MASO:   Nasa balota na Poe si Grace

February 20, 2016 at 9:55 pm Leave a comment


brando-maso
 
Kandidato na Poe si Grace Poe. Makikita na natin sa balota ang Grace Poe na kandidato para Pungulo ng Republika ng Pilipinas.
 
Number 5 po sa Certified List of Candidates for President  ang ating kandidatong si senadora Grace Poe.
 
Wala na sa kamay ng COMELEC ang disqualification case dahil sa bisa ng 12-3 na desisyon Korte Suprema na maglabas ng TRO laban sa hakbang ng COMELEC.
 
 Wala na po sa COMELEC andg bola. Nasa Korte Suprema na ang bola.
 
Ipinag-utos din sa COMELEC na ilagay ang pangalan ni Sen. Grace sa balota para hindi mapawalang-bisa anumang desisyonna igagawad ng Korte Suprema.
 
Nangyari po kasi yan nung 2010.
 
May isa party-list na dinisqualify ng COMELEC… hindi isinama sa balota ang pangalan ng party-list. Nagpetisyon ang party-list sa Korte Suprema.
 
Pagdating ng Abril, nanalo yung partylist sa Supreme Court. Dapat daw kasama siya sa balota pero hindi isinama ng COMELEC.
 
Ang sabi po ng parylist sa COMELEC, panalo na ako sa Korte Suprema paano na yan?
 
Sagot ng COMELEC sa party-list nung 2010, tumakbo ka na lang ulit sa 2013.
 
Tama ba iyon? Hindi naman tama at makatarungan ang sagot ng COMELEC.
 
Kaya bahagi sa pinag-utos ng Korte Suprema tumakbo ka na lang ulit sa 2013.
 
Hindi tama at hindi makatarungan ‘yon. Tama po ba Rosales councilor Romy Sim?
 
Kaya naman ngayon, bahagi sa pinag-utos ng Korte Suprema sa COMELEC, habang dinidinig yung kaso, ilagay ang pangalan ni Senator Grace Poe sa balota.
 
Dahil nasa Balota na ang name na Grace Poe, kandidato na Poe siya para Pangulo.
 
Sorry na lang doon sa mga nag-effort na i-disqualify si senadora Grace, may kalaban pa rin kayo.
 
Kandidato si Grace Poe para Pangulo at kandidato rin si Chiz Escudero para vice president kaya araw-araw ang pagpunta nila sa iba’t ibang probinsiya katulad ng Pangasinan.
 
POE ON SSS VETO. Tatlong puntos ang sinsabi ni aenadora Grace sa isyu ng SSS veto.
 
 Una, iyong administrative cost ng SSS ay mas mataas.

 
Pangalawa, iyong ng collection efficiency ng SSS mababa kailangan nilang panagutin ang mga employers at bigyan ng mas mataas na penalty iyong hindi nagbabayad.
 
Pangatlo, siyempre hindi maganda sa tingin ng tao na iyong mga mas nakakataas na posisyon sa SSS ay malaki na nga ang sahod eh malalaki pa ang nakukuhang bonus.
 
Nawawala o nabubura ang moral authority ang SSS na sabihin sa mga tao na hindi kayang ipatupad ang increase sa pension.
 
 Sa year 2029 raw maba-bankrupt ang SSS kaya hindi pinirmahan ni PNoy.
 
Ang tanong, bakit walang nagawa ang mga inilagay ni PNoy para maging viable ang SSS beyond 2029?
 
Inutil ba ang mga inilagay ni PNoy sa SSS? Wala silang nagawa para mapaunlad ang SSS.
 
Dapat managot ang mga inilagay ni PNoy sa SSS dahil hindi sila na nakagawa ng programa para sa pangmatagalang buhay ng SSS.
 
Palpak ang mga inilagay ng Tuwid na Daan sa SSS. At hindi nila natupad ang reason kung bakit itinayo ang SSS.
 
“It is the policy of the State to establish, develop, promote and perfect a sound and viable tax-exempt social security system suitable to the needs of the people throughout the Philippines which shall promote social justice and provide meaningful protection to members and their families against the hazards of disability, sickness, maternity, old age, death and other contingencies resulting in loss of income or financial burden. Toward this end, the State shall endeavor to extend social security protection to workers and their beneficiaries.” (Section 2, RA 8282)
 
Nagawa ba ng mga appointees ng matuwid na daan sa SSS ang isinasaad ng constitution? HINDI!
 
DAGUPAN’S BUDGET APPROVED. Approved na ang P768 million budget ng Dagupan City sa isang session ng Sanggunian Panlungsod (SP) January 12.
 
Salamat nga pala kay Mayor Belen Fernandez sa pagtanggap kina Manila Vice Mayor Isko Moreno, Rep. Roman Romulo, Shalani Romulo at Engr. Rosendo So.
 
Ang budget ng Dagupan city noong 2015 ay P691 million.
 
Ang 2016 budget ng Dagupan City ay nilalaman ng approved Ordinance No. 2054-2016 kung saan kukunin ang mga expenses.
 
May budget na P242,840.05 para sa personal services at may budget na P338,446,831.95 para sa maintenance and other operating expenses (MOOE).
 
May budget din na P155,882,850.00 para sa capital outlay; at may budget naman na  P30,830,000.00 para sa financial expenses.
 
O di po ba? Naayos din ang budget ng City at tuloy na tuloy ang unli-serbisyo sa mga mamamayan ng Dagupan.
 
Meron kasing nagtanong kung bakit nabawasan ang budget ng SP. Gusto nila ng mas mataas na budget pero hindi naman nila kayang gastusin ang budget nila noong 2015.
 
Minsan, noong December 7 may gastos ang SP na PhP 200,000 para sa food. Madami sigurong pinakain sa loob ng araw na iyon.
 
Sino po ba yung empleyado ng SP na nakakuha ng PhP100,000 na overtime pay? Ang sipag naman niya!
 
DRUG MONEY CORRUPTS. Huli sa anti drug raid ang isang colonel ng military na dating opisyal ng PDEA. Ang PDEA ay isang kamay ng gobyerno kontra illegal na droga.
 
Walang maniniwala sa ahit ano pang alibi ni  Col. Ferdinand Marcelino, former director of the Special Enforcement Services ng PDEA nang mahuli siya kasama ang isang  Chinese national na si Yan Yi Shou.
 
Si Marcelino ang isa sa mga nakahuli sa Alabang Boys, pero natalo ang PDEA sa kaso. Lumaya ang Alabang Boys.
 
Si Marcelino ay nasa active duty bilang member ng Philippine Navy at na-appoint na bagong superintendent ng Naval Education and Training Command sa Zambales.
 
Si Shou and ating interpreter ni Marcelino noong nasa PDEA pa siya.
 
May mga naiwan ba si Marcelino sa PDEA na involved din sa pagpapalganap ng illegal na droga sa buong bansa?

Entry filed under: News. Tags: .

Cojuangco scores SOPA: rehash, unrealistic Grace, Chiz court Pangasinan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,558 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

February 2016
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
2829  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: