging susunod na pangulo ng bansa. Kung ang isang pulot na bata pwedeng maganap iyon, ano pa kaya ang mga anak ninyo, na simula pa lamang may nagmamahal agad na magulang at nanay?

Entry filed under: News. Tags: .

 Orduna calls Guv ‘liar’ BFAR partners with Japanese companies for sea urchin production

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,558 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2016
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: