EDITORIAL Ang puwersa ng media

March 7, 2016 at 9:01 am Leave a comment


Mahalaga ang media o ang pamamahayag sa pagbuo ng kaisipan ng mga mamamayan. Ito ang nagbibigay ng tama o maling impormasyon na bubuo ng opinyon ng mga tao.001 (1)
Apat ang namamayani sa larangan ng media- telebisyon, radyo, pahayagan at ang pinakabago ay ang internet o “cyberspace”. Ang pinakahuli ang mas malawak ang nararating dahil nandiyan na ang mga balitang napapanood sa telebisyon, naririnig sa radyo, nababasa sa mga pahayagang lokal at nasyonal at isama pa diyan ang mga “social media” na kinabibilangan ng Facebook, Twitter, Instagram at YouTube.Dahil dito mas malawak ang nararating ng mga impormasyon.
Ang administrasyon ng probinsiya ay lantarang gumagamit ng radyo, lokal na pahayagan at ” social media”. Ayon sa mga nag-oobserba ng kalakaran sa media, si Gobernador Espino ay produkto ng malawakang pakikipag-ugnayan sa mga mamamahayag. Kalimitan sa mga balitang tungkol sa kanya ay kagagawan ng Provincial Information Office (PIO) sa pamamagitan ng mga “press releases”. Karamihan sa mga dito ay nalilimbag sa mga pahayagan at naibabahagi sa mga radyo na may kaukulang bayad. Bihira lang ang mga pahayagan na pumupuna sa kanyang administrasyon dahil kailangang mag-survive o mabuhay ang mga ito.
Dahil dito, hindi katakataka na ang badyet ng “public affairs” noong 2015 ay umabot sa P50.400 milyon. Ang pondong ito ay ginamit sa mga pampublikong pagbibigay ng mga impormasyon at kasama na diyan yong mga naglalakihang “tarpaulin” na nakalagay sa bawat sulok ng Pangasinan. Sa maikling pananalita, ang mga pamamahayag ay upang pabanguhin ang imahe ni Espino at mapagtakpan ang mga isyung sa kaalaman ng mga Pangasinense ay sadyang ipinagkakait at itinatago.
Makatwiran ba na ang ating PIO ay nagmistulang tagapagsalita ng mga nakaluklok sa Kapitolyo? Makatwiran ba na ang mga dapat na impormasyon na kailangang malaman ng mga Pangasinense ay pagtakpan? Hindi ba ang mga Pangasinense ang nagbabayad sa mga buwis na ginagastos sa pamamahayag? Bakit parang “robot” na lang ang karamihan sa mga mamamahayag at bantulot o atubili ang mga ito na ilantad ang mga makatotohanang nangyayari sa ating lalawigang Pangasinan?

Ang mga tanong na iyan ay nakatuon sa mga isyung pinagtatakpan ng pamahalaang Espino gaya ng ilegal na pagmimina ng “black sand” sa Lingayen, ilegal na mga “quarrying”, pagpapatayo ng mga batching plant at crushing machine, paggamit ng mga panlalawigang ” equipment” sa mga personal na proyekto, pag-utang ng bilyon na pera sa Lang Bank of the Philippines (LBP) at marami pang ibang mga isyu. Bakit ang mga ito ay hindi man lang nabibigyan ng pansin ng mga mamamahayag?
Mabuti na lang at halalan na naman. Ang pagkakataon na maibulgar sa publiko ang mga katiwalian ng administrasyong Espino ay napapanahon. Hindi ito dahil sa pulitika kundi upang malaman ng mga Pangasinense na ang inaakala nilang “matuwid na pamamahala” ni Gobernador Espino ay may batik at bahid ng kurapsyon. Nagsulputan ang mga programa sa mga radyo upang punahin ang mga ito. Naisusulat na rin sa mga pahayagan ang mga malawakang katiwalian ni Espino na tuwirang pupukaw sa kamalayan ng mga Pangasinense.
Dahil dito, mayroon ng mga alternatibong pinagmumulan ng mga tunay na impormasyon na sana’y makapagbago sa kaisipan ng bawat isang Pangasinense na magsusulong ng mga pagbabago—bagong anyo o mukha ng mga lider at bagong uri ng pamamahala sa ating Lalawigang Pangasinan.

Entry filed under: News. Tags: .

Mayor Belen to critics: Don’t underestimate Dagupenos KAWAYAN FEST

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2016
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: