CORTEZ:Bakit nadoble ang smuggling sa Daang Matuwid?

February 29, 2016 at 12:21 am Leave a comment


 brando-maso
 
POE PARA SA OFW. Sa La Union nagpunta sina Grace Poe at Chiz Escudero kasama ang dalawang senatorial candidates na sina Lorna Kapunan at Isko Moreno Domagoso.
 
Isa sa mga itataguyod ni Senator Grace Poe sa isang Gobyernong may Puso ay ang interest ng mga overseas Filipino workers (OFW) dahil former OFW din siya.
 
Ang number one sa Pulse Asia survey for President na si Grace Poe ay nagtutulak na magkaroon ng credit assistance at tax incentives para sa mga  overseas Filipino workers.
 
Ang incentive ay para sa mga OFW na pumasok sa pagnenegosyo para magkaroon ng option ang mga OFW na manatili na lang sa Pilipinas.
 
Maraming pamilya na ang nasira dahil sa kawalan ng oportunidad na magkaroon ng maayos na hanapbuhay dito sa Pilipinas.
 
 Ang probinsiya ng La Union, ay isa sa mga probinsiya may pinakamalaking numero ng mga Pilipinong nasa ibang bansa para mabuhay ang kani-kanilang pamilya.
 
“Our OFWs leave the country with the hope that when they come back, they will have the financial capacity to stay,” sabi ni senadora Grace Poe. “We should encourage and support the dreams of our migrants to be reintegrated in our society.”

 
Konsehal Romy Sim ng Friends of Grace Poe, Alam niyo po ba na…. sa La Union, ay 6.2 percent ng population na nasa gulang na 20 years old pataas ay  OFW!
 
Ang mga remittances o padalang pera ng OFW ay one fifth o twenty percent ng total household income.
 
Dapat daw po na ang Pilipino ay pumupunta sa ibang bayan na napilitan lang.
 
“We want overseas work to be a matter of choice and not compulsion,” sabi ni Poe. “However, we also have to ensure that Filipinos who do want to go abroad are well-informed about their rights and the realities in their destination countries.”
 
Ang kagustuhan ni Senadora Grace poe na ito ay sinubukan niya isabatas sa pamamagitan ng Senate Bill 1421.
 
KONTING BOTANTE PUNTA PA RIN. Dahil inimbitahan ng mga taga-Abra… pinagbigyan.
 
Nagpunta sa Bangued, Abra si senadora Grace Poe kahit na konti lang ang botante nito kumpara sa Pangasinan.
 
“Sa totoo lang, sabi nila sa akin, bakit ka pa pupunta ng Abra e ang layo-layo nun at kaunti lang ang tao doon. Pero mga kababayan, sa Gobyernong may Puso, saan man kayo, sino man kayo, hindi dapat kayo maiwanan,” sabi ni Poe sa mga taga- Abra.
 
Bok Dick ng Bangued, babalik ang anak ng Panday sa Abra. Ipapaalala ni FPJ yun.
 
“Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ako’y napapunta rito pero makakaasa kayo na hindi ko ito kakalimutan at hindi ito ang huling pagkakataon na pupunta ako dito. Sigurado ako, saan man si FPJ, ipapaalala niya sa akin, ‘wag mong kalilimutan ang Abra,'” sabi ni Poe.
 
Kasama ni Senadora si Vice Presidential candidate Chiz Escudero at senatorial candidates na sina Lorna Kapunan at Isko Moreno Domagoso.
 
Happy birthday nga pala kay Engr. Carding Balderas ng NIA. Dumating ba sina Director John Celeste at ARISEP Assistant Project Manager Ceferino Santa Ana? Hahaha!
 
CALL CENTER KAPITAL PERO. Sayang ang pagiging call center capital ng Pilipinas. Mabagal ang internet service.

 
Kung papapabilis lang ang internet service ng Globe, Smart, PLDT, Bayantel, SUN at iba pa… mas marami tayong mabibigyan ng work.
 
Mas maraming mabibigyan ng chance para kumita sa pamamagitan ng internet world.
 
“Ang Pilipinas ay Call Center Capital of the World samantalang tayo ang isa sa may pinakamabagal at mahal na internet sa mundo,” Poe said. “Maraming trabaho ang malilikha kung ang imprastraktura, lalung-lalo na ang ating connectivity, ay magiging mas maayos.” Sabi ni Grace Poe.
 
Pozorrubio Konsehal Rey Reyes ng Friends of Grace Poe, kumusta na ang formula sa standing ovation?
 
CHIZ PARA SA MGA LUMAD. Nanawagan si Vice Presidential bet CHIZ Escudero ng mabilisang imbestigasyon sa pagsunog sa isang evacuation center ng mga Lumad sa Davao City.
 
Ang Lumad evacuees sa Haran Center sa Davao City ay mga Manobo mula sa Davao Del Norte at Bukidnon.
 
Busy sa campaign si Duterte kaya napapabayaan na niya ang Davao. Kawawang Davao.
 
“Nararapat ng agad kumilos ang mga kinauukulan ng syudad upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pagsunog. Mas higit na kailangan ngayon ng mga kapatid natin lumad ang kalinga at katarungan,” sabi Escudero, dating chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights.
 
“Naniniwala ako na ang bawat Pilipino, lumad ka man o hindi, ay may pantay-pantay ng karapatan at hindi kailan man dapat dumanas ng kahit anong uri ng diskriminasyon,” sabi ni Chiz Escudero.
 
PALPAK KONTRA SMUGGLING. Ang Daang Matuwid ay walang laban kontra smuggling.
 
Ayon kay Boss Sendo, ang proof na may smuggling ay ang pagkakasabat ang smuggled na bigas na nagkakahalaga ng PhP118 million mula Thailand noong isang linggo.
 
 Matagal ng sinsasabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura na ang pagiging inutil ng Daang Matuwid government kontra smuggling ay isang major na dahilan kung bakit hindi umaangat ang sector ng agrikultura.
 
Makaraan ang limang taon at apat na hepe ng Bureau of Customs… talamak pa rin ang smuggling.
 
 “We have urged President Aquino to look into [the] smuggling pestilence. After five years and four Customs’s chief, there is no doubt that this administration has failed the agriculture sector in this regard,” sabi ni Boss Sendo.
 
Mas malala ang rice smuggling sa panahon ng Daang Matuwid dahil 2.77 million metric tons (MMT) ng bigas ang smuggled mula 2010 hanggang 2014.
 
Noong panahon ni GMA mula 2005 hanggang 2009 ay 1.06 million metric ton ng smuggled na bigas ang nakapasok sa Pilipinas.
 
Sabi nila Boss Sendo na dapat ay sole rice importer na lang ang  National Food Authority.
 
Government-to-government scheme lang dapat ang scheme sa importation ng bigas.
 
Hindi naman siguro gagawa ng smuggling ng gobyerno ng Pilipinas ano?
 
Lumabas kasi sa mga senate hearing na may isang David Bangayan at iba pang rice traders ang bumibili ng mga importation papers ng mga farmers cooperatives.
 
 “It appears that this government does not want to stop the smuggling of farm products,” sabi ni Boss Sendo.
 

Entry filed under: News.

PWDs from Region 1 off to France for Int’l Abilympics Surge in rape cases, abuse due to improved reporting – police 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

February 2016
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
2829  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: