EDITORIAL: ‘Anak ng Jueteng’

February 29, 2016 at 12:46 am Leave a comment


Isang malaking rebelasyon sa mga Pangasinense ang ipinahayag ni Bugallon Bise Mayor Rodrigo “Ric” Orduña tungkol sa mga tunay na pangyayari tungkol sa “jueteng”, ilegal na pagmina ng “black sand”, ilegal na pag-quarry sa Bugallon at kung ano ang pagkatao ni Gobernador Amado T. Espino Jr. bilang isang dating “kaibigan”.001 (1)
Sa isang pulong ng mga mamamahayag na ginanap kamakailan, ibinulalas ni Orduña ang sitwasyon ng “jueteng” sa Pangasinan at kung paano hinawakan ito ni Gobernador Espino. Ayon kay Orduña, P4 na milyon ang intelihensiya kada buwan ang tinatanggap ni Espino noong siya ay Congressman ng ikalawang Distrito ng Pangasinan mula 2001 hanggang 2006 na kung susumain ay umaabot sa halagang P288 milyon. Napakalaking halaga ano po?
Mas nakakagulat noong si Espino ay nagsimulang manungkulan bilang Gobernador noong 2007. Sinabi ni Orduña na bawat linggo sa araw ng Sabado, siya mismo ang nagbibigay kay Espino ng P2.5 milyon o P10 milyon kada buwan. Sa loob ng anim na taon o 2007 hanggang 2012, tinatayang humigit kumulang na P72 milyong payola sa “jueteng” na tinanggap ni Espino at hindi pa kasali ang mga taong 2013 hanggang 2015.
Matatandaan na noong Disyembre 2012, sinampahan ni Orduña ng kasong pandarambong o “plunder” si Espino sa Office of the Ombudsman sa tulong ni dating Arsobispo ng Lingayen-Dagupan na si Oscar Cruz dahil sa payola sa “jueteng”. Naging saksi niya si Fernando “Boy Bata” Alimagno, isang operator ng “jueteng” na sa kalaunan ay diumano binayaran ng P10 milyon para iurong ang kanyang sinumpaang salaysay. Sa ngayon hinihintay pa ni Orduña ang tawag mula sa Office of the Ombudsman at ayon sa kanya ay handa pa rin niyang ipagpatuloy ang kaso kontra kay Espino.
 Malaking halaga ng pera ang nasa likuran ng operasyon ng “jueteng”. Ang mga perang ito ay galing sa mga tumataya na karamihan ay mga mahihirap. Dahil sa kahirapan, ang kanilang pag-asa ay manalo man lang sa ilegal na sugal na ito at ipusta kahit ang kahulihulian nilang sentimo. Hindi nila alam na ang kanilang ipinupusta ay napupunta sa payola na ang malaking bahagi nito ay kay Gobernador Espino.

Nasaan ang budhi at pagmamahal sa mga maliliit at mahihirap na Pangasinense? Bakit kailangang imanipula ang kanilang kahirapan? Sa mga milyones na payola sa “jueteng” kay Espino, mayroon bang napupunta sa mga mahihirap na Pangasinense? Kung mayroon man, magkano at para saan ito?
Panahon na naman ng halalan. Kawawang Juan Palaris! Ang payola sa “jueteng” ay magagamit upang ipambili ng boto para lang patuloy ang pagtampisaw nila sa kapangyarihan at karangyaan. Supilin natin ang mga ganitong gawain. Huwag pairalin ang kasakiman sa pera lalo na kung ang mga ito ay galing sa mga ilegal na gawain at pamamaraan.
Advertisements

Entry filed under: News.

Chiz: The child in mother’s womb is country’s future MAGANES: Manipulating the Pangasinenses

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 632,475 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

February 2016
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
2829  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,341 other followers


%d bloggers like this: