CORTEZ: Mawala na ang lahat, huwag lang ang pag-asa

February 21, 2016 at 9:54 pm Leave a comment


brando-maso
 
Kahit na tuloy tuloy pa rin ang mga bira sa susunod na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Grace Poe ay tuloy tuloy pa rin ang pagpunta niya sa mga probinsiya para iparamdam sa tao ang isang gobyernong may puso.
 
Pag-asa ang pinanghahawakan ni Grace Poe na magiging pabor sa kanya at mga foundlings ang nagiging final decision ng Korte Suprema sa disqualification case ng Comelec.
 
“Kumpiyansa naman kami dahil naging positive ang argument. Mismo si Chief Justice Sereno nagsabi na may karapatan ang mga nadampot. Si SolGen Hilbay ay nagsabi na ako raw ay natural-born and ang residency requirement ay natugunan. He has higher responsibility for what is right and what will affect the majority of the countrymen,” sabi ni Poe.
 
Pinabulaanan ni Grace Poe na ginagapang ng mga supporters niya ang Korte Suprema para maging pabor sa kandidatura niya ang desisyon.
 
“Ako ay naniniwala na malakas ang kasong ito. Kaya sila ay nag-iimbento ng mga storya na ganiyan,” Poe said when asked during a press briefing in Iloilo about reports that someone from her campaign was exerting pressure on the Supreme Court.
 
Naniniwala si Grace Poe na hindi kayang impluwensiyahan ang Korte Suprema. Mismong si PNoy ay hindi parating nakakakuha ng paborableng desisyon sa Korte Suprema sa mga kasong ibinato kay PNoy.
 
Naniniwala si Grace Poe na may integridad ang Korte Suprema.
 
“Kahit nga ang pangulo ay hindi naimpluwensiyahan ang SC. Nakita naman natin ang appointed ng ating pangulo diyan at siya ay nakaupong pangulo, pero hindi naman lahat ng kanilang naisampang kaso ay nadesisyunan pabor sa kanila. Kami pa kaya? Alam naman natin na ang mga taong ito ay meron namang kredibilidad na pinangangalagaan din,” Poe said of the Supreme Court justices.
 
QUESTION KAY SEN. GRACE POE SA PHINMA UPANG. May isang estudyante ang nagtanong sa isyu ng corruption.
 
Ano nga ba ang relasyon ng faith sa governance? Mas maayos ba ang takbo ng gobyerno sa isang lipunang Kristiyano?
 
Ano nga ba ang relasyon ng faith sa governance? Mas maayos ba ang takbo ng gobyerno sa isang lipunang Islamic?
 
(Q): Senator Grace Poe ako po si (inaudible). So ito pong itatanong ko ay mula sa puso ko at sa puso ng bawat estudyante. Kagustuhan po ng lahat ang pagbabago at maganda iyon pero ang pangunahing problema ng bansa ay korupsyon. Tayo ay tinatawag na Kristiyanong bansa ngunit tayo ay kabilang sa pinaka corrupt na bansa. Paano ninyo po maipapadama at maipapakita sa aming mga estudyante na kayo talaga ay lalaban sa korupsyon?
 
Ang Freedom of Information Bill na malugod na itinataguyod ng isang Grace Poe ay isang hakbang para may mabantayan ng taumbayan ang pammamalakad sa gobyerno.
 
Kailangan din daw ang pagbabago sa mga pinuno. Kung minsan daw eh nandiyan si Tatay, nandiyan pa si anak, nandiyan pa si kapatid na sabay-sabay na sumasabak sa election at nananalo.
 
Rosales councilor Romy Sim. Kelan kayo magpapalit ng sasakyan? Hahaha. Dapat daw eh, magpalit din ng sasakayan.
 
SENATOR GRACE POE (GP): (inaudible) Maraming salamat sa inyo. Tama ang sinabi mo, tayo ay isang Katolikong bansa kaya minsan masyado tayong mapagpatawad. OK lang magpatawad sa puso pero sa batas kelangan ipairal ito at bilisan ang pagre-release ng kaso sa kung sinuman ang mga nagnanakaw. Kasi kung hindi mo gagawin iyan ay tutularan ka nila. Pangalawa, sa Senado si Senator Chiz ang author at ako ang principal sponsor ng Freedom of Information Bill. Ipinasa namin sa Senado, eight months. Ano ang ibig sabihin nito? Na bawat isa sa inyo pwedeng busisiin ang buong (inaudible) ng gobyerno para malaman ninyo rin kung ninanakawan tayo. Alam ninyo, ang nakakalungkot ayaw nilang ipasa sa Kongreso at hindi naging prioridad na ipasa. So kapag ako at kami ay nabigyan ng pagkakataon iyon ang una aming ipapasa para sa media at kayo pwede ninyong puntahan ang tanggapan ng gobyerno at pakialaman ang kanilang ginagawa. Pero higit sa lahat ay ito, baka naman may mabahiran ng korupsyon, kung kayo ay boboto piliin ninyo. (inaudible) merong mga ibang tumatakbo diyan na hindi naman magnanakaw. Tapat naman sa inyo at maaayos na serbisyo. Pero siguro hindi pleasing ang personality pero alam ninyo na magaling. Iyon ang piliin ninyo. Kasi kung pare-pareho lang, tatay, kamag-anak, bayaw, tiyahin (inaudible) sila sila pa rin ang mamumuno diyan. Kaya nga sabi nila minsan sumubok naman tayo ng sasakyan na bago, lalong lalo na alam naman natin na (inaudible) kasi ang mga kababayan natin kasi kung ganon ng ganoon ang gagawin natin. Palagi tayong(inaudible).
 
QUESTION KAY SEN. CHIZ ESCUDERO SA BOMBO RADYO. Nagkaroon ng pagkakataon ang Bombo Radyo Dagupan na mabisita ni Sen Chiz Escudero at nakapagtanong.
 
Ibinigay na ni Sen Chiz Escudero ang kanilang ginagawa para mapanatili sa taas ang rating sa mga survey nila Sen. Grace at Sen. Chiz.
 
Q: Opo. Good morning po sa inyo sir at nagsimula na po Senator Chiz Escudero ang official campaign. At sa latest survey po ng Pulse Asia, nangunguna pa rin kayo ni Senadora Grace Poe at kayo po bilang vice presidential candidate. It’s a good start po ito at ano po iyong advantage po ng pagiging una sa pinaka-latest na survey?
 
Sabi ni Sen. Chiz ang tamang pagharap sa mga resulta ng mga survey. Huwag magyabang pag mataas ang resulta. Huwag naman mainis kapag mababa ang resulta ng survey.
 
Sa araw ng eleksyon lalabas ang tunay resulta ng halalan for president, vice president at iba pang elective positions.
 
CHIZ: Nagpapasalamat po kami sa ating mga kababayan sa patuloy nilang paniniwala at pagtitiwala. Sa kabila ng kakulangan namin ng pera, partido at makinarya. Pero alam mo Bombo Karen, ang survey ganyan talaga iyan – tataas iyan bababa, tataas bababa. Sinuman ang mataas hindi dapat magyabang. Sinuman ang mababa hindi dapat mainis. Basta sipag lang, trabaho lang at ikot lang. Dahil sa dulo, boto pa rin naman sa araw ng eleksyon ang binibilang.

 
Q: Opo pero kayo po as a pulitiko or as a vice presidential candidate, Senator Chiz Escudero, ano po iyong ginagawa po ninyo o ginagawa ni Senadora Grace Poe kung bakit kayo pa rin ang outstanding at nangunguna sa mga survey? Ano po sa tingin ninyo?
 
O haaa! Ang tandem na Poe-Escudero, bagaman at parehong independent. Walang national political party. Walang  national machinery. Eh study pa more ang ginagawa. Libot pa more sa mga probinsiya. Ikot pa more sa mga kababayan.
 
Open book ang buhay ni Grace Poe. Open book din ang buhay ni Chiz Escudero. Walang itinatago. Walang kinatatakutan.
 
Mayor Leo De Vera ng Bayambang totoo po ba… dito sa Pangasinan, maraming takot! Hahaha.
 
CHIZ: Study pa more kami, libot pa more at ikot pa more. Iyon po ang ginagawa namin. Dahil pinupunuan namin iyong kakulangan namin ng pera at partido. At siguro, alam at nakikita naman ng ating mga kababayan ang buong buhay at nagawa na namin ni Senator Grace. Wala kaming itinago sa kanila. Wala kaming ikinubli sa ating mga kababayan. Sa katunayan, sa parte ni Senator Grace ultimo pagkakapulot o pagdampot sa kanya sa simbahan sa Jaro, Iloilo, alam ng buong bansa. Gayundin sa akin kung sino ang niligawan ko, kung sino ang sumagot sa akin, kung sino ang hindi sumagot. Sinong umaway sa akin, sinong kabati ko. Lahat naman alam ng ating mga kababayan. Kaming walang itinatago, walang kailangan katakutan.
 
MULA sa FRIENDS OF GRACE POE: Maraming salamat sa mga taga-Pangasinan na patuloy na sumusuporta sa kandidatura ni Grace Poe for President kahit na nagkaroon siya ng disqualification case.

Entry filed under: News. Tags: .

Grace Poe: Time for change under Gobyernong May Puso   So to Espino: Don’t drag my name in the illegal black sand mining case

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

February 2016
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
2829  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: